"Kuya, lapitan ko muna classmates ko.." pagpapaalam ko sa kanila. At umalis na ako..

Pagdating ko sa lugar kung nasaan ang mga classmates ko ay nagngitian na sila. "Althea, bagay man di ay mo ni Jazztine noh??" pagsalubong sa akin ng isa kong kaklase. [Althea, bagay pala kayo ni Jazztine noh?]

"Galingan niyo mamaya ha. Ipakita niyo sa lahat na kaya rin nating mga taga-english makipagsabayan pagdating sa math at science." sabat rin nung isa kong kaklase.

"I'll try.." sagot ko sa kanila. "Pj, Gelay, hintayin niyo ako mamaya pauwi ha,.  Sabay tayo. Marami akong ikwekwento at marami rin kayong dapat ikwento sa akin." Dapat magkwento talaga ang dalawang to kung ano ang nangyari sa kanila. Lalo na itong si Gelay..

"Kailan ba kayong dalawa hindi nagsabay pauwi ha??" sabat ni PJ.  Umupo ako sa tabi ni lang dalawa. Si Gelay, mukhang may problema,. "Thea, may ipagpapaalam pala ako sayo.." ano kaya yun??

"Ano yun???" nakangiti ko sabi sa kanya.

"Pwede ko bang li----- hindi na natapos ni PJ ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Gelay ang bibig niya. Feeling ko, alam ko na kung ano ang ipagpapaalam niya..

"Andi, punta ka na dun, kailangan niyo pa magparegister eh,..." hindi pa rin niya tinanggal ang kamay sa bibig ni PJ.

"Drey, halika na. Kailangan na nating magparegiter." napalingon kami sa nagsalita. Si Kuya TJ  pala. "Hiramin ko na naman ulit itong mayor niyo ha,.."

"SURE..." sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko.. Baliw talaga to. Tapos nagtawan na naman sila.

"Ingatan mo yan ha.." sabat ni Gelay. Ngumiti siya pero halatang pilit... Tapos tinanggal na niya ang kamay sa bibig ni PJ. May something na talaga sa dalawang toh!!!

"Ingatan mo yan bro.." sabi ni PJ, sa kuya niya.. Tumango lang si Kuya. At niyaya na akong umalis. Tumalikod na kami sa mga kaklase ko. Inakbayan ako ni Kuya. Parang nag skip ata ng isang beat ang puso ko. Feeling ko, hinahabol ko ang hininga ko.

"Althea, Kuya, God bless. Galinagan niyo.." narinig naming sigaw ng mga kaklase ko.. Di na kami lumingon ni kuya. Dumiretso na kami dun sa table ng magreregister. Nandito na rin pala si Ms. So simple. Kumapit agad siya sa braso ni Kuya at tinanggal ang kamay ni kuya sa pagkakaakbay sa akin. This time feeling ko, gusto kong sakalin si Ms. So simple!!!

Pagkatapos ng regitratiion, ay nagsimula na agad ang contest. Sa easy round ay may 10 questions at 1 point each. Naka perfect kami. Sa second naman 10 questions ulit at 3 points each. Naka, 27 points naman kami. Sa round na ito ay nag-aaway na kami ni Ms. So Simple.... Ang hilig niya kasing umepal. Nagpupumilit na yung sagot niya ang isulat namin sa board. Sa pangatlong round 10 questions ulit at 5 points each. Naka 45 points naman kami. So sa grand total of points ay naka 82 points..

Inanounce na ang top three groups na nakakuha ng pinakamataas na scores. "With 70 points, the 3rd slot goes to, BEEd-Gen.Ed.., The second slot with 75 points goes to the BSEd-Mathematics. At para naman sa 1st place, with 82 points... Congratulation, BSEd-English!!!" at lumapit na kami sa front stage. Narinig na namin ang sigawan ng mga BSEd-English students. Halata namang ang saya-saya ng dalawa kong kasama, ganun rin naman ako.

Natapos na yung awarding. Naglabasan na kaming lahat. Syempre, sumabay na ako sa klase ko. Si Ms. So simple naman ay sumabay na sa mga friends niya, at si Kuya TJ ay pumunta sa mga kaklase niya. Umuwi na ang iba naming kaklase. Si JP, Gelay at ako na lang ang natira.

Happy yet Sad Ending [HySE <3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon