Sixteenth Teardrop

3.7K 173 11
                                    

-16-

NATE.

Saturday morning at mag-isa na naman ako dito sa bahay. Lagi na lang akong mag-isa. Yung lintik na si Arnold?

Nasa arena. Sa sabungan. Lintek.

Wala naman akong pake kung mag-isa ako tuwing weekends. Useful nga sa akin ang mga ganito dahil nagagawa ko ang mga pending assignments ko.

Minsan naman, nakakapagsulat ako ng mga story. Fiction ganun. Actually meron na nga akong mga nagawa na completed story pero nakasulat lang ito sa notebook ko. Wala kasi akong balak ikalat ito or ipost online, sa mga blogs, wattpad etc. Baka kasi hindi magustuhan ng mga mambabasa.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman lumabas ako ng kwarto at bumaba papunta sa kusina.

At naalala ko nung nakaraan.

Na-postponed 'yung pakulo este panghihingi ni Rachel ng sorry kay Drew dahil hindi daw pinayagan ng OIC na may decorations sa canteen. At naalala ko rin 'yung sinabi sa akin ni Drew.

Bakit ganito? Bakit parang ako ang gumagawa ng trabaho ni Rachel? Nagkakataon lang ba ito o sinasadya ko na? Ang kapal naman ng mukha ko.

Teka, baka mamaya e sa akin mahulog si Drew? Aba matinde.

Nate, tigil-tigilan mo na 'yang kakahithit mo ng katol. Pati 'yang pagshashabu mo, naku.

Pero ito nga. As much as gusto kong pigilan 'tong nararamdaman ko para kay Drew, hindi ko magawa. Nakakainis kasi. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit dun pa sa taong napakalayo ng agwat sa akin? Alam kong magkalapit lang kami ng bahay at madalas kaming magkasama. Pero 'yung distansya namin sa isa't isa, milya milya ang layo.

Minsan nga, pagtrip ko, ginugulo ko ang sarili kong isipan. Katulad nang iniisip ko kung mag-take kaya ako ng risk? Pero, para saan pa nga ba kung una pa lang, alam ko na sa sarili kong masasaktan lang ako? Ano 'to, niloloko ko lang ang sarili ko, ganun?

Ganito kasi 'yan. Eto na naman tayo. Kapag nagmahal ka, may mga darating at darating talaga na problema. May mga panahong sa sobrang inlove mo sa isang tao, nagiging desperado/desperada ka na. 'Yung tipong nagagawa mo ang isang bagay na hindi dapat gawin, basta malaman lang niya na nag-eexist ka sa mundong ito at gusto mong malaman na mahal ka rin niya.

At sa tingin nyo ba, magagawa kong magpakadesperado? Hindi ako gagawa ng mga bagay na alam kong makakasira sa pagkakaibigan namin ni Drew.

Pagkainom ko ng tubig ay bigla akong may naalala. Si Kuya JP. Takte, birthday nya ngayon! Kada birthday kasi nya, nakasanayan ko nang bilhan sya ng regalo.

At dahil mautak akong tao, ang binibili kong regalo sa kanya ay 'yung mga bagay na mapapakinabangan ko rin.

Nagbreakfast na ako at naligo. Balak kong pumunta sa mall para maggala. Para na rin maghanap ng pwedeng iregalo kay kuya. Hindi naman kasi ako palalabas na tao. Hindi ako masyado sa party, gala gala, etc. Mas gusto kong magpaka loner kasi in that way mas makakapag-isip ako ng mga bagay-bagay. Kaya napakalaking achievement sa akin ang makagala ngayon.

Pagkarating ko sa mall ay halos kakabukas pa lang din nito. 10 am kasi ito nagbubukas.

Pumasok na ako at unang hinagilap ng mata ko ay ang NBS. Palagi akong pumupunta doon para maghanap ng mga sale na item. Marami pating aklat na gustung-gusto kong bilhin. Haha.

Pain ☑️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora