Nineteenth Teardrop

3.6K 168 4
                                    

-19-

NATE.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Napahawak ako sa pisngi kong medyo namamaga habang patuloy na umaagos ang luha mula sa mata ko.

Gusto ko nang umalis dito.

Iyan ang mga katagang pumapasok sa isip ko ngayon. Pilit kong iginagalaw ang katawan ko. Napakarami kong pasa sa katawan. Nabugbog na naman kasi ako.

Kahapong umaga. Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay mula kina Drew, agad niya akong hinila papunta sa cr at nilublob ang mukha ko sa drum ng tubig. Paulit-ulit niyang ginawa 'yon hanggang sa hindi ako makahinga at magkaroon ng tubig sa dibdib ko.

Pagkatapos niyang gawin 'yon ay pinaghahampas nya ako ng sinturon, dos por dos, at pinagsisipa nya ako.

Partida, walang sali-salita 'yan.

At nung bandang hapon, inutusan niya akong bumili ng hapunan pero tumanggi ako kasi nga sobrang sakit ng katawan ko. At ang nangyari, binugbog nya uli ako.

Hayop. Laspag na laspag na ang katawan ko. Maigi nga't nakakalakad pa ako. Mabuti rin at hindi nya pinuruhan ang mukha ko. Maitatago ko ang mga pasa ko sa katawan. Makakapasok pa ako sa school ngayon.

Kailangan kong pumasok. Kailangan kong makapag-aral. Ayokong sirain ang pag-aaral ko nang dahil dito.

May pumapasok na ideya sa isip ko pero ayokong magpadalus-dalos ng desisyon.

Pero kailangan ba talagang magsakripisyo muna ako dito habang nagdedesisyon ako?

Konting konti na lang. Mauubos na ang luha ko. At kapag naubos ito, hinding-hindi na ako magdadalawang isip na magsumbong at lumayas dito.

Pero ngayon, kailangan ko munang isipin ang pag-aaral ko. Ang kinabukasan ko.

"Wazzup Nate? Mukha kang zombie, haha." Bungad ni Drew nang makapasok ako sa room.

Lumapit rin si Jaycel at Chique sa akin.

"At saka, tumingin ka nga sa salamin! Your eyes are swelling," Sabi ni Chique.

I tried my best to smile, "Grabe kasi 'yung binasa ko kagabi. Ang tragic ng ending. Magaling 'yung author, dalang-dala ako. Kaya eto," sabi ko.

"Yan kase, wattpad pa. Kala mo namang mag-eexist talaga 'yang mga fictional character na 'yan," sabi ni Jaycel.

"Mas matindi pa nga kayo, mahal na mahal nyo yang sina Ace, Jasper, West, Jeydon, Tyron, Elijah, Deib, at kung sinu-sino pa. Hindi rin naman mga nag-eexist sa totoong buhay." Sabi ko.

Drew faked a cough kaya napunta sa kanya ang atensyon namin.

"Ako, consider me as a living fictional character." Nagpogi sign siya, "Drew Ferrer from wattpad world, came to life." Sabi nya.

Tiningnan lang namin sya. Walang expression.

"Sus, minsan na nga lang mag-joke hindi pa bumenta. Anyways, may training kami ngayon, so baka mawala ako ng half day. Diba Jay?" Sabi ni Drew at tiningnan nya si Jay na sa ngayon ay nag-aayos ng mga gamit nya.

Jay nodded.

Tumingin sa akin si Drew at kinuha na nya ang bag nya, "See ya later." He winked at me at umalis na sila ni Jay.

"Since maaga pa naman, punta muna kaya tayong canteen?" Sabi ni Jaycel.

"Right!" Chique agreed.

Pain ☑️Where stories live. Discover now