CHAPTER 15 - Trisha Vs. Reeza

874 17 0
                                    

Bumagsak sa lupa si Mark habang umaagos ang dugo mula sa kanyang leeg.

nangingisay pa ito bago malagutan ng hininga.

Lalo namang nanginig ang buong katawan ni Trisha.

Alam niyang wala siyang ligtas sa mamatay taong ito na itinuring niyang kaibigan.
'Di Lubos akalain ni Trisha, na ang nakakakilabot niyang sinusulat ay mangyayari sa kanila ng personnal.

Nagsunod-sunod sa kanyang utak ang masaklap na kinamatay ng bawat isa, na sa kamay mismo ng itinuring niyang kaibigan namatay ang mga ito.

Si Shane, Ian, Reggie, Hector, at ngayon nama'y si Mark.

maaaring ano mang oras ay siya ang sumunod na mapapatay ng babaeng ito.

Reeza: "Papatayn ko kayong lahat Trisha! Wala nang makakatulong sa'yo."

muli niyang inihanda ang pana, kaagad namang tumakbo ng matulin si Trisha.

Ngunit hindi sinundan kaagad ni Reeza, bagkus itinapat niya ng maayos kay Trisha Ang nagsisilbing bala ng pana, Target! Sa gitnang ulo niya ito patatamaan.

Reeza: "Sapol ka na rito Trisha!, isa! Dalawa! Tatlo."

at kumawala ng malakas ang matulis na stick ng kawayan tungo sa tumatakbong si Trisha, nang biglang madapa si Trisha.

bsssskkk!

pasok ang kalahating bahagi ng stick na iyon sa puno ng saging.

Reeza: Shit! Minamalas nga ba ako!" at muli siyang naghanda.

kaagad tumayo si Trisha, Ngunit iniba niya ang daan, tumakbo siyang pakanan.

'di niya alam ang patutunguhan, dahil hindi ito ang daanan, sinusuong niya ang malalaking damo at talahib.

Nang bigla na lang siyang napasigaw..

Trisha: "Ahhhhhhhh!"

Nagtuloy-tuloy ang pagbagsak ni Trisha sa isang malakit malalim na bangin.

Dumating naman si Mekaila/Reeza, at pilit inaaninag kung saan ito exaktong bumagsak.

maliwanag ang buwan ng mga sandaling ito, kaya't 'yun ang nagsisilbi niyang ilaw.

matatalas ang mga mata ni Reeza, at sanay na sanay ito sa loob ng gubat, alam niya ang pasikot-sikot rito.

Bumaba siya't hinanap si Trisha.

Inilibot ang paningin sa lahat ng sulok at inikot ang lugar.

ngunit 'di niya mahanap ang babaeng si Trisha.

Reeza: "Lintik! Nasaan na kaya siya!" nanggigigil niyang bigkas.

"Trishaaaaaa! Alam kong nagtatago ka lang! Nais kong ipaalam sa iyo! Na sa loob lamang ng isang oras! ay 'di mo na aabutan pang buhay ang kapated mo! Siya na ang isusunod ko! Kaya't lumabas ka na riyan at balikan siya, sinundan pa niya ng pang-aasar na halakhak, at tuluyang nilisan ang lugar.

*-*

Halos mamatay na si Ian habang nakahiga ito sa gilid ng tabing ilog.

nanghihina ito, habang patuloy sa pagdaloy ang dugo mula sa kanyang braso.

Pinilit niyang tumayo at sa awa naman ng diyos ay may nakalagay na mahabang tuwalya na 'di naman nalalayo sa kanyang kinahihigaan.

pilit niyang inabot gamet ang isa pa niyang kamay, at ginamet niyang pangtakip sa dumadaloy niyang dugo.

Samantala..

Tumayo si Trisha mula sa mababaw na putikan.

Nagkubli siya roon upang 'di makita ni Reeza kanina.

PAMILYA DE KANIBALWhere stories live. Discover now