Second Teardrop

5.4K 232 31
                                    

-2-

DREW.


I insisted na ihatid si Nate sa bahay nila. Nung una, tumanggi pa siya kasi malayo daw. Pero nagpumilit ako. Sayang din kasi 'yung pamasahe niya kung pwede ko naman siyang ihatid, 'diba?

Habang nakasakay kami sa motor, nagtataka ako dahil ang tinuturo niyang ruta ay papunta rin sa bahay namin.

Nang makarating kami sa kanila, nagulat ako dahil malapit lang pala sila sa amin. Walking distance lang.

Pagkababa namin ng motor, tinanong ko siya kung kailangan ko pa siyang ipagpaalam sa kanila dahil ginabi siya ng uwi. Nag-aalala lang ako dahil baka pagalitan siya nang dahil sa akin.

"Wag na! Baka lalo lang magalit  mga kuya ko." Sabi niya

"Bakit naman?"

"W-wala lang. Sige, pasok na 'ko." Sabi niya at tinalikuran na niya ako.

"See you tom!" Pahabol kong sabi.

Nilingon niya ako then he smiled, "See you. Good night." At pumasok na siya sa bahay nila.

Pinaandar ko na rin ang motor ko at pumunta na ako sa bahay na sobrang lapit na lang.

Kanina, habang pauwi kami ni Nate, mabagal lang 'yung pagpapaandar ko ng motor kasi sabi niya, bagalan ko lang daw. Muntikan na daw kasi silang maaksidente nung kuya niya dati habang nakasakay sa motor. Ayaw lang niyang maulit uli 'yon kaya naintindihan ko siya.

Naalala ko 'yung sinabi niya kanina sa akin sa mall. He told me he's gay. Actually, una pa lang naman alam ko na. Na-surprise lang ako sa kanya kanina dahil hindi ko alam na ganun siya katapang. He's very straightforward.

Wala naman akong pake kung ganun siya. Hangga't wala siyang ginagawang masama, namumuhay siya bilang isang normal na tao at wala siyang ginagawang ikasisira niya, kakaibiganin ko siya.

Gender doesn't matter. Masyado lang talagang malisyoso at malisyosa ang mga tao ngayon. Mga closed minded na tumitingin lang sa isang side. Kumbaga sa picture, sa isang side lang nakatingin kaya hindi nakikita ang bigger picture.

Naalala ko dati noong sa private pa ako napasok. Yes, may mga tropahan ako dati. Mga kaibigan. Kaso dumating kasi sa point na parang napapariwara na sila kaya bumukod ako. Akala ko magiging masaya ako kasama sila pero hindi. Kaya mas pinili ko na lang mag-isa at magpaka-loner doon.

Then I met Rachel -- she made me realize that being a snob and loner is not worth it. Yes, maraming nagkakagusto sa akin noon. Ramdam ko na palaging may nakamasid sa akin. Kaya nga pakiramdam ko doon, bawat galaw ko may nakatingin sa akin.

Pero si Rachel? Iba siya. Siya lang ang babaeng hindi nagpakita sa akin ng motibo. At bukod doon, napakabait niya pa.

Kaya mga halos gumuho ang mundo ko nung lokohin niya ako nang harap-harapan. Pinunyeta niya ako. Ang saya saya ko na kasama siya pero bigla niyang itinapon lahat ng iyon.

Pagkarating ko sa bahay, bumungad sa akin ang kuya kong kakaligo lang.

"Si mama?" Tanong ko.

"Nasa opisina nya. Bakit?"

"Wala." Sabi ko at umakyat na ako sa kwarto ko.

"Dumale na naman ang dalaw mo," sabi ni kuya.

Ako? May dalaw? Bakit, nagsusungit ba ako?

Naalala ko kanina. Wala akong maalalang nag-snob o nagsungit ako na palagi kong ginagawa nong nasa private pa ako. Pwera na lang doon sa dalawang babaeng ginulat ako kanina sa canteen.

Pain ☑️Where stories live. Discover now