CHAPTER 16 - Ang Pagtatapos

882 19 0
                                    

Umalingawngaw ang isang putok..

at nakangiti si Reeza samantalang nanlalaki ang mga mata ni Trisha, habang hawak nang dalawa ang pistol na iyon.

Leslie: "Ateeeeeee!!!..." palahaw na sigaw ni Leslie.

napalingon pa si Trisha sa kinaroroonan ng kapated.

muling namuo ang panibagong luha sa mga mata ni Leslie, at bumuhos agad ito.

pumatak din ang mga luha ni Trisha, kasunod nito ang unti-unti niyang pagbagsak.

-Blaag!-

humandusay siya sa sahig habang nakatanaw kay Leslie.

samantalang napako naman ang tingin ni Reeza kay Trisha.

Trisha: "Thhumhakas kha na!" hirap sa pag-banggit si Trisha tungo kay Leslie.

Natauhan naman si Reeza at tinanaw si Leslie.

Reeza: "Ano! Leslie at Trisha! May matatakasan pa ba kayo sa akin!, Whahahaa! Ako pa din ang panalo!," humahalakhak niyang wika.

At itinutok ang pistol kay Leslie, at kinalabit ang gatilyo upang tapusin na si Leslie, pero kaagad nakagalaw si Leslie na naging dahilan upang sa balikat siya tamaan ng bala, nadaplisan siya, at dumugo naman ang balikat niya.

muntikan pa siyang matumba pero pinilit ang sarili na marating ang Pintuan.

Humakbang naman si Reeza habang nakatutok ang baril sa tinutunguhan ni Leslie. isang putok na naman ang pinakawalan niya, pero kasabay ng putok na iyon ang paghakbang ng mga paa niya, kasabay rin nito ang paghawak ni Trisha sa paa ni Reeza.

Blaaag!

Sumubsub si Reeza, kaya't 'di niya natamaan ulit si Leslie.

nagtuloy-tuloy si Leslie sa paglayo roon.

sinipa naman ni Reeza ang kamay ni Trisha, dahilan para matanggal ito ni Trisha, habang hirap na siya sa paghinga.

Tumayo ulit si Reeza at sinubukang paputukan si Trisha, pero naubusan na ito ng bala.

kaagad niyang iniwan si Trisha, at pinulot ang palakol na ginamit niya kanina kay Trisha, ang palakol na naging sanhi ng kamatayan ni Hector.

kaagad sinundan si Leslie, habang mabilis na tumatakbo si Leslie ng ito'y makababa.

Pagdating sa pintuan ni Reeza, ay bumungad kaagad sa kanya ang pinakamamahal niyang lola, habang nakahiga ito sa baba ng hagdan, samantalang umaagos ang dugo sa ulo,at nakapatong pa sa katawan ng matanda ang wheelchair niya.

Nanginig si Reeza ng mapagtantong nauubos na ang kanyang mga minamahal sa buhay.

Pumatak ang kanyang mga luha.

Reeza: "Huhuhu...Lola..." para siyang batang umiiyak habang bumababa sa kanilang hagdan.

"Sino ang may kagagawan nito sa'yo, Hindi kita naipagtanggol, pero dibali.. napatay ko naman si Trisha, at hindi ako titigil hangga't 'di ko napapatay ngayon si Leslie," galit ang huling tuno ng kaniyang salita.

Tinitigan ang daanan kung saan sa tantya nya'y doon tumakbo si Leslie.

mabilis itong humakbang tungo roon.

Samantalang, lakad takbo ang nagagawa ni Leslie, paulit-ulit siyang natutumba.

'di niya maaninag ang tamang daan,
takot na takot na siya, habang patuloy sa pagluha.

Hanggang sa maramdaman ni Leslie ang ingay na paparating sa kaniya.

malapit na sa kanya si Reeza.

PAMILYA DE KANIBALWhere stories live. Discover now