CHAPTER 11 - Pagkatay kay Reggie

Start from the beginning
                                    

Walang iba kundi ang Chain Saw.

Habang nakakalat sa paligid ang ilan.

Si Manang Corazon na nakaupo sa kanyang Wheel Chair.

Si Mang Ador na nakatayo sa Pintuan.

si Aling Delia na nakatayo sa Likod ni Manang Corazon.

At si Hector habang nakasandal sa Pader.

Ibinalik ni Trisha ang mga mata sa Taong nakaitim at unti-unti nitong iniangat ang Chainsaw na iyon.

Nagpailing-iling ang ulo ni Trisha, habang kaagad namuo sa kanyang mga mata ang panibagong Luha.

ilang saglit lang ay idadapo ng taong iyon sa katawan ni Reggie ang nakakatakot na kagametang iyon.

kaagad inilipat ni Trisha ang mga mata kay Hector.

Nakalingon ito sa kanya, habang nakatayo't nakasandal.

bumakas sa mukha ni Trisha ang panunuyo na pigilan ni Hector ang taong iyon.

Ngunit biglang namuo ang Luha sa mga mata ni Hector.

Nagpapahiwatig ito na 'di niya kagustuhan ang mga nangyayari.

Humakbang si Hector at naglakad patungo sa Pintuan at napatingin naman sa kanya ang lahat.

At kitang-kita ni Trisha ang nakatalikod sa kanila na taong nakatim na may suot itong maskara sa mukha.

"Palayain niyo Kame rito!,'' sigaw niya sa kanila.

"Hector!, Hector! Hector," paghahabol nyang tawag sa binata na nagtuloy-tuloy palabas.

"Sinungaling ka Hector! Ba't mo nagawa sa akin ito!"

Ilang sandali lang, ay nakaangat na sa harap ng Tiyan ni Reggie ang bagay na iyon, na tatapos ng kanyang buhay.

"Waaag! Waaag! Waaag!" sigaw ni Trisha,
Hindi niya maimagine ang mararamdaman ng kaibigan 'pag dumiin sa kanya ang matutulis na ngipin ng Lagaring iyon.

Basta, ayaw niyang mamatay ito.

Brrrrngggg...

Tumunog ang CHAINSAW, at mabilis na nagpaikot-ikot ang mga ngipin nito.

"Huhuhu!, 'wag maawa na kayo..." ang lumuluhang si Reggie habang nakatitig sa pangel ng bagay na iyon.

Habang napapahagulgul naman ng malakas si Leslie.

At itinapat ng taong iyon ang bagay na hawak sa Hita ni Reggie.
At idiniin ito.

"Ahhhhhhhhhhh" nagsabay-sabay ang palahaw ni Reggie, Leslie at Trisha, na bumasag sa katahimikan ng gabing iyon sa loob ng kagubatan.

Nangibabaw sa loob ng gubat ang ume echong humihiyaw na taong iyon.

Na naging dahilan upang magising si Mark, na nanlalamig sa loob ng Freezer.

Naputol ng taong iyon ang hita ni Reggie, at isinunud ang kabila.

At muling binalot ng ingay ang kakahuyang iyon sa malakas at kahindik-hindik na sigaw ni Reggie habang tinatanggap nito ang bawat matatalas na pangil ng Lagaring iyon.

Kumalat sa lamesa't baba nito ang maraming dugo ni Reggie.

Nayakap ni Trisha si Leslie at magkaharap ang mukha nilang napayuko,
hindi nila kayang pagmasdan ang kaibigan, tinakpan na rin ni Trisha ang tainga ng kapatid.

muling bumuwelo ang nakaitim tungo sa braso ni Reggie, at magkasunod niyang naputol ang magkabilang brasong iyon.

Bumuga ng bumuga ng dugo ang bunganga ni Reggie na sa mga sandaling ito'y nagdedeleryo na't kukunin na ni Kamatayan.

PAMILYA DE KANIBALWhere stories live. Discover now