Starring 60

Mulai dari awal
                                    

Pulang-pula ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong naguumapaw na saya. Biruin ninyo nalimutan ko, pero si Franz, naalala niya! Akala ko balewala lang sa kanya ang kasal namin kaya masayang-masaya ako.

"Sorry nalimutan ko." Hingi ko ng tawad at ipinulupot ko ang kamay ko sa bewang niya habang nakaupo. Inihilig ko pa ang ulo ko sa kanya.

Walang ilang segundo ay sandamakmak na agad ang comments na, "congrats", "I'm happy for you!", "mas magtagal pa sana kayo", at kung anu-ano pa. Pero ang tanging kumuha ng attention namin kaya napaangat ang ulo ko at si Franz naman ay natigilan....

von_lee: "congrats! good for you that you have moved on. i pray that i can also do that, soon! :("

Natigilan ako. Hindi pa rin pala nakaka-move on si Von? Akala ko ba ay ok na siya? Kumusta na kaya siya? Gustong-gusto ko sana siyang i-private message, pero hawak ni Franz ang iPad ko.

"Burahin natin?" Tanong sa akin ni Franz.

Natigilan ako. Bakit naman niya kailangang burahin? Nakakahiya naman kay Von. Baka kung ano ang isipin nung isa sa akin kapag binura namin ang message niya.

Nang hindi ako makasagot ay pinindot ni Franz ang message box. Gusto ko nang agawin ang iPad, pero alam kong away lang kaya hindi na ako kumibo.

steph-cruz-roff: "mahahanap mo din ang para sa iyo."

Message ni Franz kay Von gamit ang fb ko. And yes, Stephanie Cruz Roff talaga ako sa fb. Hindi naman big deal iyon sa mga fb friends ko dahil open secret nga na mahal ko siya, noon pa man.

Kinakabahan ako kung ano ang isasagot ni Von. "Franz, baka isipin ni Von ako ang nagmessage sa kanya." Reklamo ko sa malambing na tono.

Kumunot ang noo niya sa akin. "Ano naman ngayon kung isipin niyang ikaw? May masama ba sa sinabi ko?" Seryosong tanong niya.

"W-wala." Sagot ko. Kung ako ang babasa, parang wala namang masama. Ang problema lang ay kung si Von ang makakabasa baka isipin niyang insensitive ako. Dahil dama kong nasasaktan siya sa comment niya sa status ko na pinost ni Franz tungkol sa anniversary churva namin.

Napabalik ang attention namin ng tumunog ang chatbox.

von_lee: "sana nga ganoon kadaling kalimutan ka, Steph."

steph-cruz-roff: "kalimutan mo na ako kasi asawa na ako ni Franz."

Gusto ko nang magreklamo sa kanya. "Huwag mo nang ipamukha sa kanya na wala na kaming pag-asa. Nasasaktan na nga iyong tao, Franz." Hindi ko mapigilang sabi ko.

"Concern ka pa din?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Siyempre. Kaibigan natin siya." Malumanay na sagot ko.

"Kaibigan na nga lang ba para sa iyo, Steph?" Paninigurado niya.

Naiiling na lang ako dahil mukhang nagiging possessive naman siya. "Tigilan mo na nga iyan. I-log out mo na, Franz." Awat ko sa kanya. Baka kasi magaway lang ulit kami.

von_lee: "God knows I really want to. pero I can't! ur my greatest love, Steph."

Kitang-kita ko ang pagtagis ng bagang ni Franz ng mabasa ang message ni Von. "Greatest love his face!" Inis na sabi ni Franz.

"Tama na nga kasi iyan!" Awat ko pa. Napipikon na siya sa walang kwentang bagay eh.

Hindi niya ako pinansin at nag-type na lang sa touch screen ng gadget ko.

steph-cruz-roff: "but you know that Franz is my forever love."

Sinapak ko sa braso. "Franz, bakit iyan ang sinulat mo? Iyan ba ang nararamdaman ko?" Naiinis na sabi ko. How could he do this to me? He's putting words into my mouth! Grabe!

The StarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang