Starring 87

7.5K 164 42
                                    

 A/N:

Iyong mga gustong magpadedicate, paki message na lang po ako.. Thanks! 40 VOTES + 35 COMMENTS = UPDATE!

_________________________________________

STARRING 87

CEDRIC GARCIA


Napakunot ang noo ko nang malingunan ko si Cedric na bumaba ng isang Toyotang kotse. May kotse siya? Mayaman pala ang isang ito? Siguro ay isa ang pamilya niya sa mga mayayamang angkan na may-ari ng mga tubuhan dito. Ang Balayan kasi ay lugar ng asukarera. May mga lupain dito na ang tanim ay puro sugar cane.

"Ayos ka lang?" Nagaalalang tanong  niya. Pati boses niya ay nagpapaalala sa Star ninyo.

Tumango ako at hindi nagsalita. Pakiramdam ko kasi ay parang masusuka ako kapag ibinuka ko ang bibig ko. What is wrong with me? Ano ba itong nararamdaman ko? Marahil ay nabigla ang katawan ko sa malayong lakad na ginawa ko. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi naglalakad ng ganito.

"Sumabay ka na sa akin. Huwag kang matakot. Ako nga pala si Cedric R. Garcia." Pakilala niya sabay lahad ng kamay.

Kumamay ako at magpapakilala sana nang mapahawak ako nang mahigpit sa kanya. Kailangan kong humawak dahil nahihilo ako at nasusuka. Inalalayan niya ako sa isang tabi at doon ko inilabas ang nakain ko atang hindi maganda. Hiyang-hiya ako nang abutan niya ako ng bottled water na galing sa loob ng kotse niya. Nagmumog ako at nagpunas ng luha. Ang sama talaga ng tiyan ko!

"Ok ka na?" Tanong niya sa akin nang nakasandal na ako sa pintuan ng kanyang kotse. 

"Oo. Salamat ha. Ako nga pala si Stephanie Cruz. " Pakilala ko.

Tumango-tango siya. "I know." Sagot niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. Paano nga pala ako nito nakilala eh late siya kanina noong nagpakilala kami sa first subject namin? Sa mga sumunod na dalawa pang subject namin kaninang umaga ay tulog naman siya.

"Paano mo ako nakilala?" Nagtatakang tanong ko.

Natawa siya sa akin kaya napangiti rin ako. Marunong pala siyang ngumiti? Kanina kasi sa school ay laging masamang titig ang nakukuha ko sa kanya. Ang ganda niya palang ngumiti. "Sa room. Narinig ko." Sagot niya.

"Akala ko tulog ka?" Tanong ko pa. Kasi tulog naman talaga siya ng solo akong nagpakilala sa second at third subject namin. Ako lang ang nagpakilala kasi ako lang naman ang bagong salta. 

Umiling siya at mas lalong natawa sa akin. "Akala mo lang iyon." Sagot pa niya.

Magtatanong pa sana ako pero binuksan na niya ang pintuan ng passenger seat sa likod ko. "Ihahatid na kita sa inyo." Alok niyang muli.

Wala na ako sa tamang posisyon para maginarte pa dahil baka mahilo na naman ako. Sumakay na ako sa kanyang kotse. Hindi man kasing gara ng sa mga kababata ko ay halatang alagang-alaga naman ito. Mukha pa rin itong bago sa loob at sa labas kahit hindi ito ang latest na modelo.

The StarWhere stories live. Discover now