CHAPTER 14 - Pana sa leeg ni Mark

899 18 1
                                    

Napatitig pa si Hector sa kanyang dibdib, habang baon na baon roon ang matalas na bahagi ng palakol.

kasunod nito ang pagtulo ng maraming dugo mula sa kanyang bibig.

iniangat ang ulo't tiningnan ang kapated.
Natutup ni Mekaila/Reeza ang bibig, habang nagpailing-iling ang ulo, nanlalaki ang mga mata dahil sa kanyang nagawa.

kasunod nito ang pagpatak ng kanyang luha, naiyak siya sa sinapit ng kanyang pinakamamahal na kapated, mula sa kanyang mga kamay.

kasunod nito ang pagbagsak ni Hector.
Nilapitan ito ni Reeza, na umiiyak.

Reeza: " 'di ko sinasadya, patawarin mo ako Hector..." habang nakapatong ang ulo niya sa taas ng tiyan ni Hector..

Kaagad namang natauhan si Trisha.

At napalingon kaagad kay Leslie, natauhan din si Leslie mula sa pagkakapako ng tingin kay Hector, at napatingin din sa kanyang Ate.

Leslie: "Ate, dali, kunin mo ang susi," habang 'di na makapag-hintay si Leslie na makalabas sa kulungang iyon.

Tumango ng mabilisan si Trisha kay Leslie, muling inilingon ang tingin kay Hector, wariy may binibigkas ang binata kay Trisha, pilit inintindi naman ni Trisha kung ano ang nais sabihin ni Hector.

Hector: "Tumakas ka na Trisha..." bahagyang nagagalaw lamang ni Hector ang bibig dahil sa hirap huminga, naghihingalo na ito, kasunod nito ang pagtigil ng paghinga ni Hector.

kasabay rin ng pagtulo ng luha ni Trisha, bated niyang wala na ang lalaking minahal niya noon at ngayon.

nagkasala man ito sa kanila, ngunit natulungan naman niya si Trisha sa kapahamakan mula sa kanyang kapated.

inilibot ni Trisha ang paningin, hinahanap niya ang susi, ng kanya itong makita sa isang sulok.

kaagad pumaroon, dinampot at tinungo agad ang kapated.

Iniangat naman ni Reeza ang ulo, sinundan ng tingin si Trisha, kasunod nito ang paghugot ng palakol mula sa dibdib ni Hector.

mabilis na humakbang papunta kay Trisha,
habang kasalukuyan namang ipinapasok ni Trisha ang susi sa kandadong iyon.

nanginginig pa ang kanyang mga kamay, kaya't nababagalan siyang buksan iyon.

Leslie: "Ate! Sa likod mo!" sigaw niya.

At inilingon naman kaagad ni Trisha ang Ulo.

Blaaaaggg!

malakas na hampas ng palakol ang nailagan ni Trisha, at tumama iyon sa bakal na rehas.

kasunod nito ang pagkabitiw ng susi at bumagsak sa sahig.

Reeza: "Papatayn kita Trisha!" halos tinig na ng demonyo ang lumalabas sa kanyang bunganga.

Baaaagg!, baaag! Baaaag!

sunod-sunod na sunggab ni Reeza kay Trisha ngunit naiilagan niya ito paatras kaya't sa bakal na kulungan na iyon tumatama.

Habang napapasigaw na lang si Leslie para sa kanyang Ate.

hanggang sa magawang makalayo ni Trisha kay Reeza.

samantalang tumigil naman si Reeza sa ginagawa.

tinitigan ng matalim si Trisha, na animoy nagnanais nang mapatay ito.

Reeza: "Wala kang kawala sa akin Trisha!, papatayn ko kayo ng kapated moo!" sigaw niya.

Trisha: "Isa kang demonyo Mekaila!, wala ka ng katinuan sa utak mo!.

PAMILYA DE KANIBALWhere stories live. Discover now