Starring 53

9.7K 165 8
                                    



STARRING 53

I WON!



Umorder si Franz ng beer pong at isa-isa niya kaming inabutan ng alak sa baso. Kada lagok naman ni Fatima ng shot ay lihim kong tinutumbasan. Sinigurado ko na maipapakita ko sa kanila na hindi ako weak. Kaya kong makipagsabayan sa kanila.



Nasa katabing table namin ang mga alalay nila. Sa table namin ay kaming tatlo lang. Pero sinigurado naman ni Franz na kung anong order dito sa lamesa namin ay parehas ng nasa mesa nina Ate Gi. Walang discrimination.



Nasa kalagitnaan kami ng pag-inom nang kumanta muli ang liveband. Ang lamig ng boses noong bokalistang lalaki. Naalala ko tuloy si Von. Halos ganito rin ang boses ni Von, malamig at puno ng feelings. Pero kapag kailangang ibirit, walang effort niyang nagagawa.



(A/N: Please play youtube video at your right.------->>>)



My Boo


There's always that one person
That will always have your heart
You never see it coming
Cause you're blinded from the start
Know that you're that one for me
It's clear for everyone to see
Ooh baby ooh you'll always be my boo


Sino nga ba ang natatanging tao na may hawak ng puso ni Franz? Hindi ba't si Fatima? Sa hindi nila inaasahang pagkakataon, nagkakilala sila sa fashion show at doon na nagsimula ang lahat. Mabuti na lang at may sarili akong lovelife ng mga panahong iyon, kundi ay magiging kontrabida ako sa kanilang dalawa.


I don't know bout you all
But I know about us and uh
It's the only way
We know how to rock
I don't know bout you all
But I know about us and uh
It's the only way
We know how to rock


Wow! Iyong boses ng babaeng bokalista ang cool din. Mukha silang ASIAN dahil sa features nila. Marahil ay mga Singaporean o Thailander.



Do you remember girl
I was the one who gave you your first kiss
Cause I remember girl
I was the one who said put your lips like this
Even before all the fame and
People screaming your name
Girl I was there when you were my baby


Malamang kaya hindi nila malimutan ang isa't-isa dahil sa katotohanang minahal nila talaga ang bawat isa. At kaya si Franz ay hindi lalo malimutan si Fatima dahil she was his first in everything. She was his first na niligawan, idineyt, napasagot, nakiss at kung anu-ano pa. I'm sure of that. Kasi wala namang ibang naging gf si Franz maliban kay Fatima. And first love never dies, hindi ba?


Same goes for me. Hindi naging mahirap na bumalik ang feelings ko kay Franz, kahit anong pigil ko, dahil he was my first love. Kaya kahit natagpuan ko na ang love ni Von ay bumalik pa din ang love ko kay Franz kahit na ayaw ko.


"Steph, napaparami ka na." Awat sa akin ni Franz. Ang sarap kasing uminom. Saka paano ba namang hindi dadami, eh tinatapatan at hinihigitan ko pa nga, ang bawat tagay ni Fat? I want to prove Franz na I'm better than Fat.



"Ano ba? Huwag ka ngang makialam!" Inis na sabi ko. Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa shot glass ko. "I'm not weak, Franz!" Pagyayabang ko pa sa kanya.



It started when we were younger
You were mine my boo
Now another brother's taken over
But its still in your eyes my boo
Even though we used to argue it's alright
I know we haven't seen each other
In awhile but you will always be my boo


"Tama na kasi!" Awat niya ulit. Pero para walang pagtalunan, nilagok ko na lahat!


"Last mo na iyan!" May diing sabi ni Franz. Masama na ang titig niya sa akin. Akala niya siguro maapektuhan ako? Mukha niya!


Simula pagkabata wala akong ibang binigyan ng halaga kundi si Franz. Lahat ng tungkol sa kanya ay inalam ko. Pero nang napagod na ako sa pangbabalewala niya, tinigilan ko na.


I was in love with you when we were younger
You were mine my boo
And I see it from time to time
I still feel like my boo
And I can see it no matter
How I try to hide my boo
Even though there's another man who's in my life
You will always be my boo


Binuksan ko ang puso ko sa perfect boyfriend na si Von Lee. Nagtagumpay naman ako sa pagbaling ng pag-ibig ko sa kanya. Nagmahalan kami ng tapat. Bumuo kami ng buhay na kaming dalawa lang. Natanggap ko na na magkaibigan lang talaga ang nararapat sa amin ni Franz.


He was busy with his love, I was busy with mine.


Pero sa sudden twist of faith, nagkahiwalay kami dahil ipinakasal ako ng magulang ko kay Franz. Noong una, nadurog ako. Durog na durog! Pero sa tulong ni Franz, nabuo ulit ako. And the unexpected thing happened...


I fell for him all over again!



Magrerefill ako nang tagay ko ng harangan ako ni Franz. "Tama na!" Seryosong sabi niya habang nilalagyan iyong kay Fatima.


Ngumuso ako. "Bakit si Fat, pwede? Ako hindi?" Tanong ko sa kanya.


"Thank you!" Pasasalamat ni Fatima ng iabot ni Franz ang shot glass niya. Mapupungay na ang mata niya. Halatang lasing na.


Sinundot ko si Franz sa tagiliran. Naging isang linya tuloy ang naniningkit niyang mata sa akin. "Mas lasing pa nga si Fatima sa akin eh." Reklamo ko.


Napatingin ako kay Fatima at nahuli ko siyang malungkot na nakatitig kay Franz. Ano ba kasi ang real score sa dalawang ito? Hayy!

Yes I remember boy
Cause after we kissed
I could only think about your lips
Yes I remember boy
The moment I knew you were the one
I could spend my life with
Even before all the fame
And people screaming your name
I was there and you were my baby

"Steph!" Inis na awat sa akin ni Franz. Kasi sa kabilang table nina Kuya Max ako nagrefill ng alak. Tinungga ko na agad, baka makumpiska pa eh.


Hinila niya ako pabalik sa upuan ko matapos kong uminom ng shot. "Alam mo, masyado kang magbantay." Reklamo ko. Halos pabulol na ako magsalita. Tinamaan na ata talaga ako!


It started when we were younger
You were mine my boo
Now another brother's taken over
But its still in your eyes my boo
Even though we used to argue it's alright
I know we haven't seen each other
In awhile but you will always be my boo

"Tss.. Pasaway ka! Kargo kita, remember? Dahil asa..." Tinakpan ko agad ang bibig ni Franz ng kamay ko. May tama na rin ito kaya nagiging tactless na. Baka mabuking kaming mag-asawa. No! Tiyak na pagtatawanan nila kami kapag nalamang hindi niya ako mahal, tapos asawa na niya ako.

The StarWhere stories live. Discover now