Sixth Teardrop

4.6K 225 18
                                    

  -6-

 NATE

 Walang pasok ngayong biyernes dahil mamaya na ang Acquaintance Party. Kaya naman ang ginawa ko, naglinis muna ako ng bahay.

Actually naglinis na talaga ako kahapon. Gusto ko lang talagang may magawa ngayon. Ewan ko, parang kinakabahan kasi ako na ewan. Puro ewan. Haha.

Ginagawa ko ang lahat ng pwedeng gawin dito sa bahay para matanggal ang kaba ko. Iniisip ko kasi kung paano ako lulusot mamaya kay Arnold. Iniisip ko rin na paano kung mahuli ako? Baka kung anong gawin niya sa akin.

Bwiset na Arnold kasi yun eh. Tanga ata 'yon. May susi naman 'tong bahay na pwede kong dalhin. Naku, sana lang talaga hindi umuwi ng maaga yung hinayupak na 'yon. Dahil pag nagkataon, malilintikan ako. 

 Nang mapagod na ako ay kumain ako ng lunch. After 'non ay nagpahinga na rin ako.

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

 ~*~ 


Naalimpungatan ako sa pagbagsak ng kung anong gamit sa kusina. Napatingin ako sa orasan. It's 5:13 pm.

 5 pm ang call time sa party.

Napatingin ako sa bintana namin at nakita kong dumidilim na. Shemay na bingot.

Huminga muna ako nang malalim at saka ako nagmadaling kumilos. Halos patakbo akong bumaba para kumain. Pagkatapos kumain ay nagmadali na rin akong naligo. 

Matagal pa naman akong maligo. Putek, bahala na si batman! Kesa naman masaraduhan ako ng gate? Edi hindi ako nakaatend ng party.

Nawalan pa ng partner si Drew. Hay nako, bahala na talaga!

Kelangan ko na talagang magmadali. Pumunta ako sa kwarto ni kuya at tama sya, ang dami nga niyang damit na pamporma. Inilabas ko lahat ng long sleeves na pwede sa akin.

And I ended up wearing a light blue long sleeves, ini-adjust ko ang sleeves nito hanggang siko. May nakita rin akong chaleco at necktie. Gusto ko sanang isuot kaso baka mapagkamalan akong waiter. Mautusan pa ako. Katamad. Isinuot ko rin ang black pants na, buti na lang, sakto sa akin.

Medyo ti-nuck in ko 'yung polo. Hindi naman 'yung mukhang kakagaling ko lang sa pagtae, 'yung sakto lang.

Tumingin ako sa salamin. Ngumiti ako. Ayos na ba? Nagpolbo lang ako ng konti at inayos ko na rin ang buhok ko sa kung paano ko ito ayusin araw-araw. Ok lang. Hindi naman ako baduy tingnan.

Nang matapos akong mag-ayos ay inihanda ko na ang gamit ko.

Napatingin ako sa orasan. 

 6:06 pm na.

Owshet na malupet, late na ko ng one hour. Well, hindi naman ako VIP so ok lang 'yun. Sinarado ko na ang ilaw sa bahay at ready na akong buksan ang pinto. 

Paglabas ko ng bahay ay ready to mingle na ako, nang biglang bumungad sa akin ang pagmumukha ni Drew.

Nakasuot siya ng long sleeves polo, kulay dark blue, at nakatiklop rin ito na hanggang siko at nakatuck-in kagaya nung akin. He also wears white fitted pants at rubber shoes na walang sintas. Napatingin ako sa mukha niya. 

He's looking at me seriously. Yes, napansin ko na may jewelry syang suot. Silver na kwintas at silver na relo. Medyo na-conscious ako. Ang cheap ko sigurong tingnan ngayon.

Pero sya, kahit may jewelry sya, ang simple ng porma niya pero ang lakas ng dating.

 Hindi ko alam kung bakit parang ang talim ng titig niya sa akin. Napatungo tuloy ako.

Pain ☑️Where stories live. Discover now