CHAPTER 11 - Pagkatay kay Reggie

927 19 0
                                    

NOTE:

Ang Chapter pong ito ay sadyang napakabrutal, kaya't pinapayuan ko po ang sino man sa inyo na sadyang matatakutin, na maaari niyong lagpasan ang eksenang ito, dahil baka 'di niyo kayanin,
Sinusubukan ko lang ang sarili ko, kung hanggang saan ang kaya ko sa paggawa ng brutal na eksena!.

Nagising si Trisha, at kaagad nag-taka, kung bakit sadyang napakadilim ng Paligid, wala siyang maaninag, at pakiramdam niya'y napakainit sa lugar na ito.

Pinag-papawisan na siya,
iginalaw niya ang mga kamay, wari may Kinakapa.

Hanggang sa mapaisip siya,
Nasa Loob sila ng maliit na kuwarto,
Ang pakiwari niya'y, ito 'yung bakal na Rehas na kanyang nakita kanina.

Hanggang sa may marinig siyang taong nagsalita.

"Nasaan ako?! Huhuhuhu," habang humihikbi ito.

Animo'y kakagising lang din, ngunit punong-puno ng takot ang boses nito.

Trisha: "Le-leslie?" gulat niyang tanong, at napakislot siya sa pagkakaupo.

Leslie: "Ate, huhuhu, anong gagawin nila sa atin," magkahalong takot at iyak ang madidinig sa kanyang tinig.

Trisha: "Leslie," at kaagad humakbang at nilapitan ang pinanggagalingan ng boses,
ilang galaw lang niya'y nagtama ang kanilang mga kamay, at kaagad niyakap ni Trisha, habang nanginginig sa takot ang kanyang kapated.

Leslie: "Huhuhu, Ate si Reggie pinagsasaksak sa Binti at Braso ng taong nakaitim."

Trisha: "Wag kang matakot Leslie, Nandito lang si Ate ahh, hindi ka niya pababayaan," habang lumuluha na rin siya.

Saglit pa'y nadinig nila ang Palahaw ng kaibigan nilang si Reggie,
Umiiyak ito, masyadong garagal ang kanyang boses, na animoy pagod na sa kakasigaw.

Reggie: "Huhuhuh! Mga Demonyo kayo!," iginalaw ni Reggie ang magkabilang paa at Kamay, at tumunog ang mga kadenang nakatali sa kanyang magkakabilang kamay at paa.

"Nasa loob nga kame ng kuwarto, kung saan nila kinakatay ang tao," anang isip ni Trisha.

Ngunit sadyang madilim at 'di niya makita ang nangyayari sa kaibigan.

Trisha: "Beeeesst! Huhuhu! Anong ginawa nila sa'yo!," matapang niyang wika, habang nagtutuloy-tuloy pa din ang kanyang pagluha.

Labis siyang naaawa sa sinapit nila sa kamay ng mga taong ito.

Humakbang siya patungo sa pinanggagalingan ng ingay ni Reggie hanggang bumangga ang kanyang mga kamay sa bakal na rehas,
At nahinto siya.

"Pakawalaan niyo kameeee! Mga Demonyo kayyyyooo!" galit niyang sigaw sa mga taong naroroon.

Habang patuloy na humahagulgul si Reggie, 'di na nya kayang magsalita ng madami, dahil sa hirap na dinanas sa mga taong ito.

Kasunod nito ang biglang pagbukas ng ilaw,
liwanag na kulay pula, dahil sa bombilya ang ilaw na binuksan ng babaeng nakaitim.

At tumambad kay Trisha ang kalagayan ng kanyang mahal na kaibigan
Nasa mahabang Lamesa ito nakahiga,
Habang Nakakadena ang magkabilang kamay at paa sa magkakabilang dulo ng Lamesa.

Duguan at tumutulo pa din ang dugo na mula sa malalalim na sugat sa kanyang magkabilang binti at braso.

Hindi na niya maigalaw ang katawan niya, at nakasaplot lang ito sa kanyang maselang na parte ng katawan.

Habang nasa taas at harap ng lamesa ang bombilya.

Habang nakatayo sa harap ni Reggie ang taong nakaitim, at sa mga sandaling ito'y ang pinakabrutal na kagametan niya sa pagpatay ang bitbit ng kanyang kanang kamay.

PAMILYA DE KANIBALWhere stories live. Discover now