CHAPTER 6 - Ang Putahi

953 20 0
                                    

Patuloy pa din na naghihintay si Mark at Ian sa pagsundo ni Shane sa kanila.

Habang nakatayo ang dalawa't nakasandal ang puwetan sa unahan ng kotse.

Mark: "oh ano?! Nasaan na ba sila?," naiinip nIyang tanong matapos sindihan ang yosing nakausli sa bibig.

Ian: "Iwan ko nga eh! Antagal naman nila," habang palinga linga sIya sa paligid na nakakaramdam ng takot.

Mark: "Hindi pa ba sinasagot ang tawag?

Ian: "Close yata ang phone nIya pare eh, kanina ko pa minimisced call, eh 'di nagriring."

Mark: "Sa palagay ko! Sa loob ng gubat na ito sila naroroon," sabay turo niya sa kakahuyang katabi lang nila.

wala kasing bahay sa kinaroroonan ng dalawa, at wala pang dumadaan na sasakyan roon, kaya't kinikilabutan na ang lampang si Ian.

Ian: "Paano kaya kung may halimaw jan pare?! Paano kung kinain niya si Shane," nangigngilabot niyang tuno.

Mark: "Gunggong! Ke laki-laki mong tao, eh naniniwala ka pa sa halimaw."

Ian: "Hindi na kasi nagriring ang phone ni Shane, pati ang kasamang si Mekaila."

Mark: "Ba't 'di mo tawagan si Trisha?"

Ian: "Pare, mahigpit na bilin ni Shane na 'wag kong tatawagan si Trisha, kasi nagcoconcentrate daw 'yun sa ewan."

Maya-maya'y dumaan sa kanila ang humaharorot na sasakyan ni Mekaila.

at nagtuloy-tuloy palayo.

Ian: "Hoy! Si Mekaila 'yun ahh?!," sabay turo niya.

Mark: "Sinong Mekaila?"

Ian: "Pare! Ano ka ba naman?! 'Di mo kilala ang kaibigan ng siyota mo?"

Mark: "'Di naman niya pinakilala sa akin eh."

Ian: "ah mas mabuti siguro, dahil baka nangangamba si Trisha na ligawan mo rin iyon, malamodel kasi sa pangangatawan pare eh."

Mark: "Ganoon ba! P'wes! May araw rin sa akin ang babaeng iyon."

*-*

Tok tok tok!

At binuksan ni Leslie ang pintuan ng k'warto ni Manang Corazon.

habang patuloy si Trisha sa pagtytype ng story na ikinukuwento ni Manang Corazon.

Taimtim namang nakikinig si Reggie sa matanda, habang panay ang himas ng magkabilang palad sa magkabilang kamay.

tayong-tayo na ang mga balahibo sa takot, na eni-emagine ang isang nakakatakot na halimaw habang kinakain nito ang hilaw na katawan ng babae.

At binuksan ni Leslie ang Pintuan.

Si Aling Delia, may dala-dalang patong-patong na tatlong maliliit na kaldero.

Aling Delia: "Magandang gabi sa inyo mga magagandang dilag."

"Magandang gabi rin naman" sagot naman nila.

at nagtuloy-tuloy si Aling Delia papasok.

Aling Delia: "Shya nga pala, nagdala ako ng adobo, dinuguan, at kalderitang karne, para sa inyo!," nakangiti niyang wika sa kanila.

Reggie: "Wow Favorate ko 'yan! Meat hmmmnn," excited niyang wika habang kunwari inaamoy.

Leslie: "Ewws, i dont like Meat tita eh, wala po bang Chicken?!"

Aling Delia: "Aayyy! Pasensya na kayo ahh! Kasi ubos na ang manok eh, ito lang ang natira sa paninda ko sa karenderia namin."

at inilapag ni Aling Delia sa isang maliit na table, kaagad namang nilapitan ni Reggie, at tiningnan.

PAMILYA DE KANIBALWhere stories live. Discover now