Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik

Zacznij od początku
                                    

            "Pao-pao.... Maaari ko bang maka-usap ang Hara Amihan?" Tanong nito
           "Opo naman Kuya Ybrahim." Nakangiting sabi ni Pao-pao sa kanila saka ito lumabas ng kubol niya.

          "Ano ang nais mong sabihin sa akin Ybrahim?" Tanong ni Amihan sa Rehav saka niya itinabi ang liham ni Ades. Huminga namam ng malalim si Ybrahim saka niya inilabas ang maskara ni Amihan na kanyang kinuha mula sa baul nito.

             "Paano mo nakuha yan Ybrahim?" Tanong niya.
             "Ibig sabihin ay sa'iyo nga ang maskara na ito." Sambit ni Ybrahim sa kanya.
            "Oo ginamit ko ito ng minsan nagkaroon ng piging sa Lireo..." Napangiti si Amihan ng maaalala ang kanyang nakasayaw sa piging na yaon.

             "Kung saan may nakasayaw akong encantado...."
             "Encantado na nakasuot ng maskarang may disenyo ng saranghay?" Mahinang sabi ni Ybrahim. Nakakunot ang noo na napalingon si Amihan kay Ybrahim.

             "Paano mo nalaman yan?" Tanong niya.
              "Sapagkat ako ang nakasayaw mo noon sa piging Amihan.....Ako ang engcantado na may maskara ng saranghay." Sambit ni Ybrahim na ikinabigla ni Amihan.

           "Ikaw ang encantado na yaon... Ang encantado na inisip ko kung sino...."
           "Ibig sabihin pinagkaabalahan mo akong isipin Mahal na Hara." Nakangiting sabi ni Ybrahim na wari ay nanunukso sa kanya.
          "Oo.... Ang ibig kong sabihin inisip ko kung sino ang nasa likod ng maskara kaya iniisip.... Ah wag na nating pag-usapan." Sambit ni Amihan saka kinuha ang maskara kay Ybrahim na tumikhim naman at sumeryoso.

           "Ang buong akala ko ay si Alena ang nagmamay-ari ng maskara na iyan." Sambit ni Ybrahim
           "At bakit?" Tanong niya.
           "Sapagkat nakita ko siya sa batis noon dala niya ang maskara na iyan kaya inakala ko na siya ang nakasayaw ko sa piging noon." Sambit ni Ybrahim. Napatango naman si Amihan naalala nga niya ang panahon na hiniram ni Alena ang kanyang maskara.

            "Bakit pinagsisisihan mo ba na nakilala at naging katipan mo si Alena?" Tanong ni Amihan. Napatigil naman si Ybrahim sa tanong ni Amihan.

           "Mahal na Hara... Dumating na ang espiya natin mula sa Lireo." Sambit ni Muroz na pumasok sa kanyang kubol.
           "Ganun ba.... Sige tayo na... Maiwan muna kita Rehav Ybrahim." Sabi ni Amihan saka sila lumabas ng kubol.

              Sinundan na lamang sila ni Ybrahim na magpahanggang ngayon ay iniisip pa din kung bakit di niya agad nasagot ang tanong ng Hara.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

             "Sigurado akong malaki ang gintong na makukuha natin kapag ibinenta natin ang babaeng mortal na dala namin Bardok." Sabi ng isang bandido sa kanyang pinuno na si Bardok habang sila ay naglalakad papunta sa mga bihag na taong ligaw.

            "Siguraduhin mo lang at malaki ang buwis na hinihingi sa atin ng bagong Hara ng Lireo." Sambit ni Bardok ng makarating sila sa mga bihag ay agad na tinanggal ng alagad nyang bandido ang tela sa ulo ng babae. Gulat na napatingin si Bardok dito.

           "Pashnea.... Hindi siya isang mortal siya si Sang'gre Alena!" Gulat na sabi ng pinuno ng mga bandido.

          "Pakawalan niyo ako! Sino ba kayo!" Sigaw ni Akeshya/Alena.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          "Ashti nasaan tayo?" Tanong ni Lira ng makarating sila sa isang pader na kalawangin.
         "Ito lang ang tanging lagusan na aking alam Lira.... At nasisiguro ko na naghihintay sa atin sa puno ng Asnamon si Hagorn kaya mas ligtas na dumaan dito." Sambit ni Danaya. Napatango naman sila sa sinabi ng sang'gre.

           "Bantay ng lagusan..... Bantay ng lagusan magpakita ka!" Sigaw ni Danaya.

          "Seriously Mila kinakausap niya ang pader?" Tanong ni Anthony.
         "Magtiwala ka na lang " sabi ni Lira kahit ang totoo ay nawi-weirduhan na din siya.

           Ilang sandali lang ay nagulat sila ng may lumabas na muka ng isang matanda sa kalawanging pader. Gulat na napaatras sila Lira at Anthony.
          "Wag kayong matakot.... Siya ang daan pabalik ng Encantadia." Nakangiting sabi ni Muyak.
          "Avisala Diwata.... Makakaraan ka lamang sa aking lagusan kung may alay kang mortal." Sambit nito.

           Agad naman na hinila ni Danaya si Anthony.
           "Ito..... Ito ang mortal na aking alay sayo." Sambit ni Danaya.
           "What papakain mo ako sa kanya?" Gulat na tanong ni Anthony kay Danaya.
           "Ashti wag naman ganon." Sabi ni Lira.
           "Ssheda manahimik kayo." Sambit ni Danaya.
           "Hmmmm sige tinatanggap ko makakapasok na kayo." Sambit ng muka.
           Nagliwanag ang pader at kahit nagpupumiglas si Anthony ay pumasok na sila sa loob nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                      "Espiya ano ang dala mong balita sa amin?" Tanong ni Amihan sa kanikang espiya sa Lireo.
           "Hara.... Nagpa-plano si Pirena na kayo ay sakakayin ngyong gabi." Sabi nito.

            "Ano paano niya nalaman ang aming kuta?" Tanong ni Ybrahim sa espiya.
            "Yan ay dahil kay Asval Rehav." Sagot nito.
             "Ang taksil na sapirian." May diing sabi ni Alira Naswen. Napailing naman si Amihan sa nalaman.

             "Ano ang magiging hakbang natin Hara Amihan?" Tanong ni Aquil sa kanya.
             "Muroz.... Lakan.... Kayo ang mamuno sa paglikas ng mga dama, admyan at mga sugatang encantado.... Samantalang kami nila Aquil, Rehav Ybrahim at ng iba pang kayang lumaban ang siyang maiiwan dito" sambit ni Amihan.

            "At saan naman namin sila dadalhin Kamahalan." Tanong ni Muroz.
            "Dalhin niyo sila sa isa sa mga kuta ng mga barbaro.... Kaibigan ko ang kanilang pangalawang pinuno na si Wahid" sabi ni Ybrahim sa mga ito.
            "Kung gayon ay masusunod.." Sabi ni Muroz na pinuntahan agad ang mga dama.

           "Tayo naman ay maghanda na para sa labanang magaganap." Sabi ni Amihan na hinawakan na ang kanyang espada. Nagpulasan naman ang lahat para maghanda.

           "Hara..." Sambit ni Lakan na lumapit kay Amihan
           "Lakan?"
           "Nais ko lamang sabihin na mag-ingat ka." Sabi nito.
           "Avisala eshma Lakan." Nakangiting sabi ni Amihan sa Mulawin.

            Nakamasid naman sa malayo si Ybrahim at di niya nagugustuhan ang paglapit ni Lakan sa Hara Amihan.
           "Naku Ybrahim mukang mas mabilis ang mulawin kesa sa Rehav." Nakangiting panunukso ni Wantuk ba nasa tabi pala niya.

            "Ssheda." Inis na sabi niya saka niya  binigyan ng pansin ang kanyang espada ngunit di niya maiwasan na sulyapan si Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Comment and Votes.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz