First Teardrop

7.5K 259 59
                                    


-1-

NATE.


Uwian na. At usually dati, nilalakad ko lang ang distance mula school hanggang bahay at vice versa. At dahil nga bagong school na ang pinapasukan ko ngayon, kailangan ko nang mamasahe pabalik, not unless gustuhin kong parusahan ang sarili ko at maglakad papuntang bahay. Nasayangan tuloy ako sa nuwebe pesos kong ipapamasahe ko mamaya sa tricycle.

So ayun, bago ko pa maisipang parusahan ang sarili ko at lakarin ang mula school hanggang bahay ay iniligpit ko na muna ang mga gamit ko at nagready na akong lumabas ng room.

Tumingin ako sa digital wall clock na nasa itaas ng board at 3:01 pm na.

Hanggang 3 lang kasi kami. Kaya uwian na namin. Lumabas na ako nang room at saktong may tumawag sa akin.

"Nate teka lang!"

Napalingon ako sa likod. It's Drew. Look, he's calling me Nate now. Ayun kasi ang sabi ko sa kanya na itawag sa akin, I don't know na agad-agad niya itong inapply. Kanina kasi Nicole ang tawag niya sa akin.

Nagmamadali siyang ayusin ang gamit niya at nilapitan niya ako.

"Uuwi ka na?" Tanong niya habang naglalakad na kami sa hallway.

"Hindi ba obvious?"

"Tss. Sunget." He hissed.

"Oo, uuwi na ako."

"Eh bat galit ka?"

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya.

"Hindi ako galit. Normal lang akong nakikipag-usap. Ok?" Sabi ko at maglalakad na sana uli ako nang biglang may lumapit sa aming tatlong kababaihan.

Kababaihan na wari ko'y mga junior high base sa uniform nila.

"Kuya pwedeng pa-picture?" Tanong nung isang babae kay Drew.

Drew sheepishly smile. Tumingin siya sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Ano bang ibig-sabihin ng tingin niya? Para namang bothersome sa akin na may magpa-picture sa kanya. Aba, kasalanan niya at isa siyang gwapong nilalang.

Tapos ang tangkad pa niya.

Natapos na ang picture taking at akala ko magpapaalam na yung mga babae ang kaso, mukhang napasabak si Drew sa interview.

"Salamat kuya!"

"Ang pogi mo naman!"

"Kuya anong section mo?"

"Senior high ka na ba?"

"Anong grade mo na?"

"Ilang inch 'yan?"

Hindi naman ako interested sa business nilang apat, pero naloka talaga ako dun sa huling tanong. Hinintay ko kung anong isasagot ni Drew sa nakakalokang tanong na 'yon.

Pain ☑️Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ