CHAPTER 12 - Ang Salarin

919 14 0
                                    

Kinusut-kusot pa ni Trisha ang mga mata habang nakatitig sa babaeng nakaitim.

Ang demonyang mamatay tao na walang awang pinatay ang kanyang mga kaibigan.

Kahit 'di kaliwanagan ng mga sandaling ito, ay kitang-kita niya ang mukha nito.

Matangkad ang babaeng ito, matigas at malaman ang pangangatawan, maputi at mamula-mula ang kutis.

Kaagad napatayo si Trisha na punong-puno ng pagtataka.

Hindi sila makapaniwalang magkapated sa kanilang nakikita ngayon.

Hector: "Trisha.. Si Ate Reeza.. Siya nga.."
Humakbang naman papunta sa kanila si Reeza.

Hindi nakapagsalita agad si Trisha kahit dinig na dinig niya ang sinabi ni Hector,
Iba nga ang pangalan nito sa pangalang ginamet niya sa kanila.

Para siyang sinakluban ng langit at Lupa.
Ang isang taong malapit sa loob niya, ang taong gumawa ng lahat ng krimeng ito sa kanila.

"Kaya pala.. May pinaghawig sila ni Hector, dahil siya pala ang ate niya."

Dahil pareho sila ni Hector na matangkad at mamula-mula ang Kutis, na minana nila sa kanilang Lola Corazon.

Siya rin ang batang kamukha ni Hector sa Litrato, kung naging lalaki lang si Mekaila, ay masasabi mong kambal nga sila ni Hector.

Matagal nang napansin ni Trisha na may pinag-hawig ang dalawa ngunit 'di niya ito Pinansin, sa akalang 'di magkakilala ang dalawang ito.

"M-m-Mekkaaillaa?!" Ang tanging nabanggit niya.

Mekaila: "Oo Trisha! Tama ang nakikita mo!, Si Reeza na ikinukuwento sa'yo ni Hector ay walang iba kundi ako!" may halong galit ang kanyang boses na animoy isang demonyo.

Trisha: "B-bakhit? Mo nagawa sa amin 'to!" ang 'di pa ding makapaniwalang si Trisha.

Mekaila: "Dahil lang naman kay Mark!" diritsohan niyang sagot.

Trisha: "Pero alam mong 'di ko Mahal si Mark! Bakit kailangan mo pang patayin ang mga kaibigan ko! Bakit hindi na lang siya ang Pinatay mo!" galit niyang usal na animoy lumalaban.

"Kaya pala.. sa tuwing dinadalaw ako ni Mark sa trabaho o ipapakilala ko siya kay Mark, ay panay ang paghahanap niya ng paraan upang mapagtaguan ang lalaking iyon" anang isip ni Trisha.

Mekaila: "Hangal ka Trisha! Normal lang sa Pamilya namin ang ganito! Pero dahil sa sobrang pagmamahal sa lalaking nanakit lang sa akin! Ay sa inyo ako ngayong pumapatay! At uubusin ko lahat kayong mga malalanding babae niya!"

Trisha: "Mekaila, pinagkatiwalaan kita.. itinuring kitang tunay na kaibigan.. pero nagawa mo pa sa din amin ito.. Wala ka man lang bang naramdamang awa sa ginawa mo kay Reggie at Shane,"  pagmamakaawa niyang sambit habang lumuluha.

Mekaila: "Walang awang aking nadarama sa mga Mortal kung kaaway!, lalong-lalo ka na Trisha..

Dahil.. Sa lahat ng babae ni Mark! Ay ikaw lang ang nakakalamang sa kanila, alam kong mahal ka ng lalaking iyon!,
Gumawa ako ng paraan upang mapalapit ako sa iyo, at upang makuha ang iyong tiwala, dahil pinlano ko na noon na darating rin tayo sa nagaganap ngayon!..

hindi tulad ng iba niyang babae na 'di ko na pinapatagal ang pagkitil sa buhay nila, dahil alam kong pampalipas oras lang sila kay Mark, hindi ko na kinailangang makipagkaibigan..

At habang papalapit ang araw na nakaplano sa isip ko upang patayn ka ay siya din namang suwerti.. dahil kusa kayong dumayo sa lugar naming ito!..

Kaya't kayo ang humanap ng inyong kapahamakan."

PAMILYA DE KANIBALOnde as histórias ganham vida. Descobre agora