Eleventh Teardrop

4.1K 198 12
                                    

-11-

DREW.

Palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi na worth ni Rachel ang attention ko. Pero ngayon, sya at sya pa rin ang pilit nanghihimasok sa buhay ko. Hindi ko alam kung desperada na ba sya or what pero ayun ang naiisip ko sa kanya. Kasi kung hindi, hindi nya magagawang lumipat ng paaralan para lang masundan ako.

At alam ko sa sarili ko na mahirap syang patawarin. It takes time. And I'm taking that time.

Recess. Nandito ako sa canteen para kumain. Niyaya ako nina Piolo at Zach pero hindi muna ako sumama sa kanila. Hindi ko rin niyaya si Nate kanina. Medyo na-badtrip kasi ako.

Isa pa 'yun si Nate, ano kayang meron sa kanya? Ayaw nyang pa-istorbo. Gusto nyang mapag-isa. Gusto ba nya ng space? Nao-occupy ko ba masyado ang time nya? Siguro ganon nga.

Hindi ko rin kasi mapigilan ang sarili ko. Pero kung ayun ang gusto nya, edi bahala sya.

Pagkatapos kong kumain, naisipan kong maggala-gala na lang muna since hindi pa naman time. Ie-explore ko na lang muna 'tong school na 'to.

Maganda, malawak. Para na rin siyang isang university. Complete package eh, college na lang ang wala. Balita ko dati, dalawang magkahiwalay na school 'to. Pero binili ata ni mayor 'yung lupa kaya ginawang integrated.

Habang naggagala ako ay biglang may lumapit sa akin na isang babae. She's a senior as well.

"Hey, I know you. Free ka ba?" Tanong nya.

Napatingin ako sa kanya. She's wearing a very very evident make up. Mapula ang labi nya pero bagay naman sa kanya. Naka-eye liner rin sya.
Naka-uniform sya na sobrang fit to the point na bakat na 'yung bra nya. Maikli rin ang suot nyang palda than usual.

This is why I hate SSG officers. Puro pa-party. Hindi asikasuhin ang mga estudyante.

Pero syempre, may kasalanan rin ang mga estudyante. Labag ng labag sa rules pero kapag na-guidance na, feeling biktima na.

Hindi ko pinansin 'yung babae at nilagpasan ko lang sya. Kumapit naman sya sa braso ko na bahagya kong ikinainis.

"Napaka-snobber mo, hindi ka naman hot," sabi nya.

Nilingon ko sya at tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko.

"Ikaw rin. Doblehin mo man 'yang make up mo o magbra ka na lang, hindi ka rin hot." I told her.

Paalis na ako nang bigla nya ulit kapitan ang braso ko. "Echos lang 'yun, eto naman. You know what, a lot of guys wanted to hang up with me, pero lahat sila dinecline ko. Why?"

She put her index finger on my lips, "kasi ikaw ang gusto ko," sabi nya.

Tinanggal ko ang daliri nya sa labi ko pati na rin ang pagkakakapit nya sa braso ko.

"Disgusting," I told her.

"C'mon, Drew. I'm pretty as hell. Don't you want me?" Sabi nya.

Gusto kong masuka. Parang gusto ko ulit tuloy bumalik ng private.

Akala ko iba na dito.

"Mandiri ka naman sa sinasabi mo," sabi ko.

Sa hindi ko na alam kung pang-ilang pagkakataon, humawak siya uli sa braso ko. Yung mas mahigpit. "Uy, pakipot pa, gusto rin naman." Sabi nya.

Tiningnan ko sya sa mata nya. Punung-puno ng kalibugan ang mata nya. Naamoy ko naman ang hininga nya. Amoy pusali.

"Drew!"

Pain ☑️Where stories live. Discover now