Starring 37

10.6K 172 6
                                    

STARRING 37

YOU ARE SO BEAUTIFUL

Kanina pa ako dito sa harap ng salamin. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ang susuotin ko para sa birthday party ng Vice President ng Lao Entertainment, si Miss Sapphire. Halos isang oras na akong hubad-suot sa mga gowns ko dito. Strictly formal kasi ang dress code ayos sa invitaton.

Nang sa wakas ay makapili na ako ay sapatos naman ang pinoproblema ko. Kumain ata ng halos 30 minutes ang pagmix and match ko ng babagay na shoes at bag para sa silver above the knee gown ko. Matapos ang makalat na pag-pili ko, sa wakas ay okay na.

Dumiretso na ako sa cr at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nag-blow dry na ako ng buhok. Itinaas ko iyon at nagiwan ng konting mga hibla sa magkabilang gilid. Medyo kinapalan ko ang make-up ko kasi gabi ang party.

Nang matapos akong magayos ay isinuot ko na ang gown ko. Ang kaso, hindi ko maabot ang zipper sa likod ko kaya hindi ako matapos-tapos. Sinubukan kong kabigin ng dulo ng sukay pero ayaw talagang masara.

Nasa ganoon akong eksena ng iluwa ng pintuan ko si Franz. He's wearing black tuxedo para sa party. May dala-dala siyang dalawang hanky na pang lagay sa bulsa sa dibdib.

"Tapos ka na ba? Bilisan mo na at baka malate tayo." Sabi niya habang papalapit sa akin.

Nahihiya man, pero no choice ako. Aabutin kami ng kopong-kopong kung hindi pa ako magpapatulong.  "Hindi ko kasi maisara ang dress ko. Paki sara mo naman." Pakisuyo ko sa kanya habang nakaharap sa salamin ng tukador ko.

Tiningnan ko ang reaction niya. Dahan-dahang hinaplos ni Franz ang balikat ko. Hindi maiwasang mapalunok ako. Ang lakas ng kaba ko. Ano ba kasi at may pahaplos-haplos pa?

Dug..

Dug..

Ayan! Humahataw tuloy ang puso ko. Parang nag-120 beats per minute tuloy!

"Franz!" Untag ko sa kanya para mawala ang nerbyos ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya. Halatang ninenerbyos din siya.

Nakatitig lang siya sa repleksyon ko sa salamin ng dahan-dahan niyang itaas ang zipper ng dress ko. Napapikit ako. Ayan na naman kasi ang libo-libong boltahe na gumagapang sa akin.

Naramdaman kong tapos na kaya nagmulat na ako ng mata. Pagdilat ko ay ang mga titig niya pa rin ang natagpuan ko.

"Franz?" Tawag ko sa kanya. Para kasing nawawala na ang kaluluwa niya.

Nang oras ding ito, hindi ko akalain na maririnig ko ang isang bagay na kailanman ay hindi ko inakalang masasabi niya. "You are so beautiful." Sabi niya na bakas ang paghanga sa akin sa kanyang mga mata.

Halos hindi ako makahinga ng ayos dahil sa sinabi niya. You are so beautiful? Wow! Galing sa tao na kailanman ay hindi ko inakalang sasabihin sa akin ito?

The StarWhere stories live. Discover now