CHAPTER 7 - Suntukan

948 17 0
                                    

Magkakasama na ang apat na sinusuyod ang kagubatan, habang panay ang tawag kay Shane at Mekaila.

Reggie: "Girl! Ba't hindi na lang tayo tumawag ng pulis!, upang mapadali ito," seryuso niyang mungkahi.

Hector: "wag!," gulat niyang nasambit.

hindi na kailangan dahil 'di naman nila tayo tutulungang hanapin si Shane at Mekaila sa gubat na ito!.

Leslie: "Paano natin sila mahahanap rito kuya Hector! Ang laki yata ng gubat eh," nakasimangot niyang wika.

Hector: "kapag kinukuha sila ng Engkanto, ay sa labas lamang ng punuan naroroon ang katawan ng biktima, at magigising sila 'pag tinapik natin sila."

Trisha: "Tama nga naman," tugon naman niya.

"Naniniwala ako sayo Hector!," sabay titig niya sa binata.

Reggie: "Ay soos!, ang sabihin mo! Gusto mo lang makasama lagi si Hector, kaya't you dont care na kung nasaan na si Couzz and friend mo!" pabiro niyang bulong kay Trisha na siniko naman nito.

*-*

Ian: "Pare! Dugo kaya ito ng tao o hayop?" yumuko pa ito upang maklaro ang dugong naapakan.

Mark: "Iwan ko!, pero wala akong tiwala sa lugar na ito, kaya't tawagan mo na si Trisha!"

Ian: "Ba't mo naman nasabi Pare?!"

Mark: "Minsan ko na kasing narinig ang bali-balita noon, na may laging nawawalang tao rito, pero 'di ako naniwala noon,"

Ian: "Ganoon ba! So sige, tatawagan ko na si Trisha."

Inilabas niya ang Phone, at denial naman ang numero ng dalaga.

Trisha: "Hello! Ian!"

Ian: "Hay Trisha, kasama niyo ba si Shane jan?!"

Trisha: "ahhh?! Bakit mo naitanong?!"

Ian: "Nandito kasi kame! Malapit sa location niyo!"

Trisha: "Ahh! Paano kayo napunta rito?"

Ian: "Basta! Mahabang k'wento! Si Shane kagabe, susunduin sana kame sa labas, e 'di sumipot saamin, at 'di na namin makontak mula pa kagabe eh!"

Trisha: ''huh!" gulat niyang wika!

"Hinahanap din namin si Shane eh!, kagabi ko pa din kinokontak!, kasama ni Mekaila, nawawala yata sila?"

Ian: "Huh! Nawawala?! Paano nangyari 'yun?"

Trisha: "Ewan ko! Basta mahabang k'wento rin!"

Ian: "Saang exactong lugar kayo naroroon! Pupunta kame jan ni Mark!"

Trisha: "Si Mark kasama mo?!"

Hindi na nakasagot si Ian kaagad ng marinig nito na binigkas ni Reggie ang pangalang Hector.

Ian: "Sino 'yang Hector na 'yan!? Ahhh natatandaan ko na! 'Yan 'yung kababata mo noh?"

Trisha: "Oo, shya nga, at bumisita kame sa kanila mula pa noong isang araw."

Ian: "Sige Trisha, Saan kayo? Kelangan nating magsamasama upang hanapin si Shane!"

Trisha: "wag na! Dahil na sa gubat kame ngayon!" Brrrkk! at naputol na lang ang linya!

Ian: "Huh! Malas! Wala na akong load pare!"

Mark: "Ahh! Hindi ka kasi nag-unli eh!"

Ian: "Pare tawagan mo sila from your phone!"

Mark: "Naiwan ko sa kotse pare!, pero ipagpatuloy natin ang paglalakad, Im sure malapit lang sila sa atin,"

At nagpatuloy na nga sila, habang sinusundan nila ang daan.

PAMILYA DE KANIBALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon