Twenty Fifth Teardrop

3.5K 166 12
                                    


-25-


NATE.

"Ok doon. Mataas rin ang rate. Diba may background ka sa layouting? Hiring sila sa graphic artist. And besides, doon din nagta-trabaho si Kimer." Sabi ni kuya Lance.

"Hindi lang 'yon. Si Drew pa ang executive doon."

Bumuntong hininga ako. Matagal na akong naghahanap ng trabaho. Ngayon ko rin na nalaman na CEO na si Drew ng isang publishing company. He's only 23 yet apaw-apaw na ang kanyang capabilities. Advantage na rin siguro ang business ng kanyang pamilya.

At since, tapos naman ako ng bachelor's degree sa IT, ok na rin siguro na doon ako sa kumpanya ni Drew nag-apply. Sana tanggapin nya ako.

"Eto na nga, 'diba? Nakapagpasa na ako ng requirements. Lecheng tatawagan 'yan. Siguraduhin lang nila." Sabi ko.

Natahimik kami saglit. Maya-maya, tinanong ko si kuya Mac.

"Kuya, 'diba may gf na si Kimer? Sila pa rin hanggang ngayon?"

Wala lang, curious lang.

"Hindi na. Break na sila. Single na uli si Kimer." Sagot ni kuya.

Nagulat naman ako. "Bakit daw?"

"Wala eh. Natabangan si Kimer, nasa ilalim sya nung babae. Hindi nya magawa ang gusto nya. Kaya nakipag-hiwalay na sya." Sabi naman nya.

I sigh. Iba talaga ang nagagawa ng love. Hindi nakokontrol ang emosyon ng isang tao. Minsan, kapag sumobra, iba ang nagiging dating. Nagiging negative sa partner. Kaya nagkakatabangan, hanggang sa maghiwalay.

Tumayo na ako at umakyat papunta sa aking kwarto.

Tiningnan ko ang paligid nito. Maganda na sya, kumpara dati na plywood lang ang dingding at kawayan ang papag ko.

Ngayon, may sarili na akong kama. May maliit din akong bookshelf. Ito ang napag-ipunan ni kuya nung panahong nasa US kami. Pati ang naipon ni nanay at nagamit rin namin at sobra pa.

Maganda rin ang kinahinatnan ng pamilya namin sa pagpunta namin doon. Ayun nga lang, nagkaproblema sa amin ni Drew.

Dumako ang tingin ko sa ibabaw ng aking drawer at nakita ko ang isang picture. Ang kaisa-isang picture namin ni Drew na pina-print ko pa. Parehas kaming nakangiti dito.

Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ko na naman ang sakit dito. Wala eh. Panahon ang kumalaban sa amin.

Pero kalabanin man ako ng panahon, o ng kahit anong pwedeng humadlang sa amin -- hindi ako susuko. Wala akong pake sa sasabihin ng ibang tao.

Mahal ko si Drew.

At willing akong gawin ang lahat mawala lang ang matinding galit nya sa akin. Wala akong pakialam kung magmukha akong desperado.

Lumapit ako sa picture at kinuha ko ito.

Ngumiti ako ng malungkot.

Ang tagal na nito. Acquaintance Party namin ito at kami ang magkapartner ni Drew. Isang nakakalokang party.

Ibinalik ko na yung picture sa ibabaw ng drawer ko at hinanap ko 'yung aklat na pinag-ipitan ko nung bulaklak. Nakita ko ito sa ilalim ng kama ko. Binuklat ko 'yung aklat at nakita ko ang isang tuyung-tuyo nang bulaklak. Medyo nag-fade pa yung text dun sa page dahil basang-basa ang kamay ko sa ulan noong minsang binalak ko itong itapon na hindi ko naman nagawa.

It's been six years.

Naalala ko kung gaano kasakit ang mga salitang binitawan niya sa akin. Na hindi na nya ako kilala. Ramdam na ramdam ko ang malaking galit nya sa akin.

Pain ☑️Where stories live. Discover now