Pain

16.2K 353 89
                                    


I suddenly felt my heart beating very fast kaya nagising na ako.

Excitement?

Time check: 3:57 am.

Oh? Umaga na pala. Ilang oras ba ako nakatulog? 4 hours? 5? Nabu-bwisit ako kasi hindi talaga ako makatulog ng maayos kanina.

And now...

Haaaaays. Baka excited lang ako. Oo tama 'yon. Why? Hello, it's my first day of being a senior high school student.

Yes. My first day. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil nag-umpisa ang istorya ko nang walang pinagkaiba sa mga nababasa nating cliché stories sa wattpad.

First day, huh? Well, it's an element of any story naman. Hayaan nyo na si author. Wala lang yang maisip na simula kaya nakigaya na lang sa "first-day-of-school" thingybush.

Hindi ko namalayan, kusa na palang kumikilos ang katawan ko para gawin ang daily routine ko.

Nag-umpisa ako sa pagliligpit ng higaan kong hindi kama. Pfft.

Mahirap lang kami, wag kayong ano.

Sahig na kawayan lang siya na hindi pa pantay pantay ang pagkakagawa.

Kaya ang sakit lagi sa likod kapag gigising ako eh. Hahaha.

Binuksan ko na ang ilaw sa ibaba namin at nag-umpisa na akong magsaing.

Ginawa ko ang daily routine ko, pero ngayon, mas earlier na kasi mas maaga ang allotted time para sa first subject ngayong senior high compared nung grade 10 pa ako.

By 5:45 am, ready to go na ako. Naka-uniform na ako, suot ko na 'yung lucky charm kong bracelet na binili kong 25 pesos sa bayan, nakapag-polbo at pabango na rin ako.

Nagpaalam na ako kay nanay, "Nay alis na ako."

"May baon ka na?" Tanong niya.

"Oo nay. Pakisabi kay kuya Lance at Mac umuna na ako."

Umalis na ako.

Hindi ako sanay na humahalik sa cheeks ng nanay ko at hindi rin naman siya sanay na halikan niya ako sa cheeks. Anuba kayo, hindi namin nakasanayan ang mga ganyang bagay. Siguro dahil sa environment na kinalakihan namin. Haha.

Pero, hindi man ako rich kid na katulad nung ibang estudyante dyan na naka-Huawei P30 pro o Samsung Galaxy S10+, ikinagagalak ko na na pinalaki ako ng mga magulang kong may dangal at respeto sa sarili.

Pagkarating ko sa may labasan ay sumakay na ako ng tricycle at dumiretso sa school.

Pagkarating ko sa school, ay hindi ko malaman kung saang gate ako papasok.

Putek, mas malaki pa 'to sa inaasahan ko! Balita ko sa mga kapit-bahay namin, malaki talaga ang school na 'to pero nagulat ako nang makita ko na ito sa personal.

Pumasok na ako at dumiretso sa gymnasium. Pagkapasok ko sa loob, nakita ko ang pila ng sandamakmak na mga estudyante at may mga nakikita akong placards na may nakasulat na 'ICT 1 - Computer Programming, ICT 2 - CSS, HE - 3, STEM - 1' and so on.

Actually, alam ko na kung saan ako pupunta. Sa ICT 1 - Computer Programming. Ayun kasi ang kinuha kong strand at specialization, at nakita ko na rin naman ang sections sa fb page ng school na 'to.

Nakipagsiksikan ako sa maraming estudyante papunta sa pipilahan ko. At syempre, ang pagka-fresh ko kanina ay nawala na. Feeling ko amoy balisang galunggong na ako. Pawis na pawis na kasi ako dahil wala namang aircon dito dahil public nga.

Pain ☑️Where stories live. Discover now