Chapter 67: Please me

Start from the beginning
                                    

ARRRGGH! ang gulo gulo ko! Galit ako sakanya dahil sa ginawa nya..Sinaktan na nga nya ko! Gustong gusto ko na nga syang makalimutan. Pero bakit ganito? Parang gusto kong sabihin sakanya ngayon na 'Tayo na lang ulit Please' hayst!

Itatanong ko sana kung ano reason ng suspension nya, kaso lumabas ng room si Carlo. Natigilan pa sya nung makita ako. Galit pa kaya sya samin?

Hindi ko maalis yung tingin ko sakanya. Ano ba sasabihin ko? Paano ako magsosorry?

"Ngayon ka lang ba nakakakita ng gwapo, Ash?"

Tinaasan nya pa ko ng kilay. Kung wala lang akong kasalanan sa kanya, siguro binatukan ko na sya ngayon. Hayst! Napakahumble din, parang si Vince lang!

"Haynaku Carlo. Push mo lang yan."

"Push kita kay Daniel?"

whatthe! Inuumpisahan na naman nya ko! Tumayo na ko at binitbit ko yung dala kong fruits para kay Khate. As much as possible, ayokong magkatinginan kami ni Daniel! Ghaaad!

"oh? Talaga? Bakit bati na ba tayo Carlo? Excuse me nga!"

"Nag-away ba tayo? Diba kayo lang naman ni Daniel?"

URGH! bwisit! Hindi ko na sya pinansin. Tinabig ko na lang sya para makadaan.

Kinamusta ko agad si Khate. Ok na sya ngayon. Noon pa naman kasi tanggap na nya. Pero nahihirapan akong tignan sya. Ayoko syang kaawaan kaso naiiyak akong makita syang may balot ng tela sa ulo. Wala na syang buhok tapos ang payat payat na nya lalo. Kung pwede nga lang magdonate ng taba, ginawa ko na.

"Khate kasama ba ko sa bucketlist mo?"

tinignan ko ng masama si Carlo. Ano namang trip nya?! Gusto ko tuloy tumayo para batukan sya,..pero hindi na pala kelangan dahil ginawa na ni Daniel.

"loko ka! Kung anu-ano pinagsasabi mo?"

"aray! Bakit? Nagtatanong lang naman ah"

"ah. Ok lang Daniel. Meron narin naman akong ginawa, at kasama kayong dalawa ni Ashley"

"oh, see! I told you! Kasama kayo.....ha?! Eh ako? Kasama ba ko?"

Lumapit pa sya lalo kay Khate, kulang nalang yata umupo na sya sa kama. Magkatabi kasi sila ni Daniel sa kabilang side ni Khate. So parang pinagigitnaan namin si Khate. Ayoko ngang tumabi kay Daniel! AISH! Ang bitter lang ano po?

Nagkwekwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Medyo tahimik si Daniel kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkaAwkward ngayon. Pangiti-ngiti lang sya hindi tulad dati na sya pa nag-uumpisa ng kalokohan. Iniisip ko tuloy kung makikipag-ayos na ko sakanya ngayon.

Hayst. Tinext ko na lang si Vince na pumunta agad. Parang hindi ko na kakayanin yung ganito.

"Sabi nga nila madalas daw magpakita yung mga multo sa banyo. Bukod sa tahimik, madalas kasing madilim. Kaya dapat Khate hindi mo pinapatay ilaw mo sa banyo"

Golly!!!!!! Kanina pa nagkwekwento si Carlo ng nakakatakot. Mga experience nya sa hospital. WAAAAAHH! najijingellers pa naman ako. Kanina ko pa nga pinipigil! Myghaaad!

"hindi naman ako takot. Sanay na ko sakanila"

"talaga? Nakakakita ka ng mumu Khate?"

na-amaze pa si Carlo. Bakit ba yan pinag-uusapan nila?! Hindi ba nila alam na nakakaihi na kaya!

"sus. Imagination nyo lang yun. sandali nga lang! PaCR muna Khate"

naiihi na talaga ako! Hindi ko na kaya! Papunta na sana ako ng CR kaso napabalik ako bigla sa sinabi ni Carlo.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now