Fifth Teardrop

4.4K 213 16
                                    


-5-



 NATE. 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang mga linggo. At masasabi ko na may mga nag-iba. Si Drew, ewan ko. Lapit ng lapit sa akin. Nag-uumpisa na nga akong mailang. Lalo na kapag nangiti siya. Nakakainis.

Sa isip-isip ko naman, bakit ako naiilang? May problema ba?

May nalalaman ba ang nararamdaman ko na hindi nalalaman ng utak ko? Kung anuman 'yun, hindi ko na muna poproblemahin. Dahil sa ngayon, may iba akong pino-problema.

 Si Arnold.

Akala ko mabait siya. Isa pala siyang sintu-sinto. Bossing. Palautos. Palainom. Palagi ko na nga siyang nakakasagutan eh. Kung marunong lang siguro akong mag-mura, baka namura ko na siya.

Tutal palagi nya naman akong minumura eh. Minsan nga binabato niya pa ako ng kahit anong mahawakan nya kapag hindi ko nasusunod ang utos niya.

May isa pa akong ikinakatakot sa kanya -- ang mga mata nya. Ilang beses ko siyang nahuling nakatitig sa akin. Kung tititigan mo ang mata nya, para siyang may binabalak na hindi maganda.

Doon ako nagsimulang kabahan at matakot. Nag-umpisa na rin akong atakihin ng anxiety. Hindi ko kasi alam ang pwedeng mangyari. Parang anytime, bigla siyang may gawin.

Kaya naman noong day off ni kuya JP, naisipan kong magsumbong sa kanya. Pero alam nyo, dahil nga tinatamaan ako ng anxiety ay kay kuya ako mas natakot.

Alam ko kasi ang capabilities nya. Si kuya JP ang pinakamatino sa tatlo kong kuya pero siya rin ang pinakamalakas. I know kuya JP. I know him very much. Nakita ko na kung paano niya bugbugin 'yung kaklase kong nambully sa akin noong elementary.

Ang ginawa ko, tinago ko na lang muna. Kaya ko namang tiisin ang pambabato ni Arnold. Malay mo, hanggang doon lang naman pala talaga ang kaya nyang gawin.

 "Nate!" Nakita ko si Jaycel at yung kaibigan niya na nagngangalang Chique na papalapit sa akin. Si Chique at Jaycel -- na naging close ko na rin.

 "Uy! Anong ginagawa nyo rito? Mamaya dumating na si mam," I told them.

 "Hindi pa 'yan. By the way, we're here to ask you kung may partner ka na ba bukas for the Acquaintance Party." Tanong niJaycel. 

Napatawa naman ako ng bahagya, "Partner? Kailangan pa ba nun? Puro kalokohan, fund raising lang naman 'yan," sabi ko.

"But still, mas pampa-excite kaya 'yun!" Sabi ni Chique. "Actually excited na nga ako eh!"

"Ok, ok, gets ko naman 'yun. Hindi na ako magpa-partner. Bayae na. Nahihiya ako. At saka, since Acquaintance Party naman sya so kahit sino sigurong maging partner dyan, hindi na kailangang mamili." Sabi ko.

"Ok, ok. Fine. Attend ka bukas ah" sabi ni Chique.

I smiled at them.

 "Sige, balik na kami sa upuan namin  baka dumating na si mam eh."

 "Sige." 

Sakto namang pag-alis nila ay ang pagdating ni Drew. 

 "Nate," Umupo siya sa tabi ko ng ngiting-ngiti. He seems very excited.

 "Yep?"

 "Wala. Excited lang ako bukas. I'm curious kung sinong makakapartner ko." Sabi niya.

I frowned, "Kalokohan. Wag ako, Drew. Baka nga meron na eh, dami-dami nating kaklase dyan na maganda."

 "Tama ka. Pero di ko sila lahat type." Sabi niya.

Pain ☑️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora