CHAPTER 8 - Pagtalon ni Ian sa Ilog

892 18 0
                                    

Matindi ang gulong nagaganap sa tatlong lalaki.

Duguan na si Hector at 'di na mabilang ang pasang tinamo mula sa dalawa.

Nagkagulo na rin ang tatlong kababaihan kung paano maaawat ang suntukan sa pagitan ng tatlong kalalakihan.

Reggie: Kalerky talaga 'tong mga 'to!," habang napapatili na lang siya kapag nagtatama ang suntok ng mga 'to.

Trisha: "Mark! Ano ba! Tumigil ka nga," habang sinusubukang eawat ito.

ngunit 'di siya pinapakinggan ni Mark.

Kasunod nito ang pagtulak ni Trisha kay Mark ng ubod ng lakas.

Pinagtulungan naman ni Reggie at Leslie na tanggalin ang dalawang kamay ni Ian sa pagkakagapos kay Hector.

at humarang si Trisha habang nasa likuran nito ang napuruhang si Hector.

Mark: "Umalis ka jan Trisha!, baka ikaw pa ang tamaan ng suntok ko!" galit niyang wika.

Trisha: "P'wedi ba tama na! Kawawa na nga ang tao, napuruhan masyado eh ayaw niyo pang tumigil," galit niyang sigaw kay Mark.

Mark: "Bakit Trisha? Mas kinakampihan mo ba ang halimaw na iyan!," galit niyang sigaw kay Trisha.

Trisha: "Oo! Sabihin na nating halimaw siya! Ngunit mabait siyang tao! At kung may halimaw man sa inyo! Ikaw 'yun! Dahil sa ubod ng itim ang kaugaliang meroon ka!"

Mark: "Hindi tama 'to Trisha! Sinasagot mo ako ng ganyan dahil lamang sa taong 'yan?! Bakit mas gusto mo ba siya kesa sa akin!"

Trisha: "Oo! Mas gusto ko siya, at 'di lang gusto! Kundi Mahal! Kaya't ikaw!, simula ngayon! Break na tayo! At 'wag ko ng makikita pang muli ang mukha mong 'yan na saksakan ng yabang!"

at pinakawalan ni Trisha sa Pisngi ni Mark ang malakas na sampal.

nanggigil naman si Mark, at umaksyon ng suntok kay Trisha, pero natauhan siya't 'di nagawang ituloy.

Mark: "Tandaan mo ito Trisha! Magsisisi ka sa pagkampi sa taong 'yan!" at kasunod na Tinalikuran ni Mark si Trisha na sinundan naman ni Ian.

at hinarap ng tingin ni Trisha si Hector.

Awang-awa siya, habang pinagmamasdan nito ang dumudugong mukha ni Hector, Ganoon na yata niya ito ka mahal, dahil nasasaktan siya sa dinanas nito.

Ngumiti na lang si Hector kay Trisha, dahil batid ng binata ang labis na pag-aalala ng dalaga para sa kanya.

Hector: "Wag ka ng malungkot!, okey lang ako," nakangiti pa rin niyang wika.

Trisha: "Hector Sorry ahh, nang dahil sa akin, napahamak ka tuloy!," at kaagad niyakap ng dalaga ang binata.

Hector: "Aray!" Daing ni Hector!.

At kumawala naman agad si Trisha.

Trisha: "Ayy sorry," pagpapaumanhin niya.

Reggie: "Ayysst, in the end talaga, tambalan niyo pa din ang panalo," napapahagikgik pa niyang wika.

Leslie: "Ate, dumidilim na, Balik na tayo sa House nina Hector."

Reggie: "Oo nga! Naforget na tuloy natin ang mission, dahil sa pagdating ng dalawang iyon,"

At magkakasabay silang bumalik.

Hirap sa paglalakad si Hector dahil sa pasang tinamo sa iba't ibang bahagi ng katawan.

kaya't inakay na lang siya ni Trisha at Reggie, dahil sa medyo napalayo sila sa paghahanap, ay inabot sila ng dilim bago marating ang bahay.

PAMILYA DE KANIBALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon