"Corazon Cayabyab!" sigaw muli ni Myriah upang maagaw ang diwa niya.

Napaigtad siyang muli sa pag-upo sa gilid ng kama nito. Napailing si Myriah sa kanya. Napakamot siya ng ulo. Hindi naman niya sinasadyang mag-space out ng ilang beses! "M-Maganda pareho. Para saan ba kasi iyan? Magni-ninang ka ba sa binyag?"

"Ano'ng ninang? Sira, hindi mo ba alam 'yung tungkol sa sayawan ngayong darating na Sabado? 'Yung taon-taong project ng parokya para makalikom ng fund para sa simbahan. Puwede na tayong sumali kasi sixteen na tayo. Pero dahil araw ng debut ni Kristine iyon, alam kong 'di ka makakasama," kibit-balikat nito.

Dumampot ng iba pang damit si Myriah at ipinatong iyon sa sarili bago lumingon sa full-length mirror sa kuwarto nito.

"Hindi ko naman alam kung invited ako sa debut ni Kristine," aniya rito.

"Huh? Siyempre naman invited ka! Pinsan ka kaya no'n. Pero kung sabagay, bruha nga pala 'yon. 'Di sumama ka na lang sa sayawan! Malay mo may makasayaw tayong guwapo. Kaya lang may prinsipe ka na nga pala na 'di hamak na mas guwapo sa lahat ng lalaking taga-rito!" humalakhak si Myriah.

Natawa siya rito, "Ang sama mo!"

"Oh, bakit, totoo naman, ah! May mga nakalamang ba o 'di kaya nakapantay man lang sa mukha ni Donny sa mga lalaki dito sa'tin? Magbanggit ka nga kahit isa! Aminin mo na, artistahin talaga si Donny. O baka nga talbog niya pa mga artista ngayon, eh," nagbuga ito ng hangin. "Kung wala lang iyong gusto sa'yo baka ako pa nanligaw do'n."

"Tsk...Myriah," nailing siya. "W-Wala nga..."

"Maghanap ka nga ng maloloko mo Corazon! Matuwa ka na lang. Dahil kung ako ang titignan ni Donny gaya ng paraan ng pagtingin niya sa'yo, ipapamalita ko sa lahat iyon! Lakas kaya makaganda," humarap muli sa salamin ang kanyang kaibigan. "Ito na nga lang," tukoy nito sa kulay asul na bistidang napili nitong isuot para sa sayawan.

Nagpaalam na siya kay Myriah. Sakto namang kinailangan din nitong umalis upang samahan ang nanay nito sa palengke. Tumatahip-tahip ang kanyang puso habang naglalakad patungo sa tabing-ilog. Para bang lumulutang ang kanyang mga paa at hindi man lang sumasayad sa lupa.

Ganito palagi ang pakiramdam kapag alam niyang makikita niya si Donny. Nahihirapan siyang huminga ngunit sa halip na mahirapan ay magaan ang kanyang pakiramdam. And when she saw his broad and strong back from afar, para bang malapit na siyang tuluyang malagutan ng hininga.

She unconsciously combed her hair using her fingers to fix them. Inunat niya ang oversized shirt na suot at para bang nagsising hindi mas maayos na blusa ang kanyang naging damit.

Gusto niyang mahiya sa ikinikilos at itinatakbo ng kanyang isip. She'd been wearing these kinds of clothes and going out without even checking how she looks in front of the mirror for the longest time at ngayon pa siya naging conscious! 'Yung totoo?!

"Corazon!" ang baritonong tinig ni Donny ang pumukaw sa atensiyon niya. Hindi niya namalayang kanina pa siya nakatayo doon at hindi pa lumalapit.

Pinameywangan siya nito. His skin looked more tan against his white round neck shirt and ripped gray short pants. Mas prominente ang hugis ng panga nito at tangos ng ilong ngayong bahagyang nakatagilid pa ang katawan sa kanya.

"I've been waiting for you like forever here. Kanina ka pa ba nakatunganga diyan?"

Hindi rin talaga naalis ang pagiging bratinello ng isang ito. Mabuti na rin naman dahil kahit paano'y nababawasan ang pagka-ilang niya kapag ganoon.

"Kakarating ko lang po, Don Donny," irap niya.

Ngumiti ito at tuluyang lumambot ang magandang features ng mukha. Myriah is right. His face could put any celebrity his age to shame without even trying. Bukod sa guwapong mukha, matangkad na height, magandang built ay umaapaw talaga ang karisma at sex appeal nito dahilan kung bakit walang matinong babae ang hindi mahuhulog sa unang tingin.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now