Chapter 12

8.8K 170 2
                                    


Naomi POV

Nakaupo ako sa kama ko habang nakatingin sa salamin na nasa tapat nito. Tinanggal ko ang salamin ko at hinawakan ang mukha ko. Akala ko okay na ako. Akala ko lang pala. Hanggang ngayon kasi bumabalik ang mga ala-ala ng nakaraan ko na pilit kong binabaon sa lupa.

Usok, dugo, sasakyan, sigawan, at siya...

Akala ko talaga nakalimutan ko na. Hindi pa pala. Kasi hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko. Merong nag sasabi sa akin na hindi ko yun kasalanan at deserve niya yun. May nag sasabi naman sa akin na kasalanan ko yun at mali ang ginawa ko. Hindi ko na alam. It's been a year since that tragedy happen to my life. Hindi ko alam pero may nag uutos sa utak ko na gumawa ng masama at gumawa ng tama. Hindi ko kung sino susundin ko. Nalilito na ako. Tumingin ako ulit sa salamin at nakita ko ang isang babae na magulo ang buhok at nangingitim ang baba ng mata.

Tatlong araw na ang nakalipas nung mahimatay ako sa school. Tatlong araw na rin na bumabalik ang masasamang ala-ala ng nakaraan ko. Hinawakan ko ulit ang mukha ko at nakita ko na may bumabadyang lumabas sa aking mata. Luha. Luha ang bumabadyang lumabas.

"Kasalanan mo!"

Dahil sa ala-alang yun ay tumulo na ng kusa ang mga luha sa aking mata. Napahagulgul ako habang inaalala ang lahat. Ang mapang husgang mata nila. Sabi niya hindi ko kasalanan yun. Sabi niya lahat ng bagay may dahilan kung bakit ito nang yayare. Pero bakit? Bakit di ko maintindihan? Sabi niya hindi ko kasalanan at siya din ang may gusto ng nang yare na balang araw maiintidihan ko rin daw ang lahat.

Pero paano? Paano ko maiintindihan? Kung yung taong anjan lagi sa tabi ko at nag papalakas sa akin ng loob ay pinatay ko. Siya na lang ang meron ako. Siya ang naging lakas ko at kahinaan ko. Natakot lang naman ako na baka pag mag katuluyan sila maging mag isa nanaman ako. Ayaw ko. Malungkot ang mag isa. Pero ano ako ngayon? Diba malungkot at nag iisa. Yung kinatatakutan ko ulit mang yare ay ako mismong gumawa. How funny I am. Right?

"Andito lang ako naomi" And he give me a sweet smile. That smile make me calm and give me hope to live.

Napangiti ako sa naalala ko. Oo nga pala hindi ako nag iisa anjan pa si Jiro. Sabi niya anjan lang daw siya. Okay lang naman diba? Okay lang naman na mag tiwala at maging masaya ulit kasama ng iba? Wala naman mawawala sa akin. Sabi nga niya wag daw ako malulungkot kasi pag may nawawala may bagong darating. Napangiti na lang ako sa naisip ko. Siguro nga dapat kong pag bigyan ang sarili ko na maging masaya. Alam kong ginagabayan niya ako. Salamat at binigay mo sa akin si Jiro.

Tama ka nga na kahit anong itsura mo may tao paring tatanggapin ka. Maganda ka man o hindi, mabango ka man o hindi, matalino ka man o hindi, at mayaman ka man o hindi. Dahil kahit baliktarin mo ang mundo may tao paring mag iisip para sa kasiyahan mo at may taong tatanggapin ka kahit ano ka man. At alam ko na si Jiro yung taong yun. Siya yung bubuo sa durog kong pag katao at wasak kong puso dulot ng nakaraan ko.

Alam ko na hindi niya ako sasaktan, papaiyakin, at lolokohin dahil nararamdaman ko yun pag kausap ko siya. Jiro... Pinapayagan na kitang pumasok sa buhay ko. Soon you will know my dark past and I know that you'll understand it. At sana kung malaman mo ang kataohan ko ay wag kang mabibigla at mag bago sa akin.


The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon