CHAPTER 10 - Si Mark sa loob ng Freezer

896 20 0
                                    

Tumayo si Mark, at umakyat sa taas mula sa bangin na iyon, matapos ang isang oras na pamamalagi nyia roon.

Nagpalinga linga muna siya sa paligid, bago tuluyang lumabas sa pagtatago.

Matapos iyon ay nagtuloy-tuloy s'ya sa paglalakad, kahit hirap siya dahil nabalian yata siya ng buto sa paa.

Ilang saglit lang ay may natanaw siyang bahay.

kinukutuban siya sa bahay na iyon, dahil bakit sa loob ng gubat na ito itinayo.

Up and down ito, at makaluma ang desenyo ng bahay.

pinagpapalagay niyang may kinalaman ang naninirahan roon tungkol sa mga nangyayari.

"Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo kay Ian" matapang niyang wika.

bago naglakad papunta sa bahay na iyon.

bukas naman ang Pintuan, kaya't diri-diritso ang tingin niya sa loob.

Nang maramdamang walang ingay ay pumasok ito sa loob.

Hinay-hinay siyang naglalakad, sa ka tinitigan ang hagdan papunta sa taas.

Nais niyang umakyat upang alamin ang naroroon.

"Imposibleng wala silang alam tungkol sa taong nakaitim na iyon! Baka ito pa nga ang bahay niya!" bulong niya sa sarili.

Kaya't bahala na siya kung matresspassing man ito, kung sakaling inosenti ang taong naninirahan rito.

napabalikwas siya ng biglang may marinig na taong paparating.

Kaagad naghanap ng matataguan.

at sa Kusina ng bahay na iyon siya nakapagtago.

Tumayo ang Taong nakaitim at nakamaskara sa tapat ng Pintuan, tila may nararamdamang kakaiba sa loob ng bahay.

Naglakad siya ng mahina papuntang loob, habang nakasilip ang mga mata ni Mark tungo sa taong iyon.

Inihanda ng taong iyon ang Malaking kalawit upang gamiting pampalo, habang unti-unting humahakbang.

Malapit na siya sa may kusina.

hanggang mapatapat ito.

Inilibot ang mukha, mula right side, papuntang Left.

Walang Tao.

Pero may namuong ingay sa loob ng maliit na cabinet, na katabi ng lababo.

Malakas ang pandama ng taong ito, alam niyang may tao roon.

Muling lumapit, ngunit isang maliit na daga ang lumabas mula sa maliit na butas ng cabinet na iyon.

Napasinghal siya,

kasunod na narinig ang tawag ng kanyang tiyahin.

"Reeza! nanjan ka ba sa baba?!"

"Opo, heto paakyat na!, at tinungo ang sala at umakyat sa hagdan pataas.

Nakahinga ng maluwag si Mark mula sa kakapigil nito, habang pilit na pinagkasya ang sarili sa loob ng cabinet.

Lalabas na sana siya, ngunit kanyang narinig ang ingay mula sa Hagdan na iyon.

May bumababa, kaya't nakisilip na naman siya sa maliit na butas sa loob ng cabinet.

Tumungo ang taong iyon sa kusina.

At nanlaki ang mga mata ni Mark sa kanyang nakita.

"R-r-r-Rrreezz-zzah! kandautal niyang wika sa sarili.

Seksing-seksi ang babaeng ito sa suot niyang Spaghetti at Short Leggins.

So hindi siya maaaring magkamali.

PAMILYA DE KANIBALNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ