CHAPTER 5 - Pagpatay kay Shane

980 25 0
                                    

Gabi na ng mga sandaling ito.

Habang nakaupo sa labas ng bahay nila Hector ang Limang magkakaibigan.

Sa ilalim ng Puno, may mahabang upuan at lamesa roon.

nagkakasiyahan silang nag-uusap roon, ng dumating sa kanila ang mag Asawang Mang Ador at Aling Delia, kasama ng kanilang 9 na taong gulang na anak na si Nene.

Aling Delia: "Magandang gabi sa inyo," nakangiti nyang wika sa kanila.

na ginantian naman nila.

Mang Ador: "Kayo pala ang mga kaibigan ng pamangkin kung si Hector," masaya niyang wika.

Matapos makapagkilalahan ng saglit ay umakyat na ang mag-asawa, upang kumustahin ang lagay ni Manang Corazon.

Mekaila: "Paano ba 'yan Guys!, mauna na ako, dahil inaantok na rin ako eh."

Reggie: "Go ahead!, right now! Mas masarap magkuwentuhan kung kami kami lang."

Nilingon na lang siya ni Mekaila, at 'di na sinagot.

"hhmmpp, mainit ang dugo sa akin ng baklang ito ah," bulong nya sa sarili.

at padabog na umakyat sa taas.

Kasunod nito ang pagdating ni Hector, na 'di nila mawari kung saan nanggaling.

Hector: "Ohh ba't nandito pa kayo sa baba?," nakangiti nyang wika.

Shane: "Si couzz kasi, 'di mapalagay! Inaantay ka eh!."

Trisha: "Hooy,! Anong inaantay!?"

Napatingin na lang si Hector kay Trisha at gumuhit sa mukha nito ang mga ngiti.

samantalang naghihiya hiyaan na naman si Trisha, pero sa totoo lang, ang saya-saya niya.

Shane: "Diba nga Couzz!,Want mong makausap si Hector!."

Reggie: "Oo nga naman Girl!, sabi mo pa nga, may very important kang sasabihin sa kanya."

Trisha: "Hooy! 'Wag nga kayong ganyan," pakunwari niyang suway pero sa totoo lang, gustong-gusto niya ang ginagawa ng dalawang ito.

Shane: "So paano ba 'yan, aakyat na kame, bahala na kayo ahhh!," at umakyat na nga ang tatlo at iniwan sila.

'Di naman nag aksaya ng oras si Hector, Umopo ito sa tabi ni Trisha, at iniharap ang katawan nito sa dalaga.

"ano kaya ang gagawin niya?!, magtatapat na kaya siya?!" aniya sa sarili habang kinakabahan.

Hector: "Trisha!," kalmado niyang wika.

Trisha: "oh eh! Bakit?!," Habang namumula na siya't 'di magawang lumingon sa binata,

dahil sa pagkakalapit nila sa isa't isa, na parang magkadikit na.

nahalata ni Hector na kinakabahan si Trisha.

at bahagya na lang na natawa ito.

Kasunod na hinawi ni Hector ang ilang buhok ng dalaga na tumatabing sa makinis niyang mukha dahil sa malakas na dampi ng hangin sa kanya, at 'di na natiis ni Hector na hawakan at damhin ang malambot na pisngi ng Dalaga.

"malambot at mainit ang palad niya," anang isipan ni Trisha.

kasunod na iniharap ni Hector ang mukha ni Trisha tungo sa kanya.

Lalo namang pinamulahan si Trisha ng mapagmasdan nito ng malapitan ang kabuoang mukha ng lalaking inibig nya noon.

"Hindi nakakasawang pagmasdan ang face nya" anya sa sarili.

PAMILYA DE KANIBALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon