CHAPTER 9 - Ang Naka-itim

848 17 0
                                    

Kaagad tumalon sa ilog na iyon si Ian, upang matakasan ang mamamatay tao na nagtangkang patayin siya.

Mas pinili pa nya ang Malunod na lang sa malalim na ilog na iyon.

at mabilis na inanod ng Ilog ang kanyang katawan.

Samantala.

Narinig ni Mark ang malakas na pagsigaw ni Ian, ng ito'y sumigaw, kaya't mabilis na tinungo ang kinaroroonan nito.

Malayo pa lang siya roon, ay natanaw niya ang isang nilalang naghihintay sa kanya.

Tumigil si Mark, at pinagmasdan ng maayos iyon.

Ngunit sadyang madilim, pagkat natatakpan ang taong iyon ng malaking anino ng Puno, kaya't 'di nya ito maaninag.

Ngunit kitang kita ang dala-dala nitong Gulok, pagkat nasisinagan iyon ng buwan, maliwanag ang kalangitan, dahil kabilugan ng buwan ng mga sandaling ito.

At nagimbal si Mark, nang maaninag niya ang dala-dala nitong sandata, na tumutulo ng dugo.

"Killer? Pinaslang kaya niya si Ian?" tanong niya sa sarili.

At umurong ang kanyang tapang sa nasaksihan, kaagad tumalikod at Tumakbo ng matulin.

Hinabol naman siya ng taong nakaitim na iyon.

Hanggang sa maapakan ni Mark ang taas ng isang maliit na bangin, at diri-diritso syang bumulosok sa baba.

Kahit nasaktan siya, 'di na niya nagawang mag-ingay, kaya't 'di siya natuntun ng taong iyon, bagkus, nalagpasan ang kinaroroonan ni Mark, at nagtuloy-tuloy iyon sa maliit na daanang iyon.

*-*

Naalimpungatan si Trisha.

12am na, itinitig ang mga mata kay Hector.

At tulog na tulog ang binata.

pareho silang natatabingan ng makapal na Kumot.

at yaon lamang ang nakatakip sa kanilang katawan.

nakaharap sa kanya ang binata.

At pinagmasdan naman ito ni Trisha.

"Kahit puno siya ng pasa, 'di pa din nawawala ang kaguwapuhan niya, ang sarap pa din niyang pagmasdan," nakangiti niyang wika.

kaya 'di na niya napigilan si Hector sa pangahas nitong gawin sa kanya, at naanod na rin siya ng masasarap na sandaling iyon.

Kaya't nangyari ang 'di dapat.

"Hinding-hindi ko pinagsisisihan ang nangyari Hector, dahil mahal na mahal kita, ibibigay ko sa'yo ang lahat ng nasa akin" anang isip niya.

at ang alaala ni Shane ay sumingit sa matatamis na sandali ni Trisha.

"Nasaan na kaya si Couzz?, bat hindi pa din sila bumabalik?, hayyst, nakalimutan ko na talaga lahat, nang dahil lang kay Hector," mga tanong ng kanyang isipan.

Kasunod na ini-unat ang ulo, at iginala ang paningin sa kabuoang k'warto ng binata.

"Nang dahil kay Hector, pati itong k'warto niya, 'di ko nagawang ikotin ng tingin, hayyst, ganito na ba ako ka crazy sa kanya," at napangiti na lang siya sa mga naiisip niya.

hangang sa mapansin nya ang isang Frame na nakalagay sa maliit na lamesang kadikit lang ng kama.

Inabot ng kanyang kamay, at Pinagmasdan ng malapitan ang nasa Letrato.

dalawang bata, Magkamukha ang mga to, ang isa, nasa edad na 5 or 6, ang isa naman between 8 or 9, at di malaman ni Trisha kung saan si Hector sa dalawa, dahil sa magkamukhang magkamukha.

PAMILYA DE KANIBALWhere stories live. Discover now