Chapter 17

8.1K 158 8
                                    

Naomi POV

Nag lalakad ako papasok ng C.A, hawak hawak ko ang lalagyanan ng pag kain na iniluto ko para kay Jiro, hindi ko mapigilan na nguti dahil dito. Maraming pumapasok na pang yayare sa aking isipan kung paano ko ito ibibigay o kung paano siya mag rereact pag ibinigay ko ito sa kanya.

Hindi ko pinansin ang mga tingin nila, wala naman silang mabuting magagawa sa buhay ko.

"Look girl, si nerdy the trash nakangiti."

"Kaya nga, nakakatakot siya!"

"Sinabi mo pa, tara na nga baka mahawaan pa tayo ng ka-pangitan niya."

Kahit masakit ang mga sinabi nila, hindi ko na lang ito pinansin.

"Sige, laitin niyo lang ako jan kayo masaya."

Yan ang bulong ko sa aking isipan ng makita ko silang nag lalakad papalayo sa akin. Pero, umaasa pa rin ako na sana balang araw ay rumami ang mga kaibigan ko dito sa C.A. Nang makarating na ako sa classroom ay agad kong nakita si Jiro kaya napangiti ako. 

Alam niyo yung feeling na kahit masama loob mo o kaya kahit wala kang tulog papasok ka parin for the sake of your happiness at yung happiness na yun ay si crush. Dahil sa iniisip ko hindi ko maiwasan na ngumiti ng patago, dahil mahalata nila at matakot pa sila. Dumirtsyo na agad ako sa upuan ko na katabi ni Jiro.

"Hi Naomi!" Masiglang bati sa akin ni Jiro dahilan para matahimik ang classroom lalo tuloy akong kinabahan at nahiya.

"H-hi ri-n Ji-ro." Nakayukong bati ko sa kanya.

"Ang cute mo talaga." Sabi niya kaya lalo ako namula. Bakit ka ba ganyan Jiro? Wag mo naman ako paasahin. Usong uso pa naman ang paasa sa mga panahon na ito.

Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka kung ano pa magawa ko kaya nanahimik na lang ako at hinintay ang teacher namin. Nang dumating na ang guro namin ay nag si tahimikan na ang lahat at nakinig na. Unang salita palang ng teacher ko ay inantok na ako ewan ko pero parang hinihele ako ng boses ni ma'am, kaya hindi ko maiwasan na mapapikit.

"Miss Bae!" Dahil dito ay napatayo ako at nag si tawanan naman sila. Napayuko na lang ako dahil dito. "Ang lakas mo naman matulog sa klase ko ganyan ka na ba katalino para tulugan ang klase ko?"

"Sorry po ma'am" Nahihiyang tugon ko sa guro ko.

"The place where Philippine independence was proclaimed?"

"Cavite El Viejo, Kawit. Ma'am." Dahil doon tinaasan ako ng kilay ni ma'am kaya lalo akong kinabahan dagdag mo pa ang mga mapang husga nilang pag tingin sa akin.

"Founder of the Philippine Independent Church?"

 "Isabelo de los Reyes" 

"Senate President of Spain who headed the Spanish delegation in the drafting of hte peace treaty ending the Spanish-American War?"

"Don...Don Eugenio Montero Rios, Rios, Eugenio Montero Rios."

"This event reflected the decision of the Katipunan to stage a revolution against Spain."

"Cry of Montalban"

"Okay. Hindi na kita pagagalitan, pasalamat ka at matalino ka pero, respetohin mo naman ang klase ko understand?" 

"Yes ma'am." 

"Okay you may sit." Kaya umupo na ako agad at nakinig na sa pinag sasabi ng teacher ko ayaw ko naman na mapagalitan ulit ako. Buti na lang at alam ko ang mga pinag tatanong sa akin ng teacher ko.

Sa mga sumunod na teacher ay nakinig na talaga ako ayaw ko na kasi mapatayo at nang recess na eh lubos na kasiyahan ang naramdaman ko.

"Naomi sabay na tayo kumain." Sabi ni Jiro kaya napangiti ako.

"Okay Jiro." Masayang tugon ko sa kanya at binitbit ang lunch box na dala ko nag tungo kami papuntang rooftop. Nung mag papaalam na siya na bababa siya upang bumili ng makakain ay pinigilan ko na siya.

"Jiro kasi ano eh..."

"Anong ano?" Nag tatakang tanong niya sa akin.

"Ano nag luto ako ng makakain natin kaya sana kainin mo to." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Talaga?" Gulat na tanong niya sa akin.

"Oo eh... Ayaw mo ba?" Malungkot na tanong ko sa kanya.

"Hindi noh gusto ko nga eh gustong gusto kita." Dahil doon sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya at inayo ang salamin ko. 

"Ahhh?" Nag tatakang tanong ko sa kanya ayaw ko naman maging assuming noh. Masakit daw kasi mag assume.

"Sabi ko gusto kita Naomi." Dahil sa sinabi niya ay napatalikod ako sabay tingin sa langit at ngumiti. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Salamat ate.

"Kaya mo ba ako kiniss Jiro dahil gusto mo ako?" Tanong ko sa kanya habang nakatalikod parin ako. Dahil doon ay hinarap niya ako at inayos ang magulo kong buhok.

"Oo, Naomi gusto kita." Sabi niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata kaya hindi ko maiwasan na ngumiti dahil sa sinabi niya.

The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon