Chapter [50]

8.5K 250 4
                                    

Chapter [50] - Missed Calls

Hindi ako nakapag-salita at umiwas ng tingin sa kanya, naramdaman ko namang lumapit siya sa akin at tumingin sa langit kaya napatingin rin ako sa langit.

"Kinilig ka naman," ani nito pero wala siyang nakuhang sagot sa 'kin.

Nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko muna sandali ang aking mga mata at yumuko.

Alexander Point Of View,

"Kinilig ka naman," nakangiti kong saad pero nanatiling nakatingin siya sa langit.

Tinikom ko ang aking bibig at tinignan siya at napangiti naman ako dahil nakatungo si Alexis at nakatulog na, nilapitan ko siya at hinawakan ang ulo niya para isandal sa balikat ko.

'Di rin nagtagal ay nakaramdam na ako ng antok kaya sinubukan ko siyang gisingin kaso tanging ungol lang ang naisasagot niya.

Naupo muna ako baka sakaling magising siya at 'di ko mapigilang mapatingin sa kanya.

"May dahilan kung bakit 'di ko magawang bulihin ka sa school, kinausap ako ni Ate Alexa at pag may nalaman siya na binully kita hindi na niya daw ang alam ang gagawin niya sa 'kin ang pangalawa naman ay si Jake nung araw na nasa Infinite Rooftop tayo may sinave siyang picture sa phone ko at nakita ko na gusto mo ng normal na buhay kaya nasagot na rin ang tanong ko kay Ate Alexa, she's a good agent anyway. Pero pag lagi kitang nakikitang naiinis ewan ko ba napapangiti ako kaya kita ginawang slave na siguro isang araw lang dahil nagtatago ka sa 'kin," tumigil muna ako sandali ng igalaw niya ang ulo niya kaya hinawakan ko ang ulo niya't ipinahiga sa dibdib ko.

"Pero sa tuwing nakikita kita 'di ko alam na nahulog na pala ako sa 'yo, ewan ko ba kung bakit. Oo, nerd ka. Pero may pakiramdam ako na maganda ka tuwing nakikita kang masaya, 'yung maganda ka pa kaysa sa mga artista," natawa ako sa sinabi ko. Inaamin ko na nahulog na ang loob ko sa nerd na 'to at sana hindi na na mawawala 'to.

****

Buhat-buhat ko si Alexis na tinatawag nilang piggy back ride. Sinabi sa 'kin ni Ate Lexa 'kung saan ang unit nila Alexis kaya hindi ko na kailangang mag hanap.

'Di ko mapigilang mapangiti habang buhat-buhat ko siya at napatigil naman ako sa paglalakad ng may naglalakihang mga lalaki na naka-itim na lumabas sa elevator at may kasama silang babae na ang tanging naiiba ang kulay, violet.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ang sinusundan ng tingin ang mga lalaki at napatigil ulit ako ng tignan ako ng masama ng siguro ay leader nila at sunod na tinignan ay si Alexis nasa likod naman niya ang babaeng naka bag na violet at naka ngisi sa 'kin.

Tumigil na ako ng malaman ko na dito na pala ang unit nila Alexis kaya nag door bell na ako.

"Uy! Alex," bungad sa 'kin ni Stella ng buksan niya ang pinto at natigilan naman siya ng mapunta ang tingin niya sa babaeng buhat-buhat ko.

"Uh? What happen?" tanong niya at pinapasok naman niya at ako at sa pangalawang pagkakataon ay tumingin ako sandali sa mga lalaking nakatuon ang pansin nila sa akin at as usual 'di mawawala ang masasamang tingin nila lalo na ang lalaking naka death glare na, pumasok na ako at sinarado naman ni Stella ang pinto.

Itinuro ni Stella ang kwarto ni Alexis kaya buhat-buhat ko pa rin siyang nagtungo sa kwarto niya at pinagbuksan naman ako ng mga kasama ni Nerd sa kwarto at tinuro ang higaan niya ng ilapag ko na siya ay lahat ng mga kasama ni Nerd sa kwarto ay halos lagpas langit ang ngiti.

"Salamat sa pag hatid mo kay Àlexis dito," sabi ni Stella at tumango naman ako, lumabas na ako sa kwarto pagkatapos kong kumutan si Alexis at pinaupo muna ako ni Stella sa sofa.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon