Dapat na nga ba ako kabahan dahil anytime pwede ng mawala si Kath sakin? At makuha siya ng Albie yun? Pero hindi pwede! Mahal ko si Kath! At kung dati naipaglaban ko siya. Maipaglalaban ko ulet siya ngayon.

Julia’s Pov

Papunta ako ngayon sa coffee shop. Hinihintay ako dun ni Diego. May sasabihin daw siya sakin. Kaya eto ako nagdridrive.

Ilang araw ko ng napapnsin na hindi nagpaparamdam sakin si Quen. Ni tawag o text ay hindi niya ginagawa. May problema ba siya? O iniiwasan nya ako?

Pero bakit ba ako nag alala? Sa huli naman namin pag uusap hiniling ko bigyan nya ako ng space. Eto na ba yun hinihingi ko yun?

Siguro.

Nasa tapat na ako ng coffee shop nagpark na ako at bumaba. Pagbaba ko pa lang ay nakita ko na si Diego na nakangiti sakin. Kaya nginitian ko din siya. Pumasok na ako ng coffee tapos naglakad na ako papalapit sa kanya.

Tumayo siya at bineso ako.

“So ano yung sasabihin mo babe?” nakangiti ko tanong.

“Pupunta tayo ng palawan” Nagulat naman ako sa sinabi nya.

“Anong gagawin natin sa Palawan?” pagtataka ko tanong.

“Magrerelax. Pupunta din sila Daniel.” Ngumiti na lang ako sa kanya. At tumango. Tatanggi pa ba ako? Samantalang minsan lang siya nandito sa pilipinas. At mas okey na din ‘to para makabonding ko siya.

Bago ko sabihin sa kanya ang katotohanan.

“May problema ba?” tanong ni Diego. Napansin nya pala nagbago bigla ang emosyon ko.

“Wala. Tara order na tayo” Sabi ko at tumango naman siya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat nang hindi ko siya masasaktan ng sobra. Feeling ko tutulo na anytime ang luha ko. Kaya yumuko na lang ako at nag focus sa menu.

Mitzi’s Pov

Nakakainis ‘to professor namin! Nagpa surprise quiz! Wala tuloy ako nasagot. Argh! For sure mababa ang grades ko nito. Nakakainis naman eh!

“Okey class halos iilan ang pumasa sa quiz ko.” Malamang surprise quiz ba naman eh. Kainis!

“Mitzi okey ka lang?” Tanong ni Elisse sakin.

“How can I be fine. Eh wala ako nasagot sa quiz”

 

“Bawi ka na lang next time” Sabi nito pero umirap lang ako. Hindi ko talaga matanggap na mababa ang quiz ko eh. Argh!

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon