Starring 97

8.4K 220 54
                                    

 A/N:

Sorry po kasi very busy. 50 votes & 50 comments = UPDATE! Please read MY ALIEN BOYFRIEND & THE MARRIAGE.. Bahla na kung kaya kong pagsabayin iyan :) Nasa external link po ang MY ALIEN BOYFRIEND ----->> http://www.wattpad.com/story/14100491-my-alien-boyfriend

__________________________________

STARRING 97

FLOWER GIRL

KINABUKASAN:

Nagulat ako nang dumungaw si Fatima sa pintuan ng apartment ko. Hindi ko inaasahang pupunta siya dito. Kasalukuyan kasi akong nagwawalis ng sala nang utusan ko si ZL na buksan ang pintuan. Kahit bata pa ang anak ko ay nauutusan na siya sa ganyang mga bagay.

Kanina nga ay tinulungan niya akong mag-empake. Ang sabi kasi ni Franz ay lumipat na daw ako ulit sa condo namin dati. Madami na daw taon ang nasayang namin. Gusto niya na ring bumawi kay ZL dahil sa ilang taong pagkakahiwalay dito. Nakonsensya tuloy ako. Ako ang witch ata sa kanilang mag-ama. Ako ang naging dahilan para hindi sila magkasama. Ako at ang maling hinala ko.

"Fatima, pasok kayo." Pagpapapasok ko sa kanila. May kasama si Fatima na batang lalaki. Ito iyong anak niya na nakikita ko mula sa malayo nang marami ng beses. Mestiso ang anak ni Fatima. Ang tanda ko ay ilang buwan lang ang agwat ng edad niya sa anak kong si ZL.

"Salamat." Nakangiting sabi niya. Hindi pa rin siya nagbabago. Maganda pa rin siya. Para tuloy gustong kong mahiya dahil hindi pa ako nakakaligo samantalang siya ay humahalimuyak na ang bango sa buong apartment ko.

Umupo ako sa tapat niya at tumabi sa akin si ZL. "Who is she, Ma?" Inosenteng tanong ng anak ko.

Ngumiti si Fatima sa anak ko at yumuko ng konti para magtapat ang paningin nila ni ZL. "I am Tita Fatima. I am your Mom's....friend." Pakilala niya kay ZL at sumulyap sa akin. Bakas ko sa mukha niya ang pagaalinlangan kung tama bang ipakilala niya ang sarili niya bilang kaibigan ko sa anak ko.

Ngumiti lang ako at tumango. Wala naman talaga siyang kasalanan sa akin. Ako lang itong masyadong naging advance ang pagiisip.

"Hello po." Sabi ng anak ko. Bumaling siya sa anak ni Fatima. "Eh ikaw, what is your name?" Tanong niya sa batang lalaki na anak ni Fatima.

Umayos ng upo si Fatima. Hinaplos niya ang ulo ng anak niya. "This is Simon. He's my son." Pakilala ni Fat sa kanyang anak.

Ngumiti iyong Simon. Nakipagkamay siya kay ZL. "Ikaw, anong name mo?" Tanong niya sa anak ko.

"Ako si ZL." Balik pakilala ng anak ko. 

Naiiling na lang ako dahil panay ang shakehands ng dalawa. Parang ayaw nang bitawan ng batang si Simon ang kamay ng anak ko. Siguro ay gusto niya lang talagang makipagkaibigan sa anak kong maganda. Oh well. Kanino pa ba magmamana ang anak ko? Gwapo ang ama at maganda ang ina.

"Ako si Tita Steph." Pakilala ko kay Simon. Saka ko lang nakuha ang attention niya kaya binitawan na niya si ZL.

The StarWhere stories live. Discover now