"Nakakahiya kay Ate." Bulong ko sa kanya. Joskopolord! PDA na PDA ang dating naming dalawa!


Hinalikan niya ako sa buhok at inilayo ng konti sa katawan niya. Nakaakbay pa din sa akin. Pakiramdam ko tuloy napigtas na ang garter ng underwear ko sa sobrang sweetness ni Franz. Kilig!


Binalik niya ang sulyap niya kay Ate. "Oh bakit naandito ka pa? Susunod na lang kami doon." Masungit na sabi niya kay Ateng parang nanonood ng pelikula sa harap namin.


Unti-unting ngumisi ng malapad si Ate Gi. "AYIII!" Tili niya. Maagap naman akong inipit ni Franz sa mga bisig niya at tinakpan ang kanyang mga tenga. Para bang pakiramdam niya ay mababasag ang eardrum namin sa tili ni Ate. Well, actually, makabasag eardrum nga!


"Sorry." Hingi ng tawad ni Ate at nagmamadaling lumapit na sa pinto para lumabas. Natatakot marahil na sungitan naman siya ng amo niya.


Pinanuod lang namin siyang buksan iyon at lumabas. Pero bago siya lumabas ng tuluyan, lumingon siya sa amin.


"Ang sweet ninyo!" Kinikilig pang pigil tili niya at mabilis na umalis at sinara ang pinto.


Nagkatitigan kami ni Franz at nagkatawanan. Niyakap namin ang isa't-isa. "Magprepare na tayo." Sabi pa niya na may kasama pang palo sa butt ko.


"Loko ka ah!" Nakangiting sabi ko at pinalo siya sa braso.

Agad namang lumayo na sa akin si Franz at pumasok na sa kwarto. "Una na ako. Kapag nauna ka eh baka makatulog pa ako ulit." Narinig kong pang-aasar niya at pumasok na sa room namin.


"Yabang mo!" Natatawang sigaw ko habang nakatayo ako dito sa sala ng suite. Naiiling-iling na lang ako sa kapilyuhan ni Franz. But one thing is for sure....

I'm very happy with him!


**

Naandito na kami sa set. Nakapila na sina Franz at Fatima kasama ang ibang mga co-models nila. Hindi maipagkakailang ito ang mundo nila, kasi iisa halos ang tindig at pigura nila sa mga kasama nila.


4 guys at 4 girls silang lahat na labas-masok sa stage habang inirarampa ang ibat-ibang damit. May mga casual attires at semi-formal wear ang ipinaparada nila ngayon dito sa dress rehersal.


Nakatitig ako sa asawa ko. Marahil ay hindi niya ako makita kasi nakakasilaw ang liwanag ng spotlight na nakatapat sa kanila. Eh kami namang mga kasama nilang dalawa ni Fat ay naandito lang sa hindi naiilawang part ng event center.


Para sa akin, siya ang pinakahandsome at macho sa mga male models dito. Idagdag pang iba ang angas niya sa paglalakad kapag ganitong nagmomodel. Kahit sino ay sasangayon na tama ang decision ng company na kumuha sa kanilang dalawa ni Fat bilang star models ng show. Wala kasi silang ka-effort effort na nagsa-shine kahit isama mo sa mga kauri nila. Amazing talaga!


Kahit si Fat ay kakaiba rin ang lakad. Kitang-kita ang naguumapaw niyang confidence sa pagdadala ng mga damit. Kaya kahit foreigners din ang mga kasama nila, angat pa din ang dating niya kesa sa kanila. Natitiyak kong mas sisikat pa siya dahil sa X-factor niya na hindi napapag-aralan, bagkus ay sadyang taglay ng bawat indibidwal.


Nanunuod lang kami sa walang sawa nilang paro't-parito. Medyo mabusisi rin kasi ang director nila kaya ilang ulit na pinapraktis at itinatama ang kanilang ikot, lakad at pwesto sa stage.


Nang magbreak after isang oras na practice ay pinatay na muna ang spotlights at binuksan na ang ilaw sa buong paligid. Nagtama agad ang paningin namin ni Franz at lumapit siya sa akin.


Iniabot ko agad ang bottled water sa kanya. Alam kong nauuhaw iyan sa kalalakad sa practice. Nakangiti niya namang tinaggap iyon.


"Thank you, Steph!" Sabi pa niya habang ipinaghihila ako ng upuan palapit sa pwesto niya. Sina Ate Gi naman ay inaayos ang next set of clothes at shoes na gagamitin ni Franz.

The StarWhere stories live. Discover now