Starring 49

10.2K 150 5
                                    

STARRING 49

TAGAYTAY TRIP

"Franz, sakay tayo sa Zipline." Yaya ko sa kanya. Gusto ko kasing sumakay dito kasi first time ko ito maee-experience. Biruin mo, nakasabit ka sa harness tapos itutulak ka para makatawid sa mahabang alambre para makarating sa kabilang dulo. Sa ibaba mo ay mga puno sa sobrang taas ng kawad. Parang ang sarap!

Ngumuwi si Franz. "Ayoko." Nakasimangot na sabi niya.

Hinila ko ang kamay niya at nagpupumilit pa rin na pumunta kami doon. "Sige na." Kulit ko pa.

"Ayoko nga!" 

"Please?"

"No!"

"KJ naman nito!" Naiinis nang sabi ko. Binitawan ko na siya at nagmamarchang lumayo sa kanya. Gusto ko kasi talaga, tapos si Franz, ang weak!!

Pero listong hinabol naman ako ni Franz. Nahuli niya ang siko ko. Mabuti na lang at nakatalikod ako kasi ngiting tagumpay na ako dito. Alam kong papayag na iyan. Pero binago ko ang mukha ko ng humarap sa kanya.

"Baket?" Kunyari ay galit na tanong ko.

Ngumiti siya ng ngiting pa-cute. "Huwag na kasi iyan. Takot ako sa matataas na lugar." Napangiwi pa siya nang sinulyapan niya ang kawad na maaring pagsabitan samin kung sasakay kami. Ang taas nga!

"Pfftt... Wahahaha!" Hindi ko napigilang hindi tumawa kaya dumilim lalo ang mukha niya. "Eh kasi naman, ang laki mong tao tapos takot ka sa heights? Daig pa kita? Wahaha!" Dagdag ko pa habang hawak na ang aking tiyan at humahagalpak ng tawa.

Ngumuso siya sa akin. "Tumawa ka pa! Sa takot ako sa matataas na lugar eh. Mamaya mahulog tayo dyan." Inis na sabi niya at umikot pa ang itim ng mata. Ang cute!!

Nilambing ko na. Ikinawit ko ang braso ko sa braso niya. Wow! Tigas! Ang macho talaga! "Sige na. Please?" Nakangusong sabi ko na may kasama pang pacute ng mata.

"Iba na lang kasi, Steph. Horseback ridding na lang." Hirap na kumbinsi niya sa akin. Pero gusto ko talagang i-try iyon. Kaya lang ayaw niya, eh di wag!

"Wag na nga lang. Si Von na lang isasama ko next time." Binitawan ko siya at tinalikuran.

Agad naman niyang pinulupot ang kamay sa bewang ko. "Hey! Anong Von?" Nandidilat na ang mata niya ngayon sa akin. Halos magbuga na ng apoy ang ilong.

"Uh..oh.." Ang tanging nasabi ko ng makitang galit na siya. Sensitive naman niya. Nabanggit lang si Von, galit na galit na agad?! Kulang na lang sakmalin ako sa inis.

"Oh sige. Halika na doon. Gusto mo ito ha?!" Galit na sabi niya at marahas akong hinatak papunta sa Zipline.

Pero imbes na indahin ko ang marahas na hila niya sa akin ay patalon-talon pa akong sumunod sa kanya. "Yehey!!" Tuwang-tuwang sabi ko. Sa wakas! Zipline, here we come.

The StarWhere stories live. Discover now