“Anyway class. May tour tayo this Friday sa Palawan. And sa lahat ng sasama may dagdag points ko kayo” sabi nito. Tour nanaman? Eh last year napaka boring nung tour namin eh. Walang adventure kaya nakakatamad sumama.

“Sir exclusive lang ba ‘to sa psychology students” Tanong ng isa ko kakaklase.

“Yes. Pero pwede hindi naman kayo sumama” Yun naman pala eh. Edi hindi ako sasama. “But sabi ko nga sa lahat ng pupunta yoi will have an extra grade” extra grade. Kailangan ko yun.

“Pupunta ka ba mitzi?” Tanong ni Hope.

“Hindi ayoko”

 

“Pero may extra grade sayang naman” sabi ni elisse. Napaisip ako. Oo nga naman sayang naman yun.

“Bahala na. sa Friday pa naman eh” sabi ko sa kanila tapos tumahimik na sila. Pupunta ba ako? Pero kasi boring yun eh. Mas Masaya kung nasa bahay na lang ako para makipag bonding kay kuya.

Speaking of kuya. I have a brilliant Idea.

Kath’s Pov

-Evening-

Halos late na din pero hindi pa din ako tapos sa mga ginagawa ko. Kailangan ko kasi iadvance tapusin ang lahat na ‘to. Lalo na at magleleave nanaman ako.

Actually nandito si Daniel. Diba nga sinusundo nya na ako pag uuwi. Masakit na ang leeg ko kaya tumayo muna ako. Lumapit ako kay Daniel at tiningnan siya.

Baliw din naman kasi ‘to lalaki ‘to halata naman pagod na din siya. Ewan ko ba naman kung bakit siya nagtyatyaga hintayin ako. Kaya ayan mukha nakatulog siya.

Siguro bumabawi lang ‘to. Sa mga kagaguhan ginawa nya. umupo ako sa harap nya para malapit ang ako sa mukha nya.

“Kahit anong gawin mo. Walang magbabago Daniel. Hindi magbabago ang katotohanan sinaktan mo ako. Kaya hindi ko na hahayaan saktan mo pa ako ulet. “ Bulong ko dito. Hanggang sa may luha tumulo sa mga mata ko kaya tumayo na ako at tumalikod papalapit ulit sa mesa ko.

Umupo na ako ulit at binasa ang files sa harap ko.

Daniel’s Pov

Nakapikit na ako at patulog na sana ng maramdaman ko tumayo si Kath papalapit sakin.

“Kahit anong gawin mo. Walang magbabago Daniel. Hindi magbabago ang katotohanan sinaktan mo ako. Kay hindi ko na hahayaan saktan mo pa ako ulet.  “

 

Bulong nya. gusto ko sana idilat ang mga mata ko. Pero naduduwag ako gawin ‘to.

Naramdaman ko tumayo siya at bumalik na sa mesa nya. nakapikit pa din ako ng maramdaman ko may luha pumatak din sa mga mata ko.

Nasaktan kita Kath. Alam ko sobra kita nasaktan. Kaya gagawin ko lahat para mapatawad mo ako. Alam ko mahal mo pa din naman ako.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sana mahal mo pa nga talaga ako.

---

Author’s Note

Kinaya nyo ba? Haha! Si Albie ang pinili. Tsk. Paano kaya yun? KathBie moment na ba sa Palawan? Btw sinong magaling mag edit dito. Pakigawan ito ngtrailer. Hindi ako marunong eh. Hahahaha! Chos lang. kakahiya naman eh. Labyuuu!

Dahil sa comments nyo ginahan ako. Kaya ayan ulet.

So comment kayo!!! J

16 chapters left..

-bakedmac(@imcheenajavier)

Hasty Decision (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα