CHAPTER 16 - Ang Pagtatapos

En başından başla
                                    

Ang demonyetang babae, na wala na sa katinuan, dahil nagnanais nang mapatay agad si Leslie.

Takot na takot naman si Leslie ng mailingon ang mukha, dahil malapit na s'yang madatnan ni Reeza.

Reeza: "Leslie! Papatayn kita! Kaya't bilisan mo na ang pagtakbo!" nangangalaiti niyang tinig.

Hanggang sa marating ni Leslie ang daanan palabas ng kakahuyang iyon.

natanaw niya ang kalsada, at ang Car ni Mark na nakapark roon.

hanggang sa tuluyan niyang madatnan ito, ngunit natapilok siya't nadapa.

Muli s'yang tumayo..

at napasandal na lang sa kotseng iyon, ng paglingon niya sa likuran, ay nakatayo na sa tabi niya si Reeza.

Iwinasiwas ni Reeza ang palakol, bilang pananakot niya kay Leslie.

Reeza: "Ano Leslie! Akala mo ba?! Matatakasan mo pa ako!" galit niyang wika.

Leslie: "Demonyo ka! Napakawalang hiya mo! Akala namin! Totoo ka'ng kaibigan!" emotional na wika ni Leslie, habang hawak ng kabilang palad ang braso.

Reeza: "mas nais kong patayin ka ngayon Leslie! Wala na si Hector! At ang buhay ng malandi mong ate ang naging kapalit.

ngayon naman! Wala na si lola--" at napaluha na lang si Reeza sa huling binanggit.

"at ikaw naman ang kapalit!!!!"dugtong pa niyang sigaw.

At hinampas niya si Leslie ng palakol pataas, ngunit naiwasan ito ni Leslie.

Tumama ang palakol sa window ng kotse at nabasag iyon.

Nakatakbo agad si Leslie papunta sa frontside ngunit nasunggaban siya ni Reeza gamet ang palakol.

tumama iyon sa mahabang buhok ni Leslie, kayat nahila ng palakol ang ulo niya.

hinawakan iyon ni Reeza, papalapit sa kaniya, at idiniin ang palakol sa leeg nito.

habang magkadikit na sila ni leslie, nasa likuran si Reeza, at nakapulopot sa kanyang kamay ang buhok ni Leslie.

hawak naman ng kabila, ang palakol na nakadiin sa leeg niya.

Reeza: "Sabik na akong kainin ka Leslie!," at idiniin pa ang palakol na iyon sa leeg ni Leslie, dahilan para masugatan at dumugo.

Itinulak siya ni Reeza ng malakas at sumubsub si Leslie sa lupa. humarap kay Reeza habang lagapak sa lupa.

Nginisian naman siya ng babaeng demonyetang ito, ngising nakakaloka..

at dinilaan ang ulo ng palakol na iyon, ang dugo na nanggaling sa leeg ni Leslie.

matapos nito..
Ay muli niyang inihanda ang palakol.

Iniangat niya ito, upang tuluyang biyakin si Leslie.

Nang biglang...

Blaaaaaagggggg!!

Napaigik at hiyaw si Reeza, at Bumagsak sa lupa.

si Ian..

May hawak-hawak ang isang kamay ng malaking bato.

buong lakas niya itong hinampas kay Reeza.

Bumagsak namang napatihaya si Reeza, at dumudugo na ang ulo nito.

ngunit buhay na buhay pa din itong nakatingala kay Ian.

hinablot ni Ian ang hawak niyang palakol.

Ian: "P*ta ka!! Mekaila!! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akiiiinnn!!" sigaw niya.

at isang malakas na hampas ang pinakawalan niya sa braso ni Reeza gamet ang palakol na iyon.

Putol naman ang braso ng babaeng ito.

Nagdedeleryo na ito,

Binitiwan ni Ian ang palakol habang nakamasid kay Reeza.

Kaagad namang tumayo si Leslie, at napayakap kay Ian,

Leslie: "Kuya Ian... Wala na sina Ate..." lumuluha niyang wika.

Ian: "Oo Leslie.. alam ko.. 'wag ka ng mag-alala, ligtas ka na."

kumawala si Leslie kay Ian at tinitigan si Reeza. bumubuga na ito ng dugo.

Pinulot kaagad ni Leslie ang palakol.

Leslie: "Hindi na dapat binubuhay ang taong katulad mo!! wala kang kasing sama! "

At iniangat ang palakol na iyon..

Tsssssuuuuugggg!

kasabay ng pagkabiyak ng ulo ni Mekaila ang malakas na sigaw ni Leslie.

Leslie: "Mga kampoon ng demonyoooo!!!"

Matapos nito ay binuksan ni Ian ang kotse gamet ang susi ni Mark na nakabulsa sa kanyang pantaloon.

Hirap man si Ian, ay pilit ang tiis niya.

Sumakay silang dalawa, upang lumayo sa lugar na ito, at makapag-sumbong ng mga pulis sa labas ng bayang ito.

Tumatakbo na ang kotse nila ng huminto bigla si Ian.

Ian: "May duda ako sa karendiriang iyan!" matapang niyang wika.

Leslie: "Si Aling Delia 'yun? 'Yung tiyahin ni Mekaila!, alam mo bang mga karne ng tao ang binibenta nila jan!"

habang kakapasok lang din ni Aling delia sa karendiriang iyon.

hindi pa iyon nagbubukas, ngunit naghahanda na si Aling Delia sa pagbubukas nila.

Pumasok na ito, at isinara ang pinto.

luminga sa paligid si Ian, at wala pa namang tao ng mga sandaling ito,
nagbubukang liwayway pa lang.

Bumaba siya, binuksan ang backside ng kotse, at binitbit ang container ng gasolina,
At ibinuhos sa paligid ng karendiria.

hindi iyon kaagad naamoy ni Aling Delia, dahil kasalukuyang sumasaing ng iba't ibang ulam.

Nang biglang mangibabaw sa kanyang pang-amoy ang gasolina sa paligid.

kaagad niyang hinila si Nene at binuksan ang pintuan upang lumabas, ngunit malakas na apoy ang kaagad kumalat sa kanilang karendiria, at mabilis silang kinain ng Apoy.

nagsisigaw silang mag-ina habang nasusunog sa loob ng karendiria.

Ian: "Tapos na ang mga saloot na mga Cannibal.." galit na wika ni Ian.

Pinaharurut ang kotse, at tuluyan nang lumayo sa lugar na iyon.

ITUTULOY

PAMILYA DE KANIBALHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin