"Faye, let's go!"

"Yehey! Mommy, where is tito ZAC?"

"Tito ZAC?"

Naalala niya si ZAC. Hindi niya ito nasabihan na gagabihin sila ng uwi. Nang tingnan niya ang phone, lowbat na ito.

'Hindi naman siguro magagalit si ZAC dahil trabaho naman ang ginawa ko'

Traffic ang daan pauwi kaya naman natagalan sina Steffi at Faye sa pag-uwi. Nang makarating sila ng bahay, nakita nila si ZAC sa sala at nanonood ng tv. Nakasuot pa din ito ng damit pang-opisina at hindi pa nagbibihis. Napansin din ni Steffi ang isang baso doon na tila alak ang laman.

"Hi hon!" nakangiting pagtawag sa kanya ni Steffi

Agad siyang nilapitan ni Steffi at hinalikan sa pisngi.

"Hi" tipid na sagot nito

"Kumain ka na ba?"

"Faye, go to your room. I'll call you later" 

"Yes, tito ZAC"

"Pakisamahan siya sa kwarto at bihisan mo. Wag mo palalabasin hanggang hindi ako pumupunta doon" utos ni ZAC sa isang katulong

Agad na sumunod ang katulong at pumunta sila sa kwarto ni Faye doon. Nang wala ng ibang tao doon at inubos ni ZAC ang laman ng baso at nilapitan si Steffi at nginitian saka siya hinalikan nito. Nagulat si Steffi sa ginawa ni ZAC dahil may kakaiba sa halik nito. Parang may pwersa at may pagkapossesive ang halik nito. Nalasaan niya din ang alak na ininom ni ZAC.

"May ipapakita ako sayo, Geneere"

Hinawakan ni ZAC si Steffi sa wrist at hinila paakyat ng hagdan. Nagtataka si Steffi dahil alam niyang may kakaiba kay ZAC. Ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanya at nagmamadali itong umakyat ng hagdan. Sa pagmamadali ni ZAC ay natapilok pa si Steffi dahil may takong ang sapatos niya.

"Aray!"

Agad na binuhat ni ZAC si Steffi at nang makapasok sila sa kwarto nila ay agad na nilock ni ZAC ang pinto. Tinulak niya din si Steffi sa pinto at inipit siya gamit ang katawan nito.

"Z-Zyril.."

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now