Tenth Teardrop

4K 190 10
                                    

-10-

NATE.

Monday morning. At oo, naisipan ko pa ring pumasok kahit nilalagnat at masasakit ang katawan ko. Hindi na nga ako nakakain ng almusal kanina dahil wala akong gana. At bukod doon ay wala pa akong baon na pera.

Hindi natuloy ang day-off ni kuya JP. Kinailangan daw sila. Kaya naman hindi ako nakahingi sa kanya ng pera. Actually may allowance naman talaga ako. Ang kaso, tinitipid at tinatago ko ngayon lalo na't hindi nga nagday-off si kuya.

Kahapon, dahil wala si kuya pati si Arnold, ay ako lang mag-isa sa bahay. Nagmukmok lang ako. Sobrang lungkot ng atmosphere sa bahay. Isama mo pa ang ulan. Nami-miss ko sina nanay, wala si kuya, nilalagnat ako tapos may mga pasa pa ako sa katawan. Hindi na rin ako nakaiyak kahapon dahil tuyung-tuyo na ang mata ko. Nakahilata lang ako maghapon.

Habang naglalakad ako papasok ng campus ay nakita ko si Drew kasama ang iba ko pang kaklase na lalaki. He's smiling brightly. Siguro dahil ayos na sila ni Rachel.

I sigh.

Napatingin si Drew sa gawi ko at kumaway siya sa akin. Nginitian ko lang siya.

Maya-maya pa ay lumapit siya sa akin at akmang aakbayan nya ako nang pigilan ko sya agad.

"'W-wag, male-late na tayo. Pasok na tayo sa room," sabi ko at umuna na ako sa kanya.

"Uy Nate, teka lang!" Sabi nya.

Tama na, Drew. Dun ka na sa mga tropa mo. Itigil mo na 'tong mga kalokohan mo. Hangga't maaari.

Pakiusap.

"Nagsusungit ka ata ngayon, nireregla ka ba?" Pabiro nyang tanong.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya. Nginitian ko siya ng pilit.

"Sorry Drew ha, wala lang ako sa mood ngayon. 'Wag mo muna akong kulitin." Sabi ko.

Nawala ang ngiti sa labi nya. "Wait, Nate, I-I understand you. I mean, hindi ko dapat ginawa 'yon. Hindi ko dapat pinost ang picture mo nang walang consent from you."

"Hindi, Drew. Ok lang 'yon. Walang problema doon. Ayoko lang talaga munang maistorbo ngayon. Mas maganda rin siguro kung hindi mo muna ako kakausapin," sabi ko.

Natigilan siya. Ramdam ko na na-offend ko sya. Umalis na ako at hindi ko na masyadong inisip 'yun.

Iiwasan ko muna siya. Ayoko muna syang isipin. Lately kasi parang ang dalas naming magsama. Parang hindi lalagpas ang isang araw nang hindi kami nagsasabay.

Na-realize ko uli kasi ang mga limitations ko. Mali ito eh. Maling mali.

Ang ikinaiinis ko kasi kay Drew, parang ang meaningful ng mga kilos nya para sa akin na ang totoo, para sa kanya eh wala naman talagang iba pang meaning. At oo na, ako na ang dakilang assuming. Naga-assume na ako.

Naiinis ako sa sarili ko. Kung anu-ano kasi naiisip ko kaya naga-assume ako.

Binilisan ko na ang lakad ko without minding na nasa likod ko lang si Drew. Pagkapasok ko ng room ay doon ko lang naalala na magkatabi nga pala kami.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon