Twenty Ninth Teardrop

3.9K 177 11
                                    

-29-

DREW.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kanina. Pagsisisi, pagkagalit sa sarili ko, nalulungkot o nanghihinayang. Ngayon, iisa na lang.

Takot.

The moment na hinawakan ko si Nate upang hindi siya mapahiga ay parang biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko. At unti-unti, bumilis ito at nakaramdam ako ng matinding kaba at takot.

Hindi ko alam, wala akong ideya sa nangyayari.

Kinarga ko si Nate at dali-dali ko siyang dinala sa clinic. Habang papasok ako sa clinic ay nakita ako ng kaibigan niya na nagtatrabaho rin dito at nilapitan nya ako.

"A-anong nangyari sa kanya?" Tanong nito.

Hindi ko alam. Hindi ako nakapagsalita. Inihiga ko na si Nate and the doctor quickly checked his vital signs.

Pagkatapos ng doktor ay sinabi nito sa amin na kailangan na naming dalhin si Nate sa hospital. Hindi na kami nagpaligoy-ligoy at dinala na namin kaagad si Nate sa pinakamalapit na hospital kasama ang kanyang kaibigan, gamit ang kotse ko.

"Sabihin mo nga sa akin, ano bang nangyari?" Tanong ni Khymer.

"H-hindi ko rin alam, bigla na lang syang nawalan nang malay," sabi ko at napapikit ako. Itinuon ko na ang atensyon ko sa pagmamaneho at binilisan ko ang pagd-drive sa pinakamabilis na paraan.

Hindi ko alam. Wala akong alam sa nangyayari. Hinimatay lang ba sya? May nangyari ba sa kanya? May sakit ba sya?

Kabadong kabado ako.

Nang makarating kami sa hospital, dinala agad si Nate sa loob ng emergency room at naiwan kami dito sa may lobby. At saka ako nagdasal.

Panginoon, bakit ganito? Kung kailan magkaayos na kami, kung kailan handa na kaming maging masaya ulit saka pa mangyayari ang lahat ng 'to?

Nagmamakaawa ako, iligtas nyo sya.

~*~

Tinawagan na ni Khymer ang magulang ni Nate. Sinabi kong sabihin nya kung nasaang ospital kami. Maya-maya pa, ay dumating na doktor.

"Asan po ang magulang ng pasyente?" Tanong nito. Sakto namang pagkatanong ng doktor ay ang pagdating ng nanay ni Nate kasama ang mga kapatid nya.

"Sila po." Sabi ko.

"B-bakit? Anong nangyari kay Nate?"

"I assume na aware kayo sa heart disease nya, right?" Tanong ng doktor.

Heart disease.

"Opo doc,"

"Kung aware kayo, dapat hindi nyo sya hinahayaang mapagod o ma-stress. Bumibilis ang tibok ng puso nya at nagiging abnormal ito. Dahil mahina nga ang kanyang left ventricle, kapag napapagod sya, napipilitan itong tumibok ng mabilis kaya naman naaapektuhan ang circulation ng dugo nya. Kung magpapatuloy ito, maaaring maglead ang sakit nyang dilated cardiomyopathy sa arrythmia. Huwag nyo syang hayaang ma-stress." Paliwanag ng doktor.

"Stress?"

"Opo. Sa examination po kasi, lumabas na may kinalaman ang emosyon nya sa pagtibok ng puso nya. Huwag po kayong mag-alala, ngayong naka-rest na sya ay normal na uli ang pagtibok ng puso nya. At sinasabi ko rin po ito sa inyo, may DCM cases na hindi tumatagal ng limang taon. Sa kaso po ng anak nyo, magiging normal ang pamumuhay niya kung magt-take po sya ng regular medications and treatment. At syempre, kung iiiwas nyo sya sa mga gulo, pagod, at kagaya ng sinabi ko, stress." Dagdag pa nito.

Pain ☑️Where stories live. Discover now