Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya

Magsimula sa umpisa
                                    

            "Yun lang po ba Sir?" Tanong ni Mila. Tumango naman ito.
            "Oo yun lang... Sige magpahinga ka na." Sabi ni Anthony saka ito lumabas ng kwarto niya. Sinarado naman agad ni Mila ang pintuan at di niya maiwasan na mapangiti.....

          "May itinatago din palang kabaitan si Sir Anthony." Napapangiting sabi niya. Napailing naman si Muyak habang nakatingin sa diwani ni Hara Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
                 Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Danaya sa kakahuyan. Kagabi ay tumakas siya sa tulong ni Muros pero ngayon sa tingin niya ay di siya dapat tumakas dahil parang pinatunayan na niya na may kasalanan siya kung magtatago siya.

              "Kailangan kong bumalik sa Lireo at maipaliwanag kay Amihan na nagkakamali ang paslit na asqillesue.... At si Pirena ang nasa likod nito." Sambit niya sa sarili saka siya nag-evictus pabalik sa palasyo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          Palabas na sana ng kanyang silid si Amihan ng pumasok si Pirena at mukang nais siyang kausapin.

           "Hara.... Nais ko sanang malaman kung maayos na ang iyong lagay." Sambit nito.
           "Maayos na ang aking lagay Pirena.... Saan ka ba nanggaling kagabi?" Tanong niya.
           "Ah.... May inasikaso lamang ako.... Poltre kung wala ako dito at di kita naipagtanggol kay Danaya." Paghinging paumanhin ni Pirena sa kanya. Pagkasambit ni Pirena kay Danaya ay nakaramdam muli si Amihan ng lungkot pagkat di alam kung bakit nagkaganoon ito... Kung bakit kinakalaban siya nito ngayon.

             "Wala iyon Pirena wag mo nang isipin." Sambit niya. Huminga naman ng malalim si Pirena.
            "May iba ka pa bang nais?" Tanong niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay.
            "Amihan ikaw ang aking Hara.... Kaya di ko mapapatawad ang aking sarili kung may mangyari sa'iyo na wala akong magawa." Malungkot na turan ni Pirena.

          "Pirena wag mo nang isipin iyon." Sambit niya
         "Hindi Amihan.... Nais kitang ipagtanggol ngunit paano ko magagawa iyon kung wala akong kapangyarihan... Kung wala sa akin ang brilyante ng Apoy." Sambit ni Pirena sa siya tumalikod.

           "Paano ko maipagtatanggol ang Lireo kung wala akong kapangyarihan hindi ba." May lungkot na sabi ni Pirena. Napanhinga naman ng malalim si Amihan.

           "Pirena...  Naging mabuti ka sa pagbabalik mo dito sa Lireo at nakikita ko iyon.... Kaya tama ka, sa tingin ko ay nararapat ng muling mapasa-iyo ang brilyante ng Apoy." Sambit niya saka naman humarap muli sa kanya si Pirena.

              Inilahad ni Pirena ang kanyang palad, samantalang inilabas naman ni Amihan mula sa kanyang palad ang brilyante ng Apoy.

             "Brilyante ng Apoy.... Dinggin ang aking samo..... Ipinagkakatiwala na muli kita sa iyong dating panginoon.... Ipinagkakatiwala na kita kay Pirena." Sambit ni Amihan saka unti-unti ay lumipat sa mga palad ni Pirena ang brilyante ng Apoy. Napangiti naman si Pirena ng maramdaman muli ang init ng brilyante ng Apoy sa katawan niya.

          Nakangiting niyakap niya si Amihan.
         "Avisala Eshma aking apwe." Sabi niya.
          "Walang anuman Pirena." nakangiting sabi ni Amihan. Di naman mapigilan ni Pirena ang mapangisi sa wakas na sa kamay na niya ang brilyante ng Apoy...... mapapabagsak na niya si Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
         
                Paglitaw ni Danaya sa Lireo ay agad siyang nagpunta sa punong bulwagan sa pagbabaka-sakali na naroroon si Amihan. Ngunit ng pagdating niya doon ay nakita agad siya ng mga kawal at tinutukan siya ng mga ito ng sibat.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon