Eighteenth Teardrop

3.6K 167 12
                                    

-18-

NATE.

Unti-unti ko nang natatanggap na ang malas malas ko pagdating sa pagkakaroon ng ama. Hindi lang sa ama. Maging ako mismo. Napakamalas ko.

'Yung tatay ko, sobrang sobrang mahal ako nun. Mas close ko pa nga 'yun kesa kay nanay. Tapos, kinuha naman siya sa akin ni Lord.

Ngayon namang may bagong kinakasama si nanay, halos ituring naman akong hayop. Walang kwenta.

"Nate, nilalangaw ka na."

Napabalik ako sa huwisyo nang makita ko ang kamay ng kuya ni Drew na kumakaway sa harapan ko.

"Malalim na naman ang iniisip mo. Just like the last time I saw you." Sabi nya.

Ngumiti lang ako.

"Alam kong may problema ka. Sabihin mo lang sa amin." Dagdag pa nya.

I sigh, "M-meron nga. 'Yung aso ko namatay. Kanina lang." Sabi ko na lang.

Medyo natawa ang kuya ni Drew. Alam kong hindi siya convinced sa palusot ko.

Maya-maya ay dumating na si Drew. May dalang ulam. Ngayon ko lang narealize na nasa hapag kainan pala kami.

At ngayon ko lang din na-realize na ang laki-laki ng bahay nila, pero wala silang katulong. Which is actually a good thing. Kaya nilang maging independent.

"At dahil sa namatay mong aso, makikitulog ka sa amin? Sobrang depress mo ba?" Sabi ni Drew.

I faked a smile, "O-oo. Mahal na mahal ko 'yun. Parang kapatid na ang turing ko dun. Pero hindi naman dumating sa point na hiniling kong maging kamukha sya. Just that, wala na akong papakainin araw-araw, wala nang sasalubong sa akin pag-uuwi galing school, at.." I sigh in sadness, "wala na akong masisipa-sipa."

Umasta ako na parang lungkot na lungkot.

"Nate, 'wag mo akong lokohin. Wala kang alagang aso." Sabi ni Drew.

Napatingin ako sa kanya. He's smirking.

"Meron kaya, nasa loob ng kwarto ko. Nasa ilalim ng papag ko. Hindi mo talaga sya makikita kasi hanggang baba ka lang naman ng bahay namin kanina. Nasa taas ang kwarto ko." Paliwanag ko.

"Ok fine, kunyari naniniwala ako." Sabi nya. Pinanliitan ko sya ng mata.

Biglang sumingit sa usapan ang kuya ni Drew.

"Uhm Nate, alam ko na ang pangalan mo. I think it's time for me to properly introduce myself," sabi nito. Tumingin naman ako sa kanya.

"Dandrev," sabi nya. Nag-salute sya sa akin.

I nodded.

"Sige na, sige na! Tama na 'yan, kumain na tayo." Pagsingit ni Drew.

Tumingin naman ako sa hapag-kainan. Wow naman. Tingin pa lang, nakakabusog na. Pero syempre kakain pa rin ako. Hindi naman literal na nakakabusog ang pagtitig.

"U-uhm sinong nagluto nito?" I asked shyly.

Tumaas ng kamay si kuya Dandrev, "Ako. Hindi ko pinagluluto si Drew. Binabagyo ang kusina. Signal number 7. Hindi ko nga pinagbubukas ng tangke 'yan, tinotodo kasi. Baka sumabog dito sa bahay." Sabi nya.

Medyo napatawa naman ako.

Nakita kong sumama ang tingin ni Drew kay kuya Dandrev. "Hiyang-hiya naman ang strand kong ICT sa kurso mong culinary arts. Pakainin kita ng CPU dyan eh." Sabi ni Drew.

Pain ☑️Where stories live. Discover now