CHAPTER 2 - Kulitan

1.6K 30 3
                                    

Hating gabi na ng mga sandaling ito, habang nakahiga sa kanyang kama si Trisha.

Pilit pinaglalakbay ang imahinasyon tungo sa panibagong story na magiging patuk sa mga mambabasa, ngunit kahit gaano niya pagurin ang utak sa kakaisip, eh 'di pa rin ito gumagana, wala pa din siyang maisip na bagong Konsepto ng story na nakatakda niyang ipasa sa boss niya.

Trisha:" Hayyyst nakakainis na talaga, babagsak ang career ko nito sa pagsulat, mahal ko ba naman ang larangang ito."

Tumayo siya't binuksan ang Computer, kahit walang nabubuong story ang isip eh pinilit mag-type, bahala na raw kung saan siya dadalhin ng kanyang mga daliri.

Trisha: "Hayystt Nakakainis talaga!," nasapo ng magkabilang kamay ang ulo habang napatunganga na nakatitig sa baba.

Sa lagay niyang iyon, sumagi sa isip niya si Manang Corazon, ang matandang kapitbahay nila noong dalagita pa lang siya, ang naging dahilan upang mabuksan ang imahinasyon niya tungo sa mga nakakatakot na mga k'wento.

Leslie: "Good Moorning Ate!, wake up nah!," tapik sa kanya ng nakababatang kapated.

Si Leslie ay nasa edad 16 palang, at Si Trisha naman ay nasa edad na 24, dalawa lang silang magkapated, at ulila na rin sila sa ama, ang ina naman nila ay may inuupahan na maliit na shop sa isang mall, at nagsasale sila ng mga stuff toys.

Trisha: "Ano ba, Leslie, antok pa ang ate mo," mahina niyang tinig habang nakapikit pa.

Shane: "Hay naku Couzzz, Magtatanghali na," ang kakapasok lang mula sa labas ng kuwarto na si Shane kasama ni Reggie.

Si Shane ay nasa edad 22, pinsang buo ni Trisha, si Reggie naman ay kaedad na rin ni Trisha at siya ang pinaka-bestfriend niya since mga bata pa sila.

Reggie: "Girl, 'di ba manonood tayo ng Sine this 12 noon, 11 na girl, stand up na! Now na!!" kunyari pagtataray niya sa Kaibigan.

Trisha: "'Ala ako sa mood manood ngayon, mayang gabi na lang," lingon niya sa tatlo habang nakahiga pa din sa kanyang kama.

Samantalang ang tatlo ay bihis na bihis na.

Reggie: "Girl! Tayo ka na jan, showing na ngayon 'yung inaabangan mong Fantasy suspense movie, malay mo! Baka mabuksan ang imagination mo upang makagawa ng new story."

Trisha: "Puwedi naman 'yang movie na 'yan, kahit mamaya eh," tinatamad pa niyang wika,

Leslie: "Hay naku Ate! Bihis na bihis ba naman kame!, if 'di mo ko dadalhin doon, eh tatawagan ko na lang si Stephen, kami na lang manonood ng movie!,'' kunyari pagtatampo niya.

Trisha: "Hooy! Leslie!, Binigyan na ba kita ng permit para manood ng sine kasama ng lalaki!, Remember bata ka pa!, Ayaw kong madidinig na nakikipagboyfriend ka okey!," bulyaw niya sa kapated sabay upo mula sa pagkakahiga.

Leslie: "Opo Ate!, pero taralets na! Excited na kami eh!"

Reggie: "Girl! Siguro kasama mo na naman si Mark Last night noh?, kaya ka inumaga ng tulog, Ano? Saang motel ba kayo nagcheck inn kagabe hekhek?!" nakangiti pa niyang wika sa kaibigan habang excited sa isasagot.

Trisha: "hindi ahh! Nawawaste lang ang time ko ki Mark, 'Pag-aaksayahan ko pa ba siya ng time ko."

Shane: "Owwwsstt nawawaste daw, eehh ba't mo sinagot abbeerr! kung 'di mo rin siya type!" pang-aasar naman niya.

Trisha: "Nadala lang po ako sa kalokohan mo my lovely cousin, at sa lampa mong boyfriend na si Ian," tila pambibiro rin niyang ganti sa kanila.

Ganito kasi sila, nagbibiruan lagi, pero sobrang mahal nila ang isa't-isa, Mahabang panahon na kasi ang pinagsamahan nilang Tatlo.

PAMILYA DE KANIBALΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα