HySE <3 4. Knowing Him!

Start from the beginning
                                    

Tss. Bumalik na rin ako sa trabaho pagkaalis ni RJ. Mamaya pa kasing hapon ang klase ko ngayon. Inintertain ko na ang mga mamimili.

Maayos naman ang takbo ng tindahan buong umaga. Pagdating ng tanghali ay nag-out na ako. Kumain na rin ako. Pagkatapos ay dumiretso na sa skwelahan.

Mga eksaktong ala-una ay nagsimula na rin ang klase namin. May dalawang subject lang kami ngayon. PE 4 at English 4.

Pagkatapos ng klase mga 5:30 ay lumabas na ako ng room para sana pumunta sa room nina RJ, para sundin yung sinabi niya kanina. Pero, napahinto ako ng paglalakad ng biglang may humawak sa braso ko.

"Baby Jazz, where are you going ba?" maarteng tanong ng babaeng to. Nakakainis naman siya eh. Kailangan ko makahanap ng paraan para di ito sumama sa akin. Masisira lang ang mga plano ko kung sasama siya!

"May importante lang akong gagawin. Mauna ka na umuwi."

"No! I want to come with you." kainis talaga itong babaeng toh! Masasampal ko ito ng di oras eh.

"No you can't. Mauna ka na umuwi sa inyo o gumala ka kasama ng tropa mo,"

"Eh, I want to be with you eh. Let's have a date?" nakangiti niyang sabi. WOW!! DATE??? Ayaw ko!!

"Look Cheska. I really need to do some important things. At bawal ka sumama. Sige na. Bye!" Pinilit ko tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa akin pero di ko matanggal. Para kasing tuko makakapit itong babaeng to eh!

Oo nga pala, si Cheska ang tinutukoy kong anak ni Doña. Spoiled brat itong babaeng toh. Nakakainis siya kasi pinagpipilitan niya na girlfriend ko siya at may gusto ako sa kanya. 

"But??" pag-angal niya.

"No more BUTs okay?" tapos huminga na ako ng malalim. Ala na kasi akong choice kundi gawin toh. "But, pwede tayo gumala ng tayo lang dalawa bukas, okay ba yun?"

"Okay. Ingat ka baby Jazz." at umalis na siya ng nakangiti. Kainis talaga oh! Baby ng baby, ano akala niya sa akin sanggol??! Tss... Dumiretso na ako agad sa room nina RJ.

Pagdating ko sa room nila, ay kakatapos lang din ng kanilang klase.

"Bro!" pagtawag sa akin ni RJ ng makita niya ako. Lumingon rin sa akin ang babaeng dahilan ng pagpunta ko dito at ang kaibigan niyang si Angel na nililigawan ng kapatid ko.

"Sabay na tayo umuwi." nakangiting kong saad. Hindi naman talaga si RJ gusto ko kasabay eh, kundi si Ms. Imperfect(tawag ko sa babaeng crush na crush ko). Lumapit na sa akin si RJ kasama yung dalawa.

"Pasensya na bro." tapos umakbay siya kay Angel. Ambilis talaga nitong kapatid ko, talo ako pagdating sa mga babae!. "May pupuntahan pa kasi kami ni Angel eh."

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Where stories live. Discover now