Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena

Start from the beginning
                                    

"Ngunit ito ay utos ng Hara Amihan.... At kung di niyo ako pararaanin sasabihin ko sa kanya ang pandurukot niyo sa mga taong ligaw katulad ng paslit na ito.... Gusto niyo bang malaman iyon ng Hara at maparusahan kayo?" May pagbabantang sabi ni Danaya.

"Pashnea.... Pao-Pao pumasok ka nga doon nakakadagdag ka lang sa inis ko." Galit na sabi ni Bardok, agad naman nagtatakbo ang paslit papasok sa kubol.

"Sige na pararaanin na kita... Wag lang malaman ng Hara ang aming ginagawa." Sambit ni Bardok saka nito hinawi ang mga baging ng isang napakalaking bato. Nagliwanag ito

"Makakadaan ka na sa aming lagusan Diwata." Sambit ni Bardok.
"Avisala Eshma Bardok... Hanggang sa muli." Sambit ni Danaya at saka siya pumasok sa lagusan.
.
.
.
.
.
.
Isang kakaibang mundo ang bumungad kay Danaya.... Isang mundong wala siyang alam.... At sa mundong ito, kailangan niyang makita at makilala ang kanyang hadia....ang tunay na Lira.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ibig mong sabihin Muyak.... Ang nanay ko ay Reyna ng mga diwata..... Na ako ay prinsesa ng mga diwata at tagapagmana ng korona ng Lireo? At kaya ako nandito sa mundo ng tao ay dahil sa kagagawan ng inggiterang froglet na tiyahin ko?" Pagtatagni-tagni ni Mila sa ikinwento ni Muyak sa kanya.

"Siyang tunay Lira..... At ngayon ang kailangang natin ay makitang bukas na muli ang lagusan ng makabalik na tayo sa Encantadia." Sabi pa ni Muyak.
"Ewan ko Muyak naguguluhan pa din ako sa mga kwento mo." Sabi niya, talaga naman nakakabigla at sa mga fantasy story lang niya nababasa ang ganoon.

"Mila.... May kausap ka ba diyan?" Napalingon si Mila ng dumating si Anthony.
"Sir Anthony, may kailangan po kayo?" Tanong niya.
"Ahm..... Can I treat you out.... Bayad sa ginawa mo para sa akin nung isang araw." Sabi nito sa kanya. Lihim na napangiti si Mila sa tanong ni Anthony pakiramdam kasi niya niyayaya siya nitong mag-date.

"Naku Sir Anthony.... Wag niyo na pong isipin yun.... Ayos lang talaga." Sabi niya.
"No I insist.... Para wala na din akong utang na loob sayo." Sabi nito saka ngumiti sa kanya.

"Okay... Kung yan ang gusto mo." Sabi niya.
"Great so I see you tonight." Nakangiting sabi nito sa kanya.
"Okay po." Nakangiting sabi niya saka tumango si Anthony at lumabas na ng silid niya, di naman maiwasan ni Mila na mapangiti ng sobra.... Oo aaminin niya kinikilig siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagdating ni Mira sa Lireo ay agad siyang nagpunta sa silid ng Hara Amihan. Ngunit kung sino pa ang ayaw niyang makita ay ito pa ang naroon.

"Lira.... Ikaw pala saan ka nagtungo... Di mo tuloy nakita ang pagpaparusa kay Danaya." Sambit ni Pirena sa kanya. Napatiim bagang si Mira. Di niya alam na ganito kasama ang kanyang tunay na Ina.

"Isang pagpaparusa na di naman nararapat sa aking ashti Danaya." Galit na sabi niya dito.
"Ssheda Lira...may kasalanan si Danaya kaya nararapat lang sa kanya yun." Sabi ni Pirena sa kanya.

"Ikaw ang manahimik..... At isa pa wag mo na akong tawaging Lira.... Sapagkat Mira ang ipinangalan mo sa akin hindi ba?" May galit na sabi ni Mira sa Ina na ikinabigla ni Pirena.

"Paanong...."
"Hindi na mahalaga yun.... Ngayon dapat malaman ng aking Ina ang ginagawa mong kabuktutan." Galit na sabi ni Mira agad naman lumapit si Pirena at hinawakan sa kamay ang anak.

"Mira....anak.... Di mo gagawin yan.... Di mo sisirain ang pinaghirapan ko." Galit na sabi ni Pirena.
"Bitawan mo ako at wag mo akong tawagin na anak!" Galit na sigaw ni Mira. Siya naman pagpasok ni Gurna sa silid.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now