Chapter 2

15.4K 266 2
                                    

                                                

                                                          ~*~Naomi POV~*~  


"Ano ba yan ang ingay."Sabi ng isang tao na halata sa boses na kakagising lang niya,dahil doon natigilan ako at unti unting lumingon kung saan galing ang boses na yun.Nagulat ako nang lumingon ako isang lalaki na kinukusot kusot ang mga mata niyang singkit,isang lalaki na pinag kakaguluhan ng mga kababaihan at mga binabae dito sa campus walang iba si Jiro.Nakatingin lang ako sa kanya na may pag tataka.

"Bakit ganyan ka tumingin?"Tanung niya sa akin,siguro napansin niya na nakatingin ako sa kanya or let me say nakatitig.

"Bakit ka natutulog sa ilalim ng hagdan?"Okay ang daldal ko na masyado,hindi naman ako ganito pero sige na nga wala naman nakakakita sa amin at sa palagay ko harm less naman siya or not?Basta ewan ang gulo ko.

"Ahhh"Sabay kamot ng ulo niya,"Maingay kasi sa llibrary lagi may nag bubulungan di tulad dito sa rooftop wala masyadong tao dahil nga sa sabi sabi na may multo daw dito,kaya andito ako natutulog nang bigla ka nag sisigaw at kinakausap mo ang sarili mo,may sapak ka ba?"Tanung niya sa akin nanliit lang ang mata ko.

"Baliw?Panget lang."Sabay tingin sa kanya umiiling iling lang siya,hindi ko na to pinansin at umupo na lang ako sa sahig,sabay tingin sa langit nakakarelax kasi.

"Tsk.Wala kang tiwala sa sarili mo?"Iling iling na sabi niya habang nakatingin sa akin,"Bakit ang dungis mo?"Takang tanung niya sa akin.

"Ahhh..Ito ba?"Sabay turo ko sa sauce sa buhok ko at dumi sa mukha ko,"Pinag tripan lang naman ako."sabay tingin sa kanya.

"At hindi ka lumaban?"Takang tanong niya sa akin kaya napatawa ako dahil doon nag papatawa ba siya?

"Ahhh?Lalaban?Hindi noh...Ayaw ko ng gulo pumunta ako dito para mag aral hindi makipag away mag sasawa rin sila sa pinag gagawa nila sa akin."

"Naniniwala ka na mag sasawa rin sila?"Takang tanong niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti sabay sabing

"Oo naman naniniwala ako at masama ang gumanti kung masama na ang ginagawa nila sa akin ngayon mas masama gumanti kasi ibig sabihin katulad lang nila ako at sabi ni mommy na wag na wag akong gaganti.Hindi ako tutulad sa kanila kasi alam ko kahit hindi ako gumanti naniniwala ako sa karma na babalik sa kanilang lahat ang ginagawa nila sa akin,hindi man ngayon malay mo diba bukas."Sabay ngiti ko sa kanya at dahil doon natigilan siya.

"ahhhh....Oo nga makakarma ang mga taong mananakit sayo."Sabi niya sa akin pero hindi siya nakatingin sa akin kundi sa kalangitan kaya tumingin rin ako doon at ngumiti sabay sabi ng

"Oo babalik sa kanila lahat ng ginawa nila sa akin lalo't alam ko na wala naman akong ginagawa sa kanila."Sabi ko habang nakatingin parin sa langit pero naramdaman ko na si Jiro ay nakatingin sa akin pero hindi ko na lang to pinansin at tumayo na ako.

"Sige na mauuna na ako Jiro kaylangan ko mag palit at mag hilamos ang lagkit ko na dahil sa sauce."Hindi ko na siya pinag salita at umalis na ako at pumunta na sa locker room nang makarating na ako sa locker ko kinuha ko na yung extra shirt ko at pumunta sa wash room.Pag katapos ko mag ayos ng sarili ko lumabas na ako at ppumunta sa classroom.

Dumaan ang limang oras na wala kaming ginawa kundi mag kwentohan o should I say na wala silang ginawa kundi mag kwentohan.Oo,sila dahil di naman ako nakikisali nag babasa lang ako ng libro dahil di naman ako makarelate sa pinag uusapan nila at alam ko naman na di ako kasali sa usapan nila.Bakit ko pa isasali ang sarili ko kung maouout of place lang ako diba at baka yun ang maging dahilan para mapansin nila ako at mag simula sila pag tripan ako.

Nung nag bell na nauna akong tumayo at lumabas ng classroom para agad makababa at makauwi.Feeling ko pagod na pagod ako kahit wala naman ako masyadong ginawa.Kaya pag dating ko sa kwarto ko ay humiga na ako at agad nakatulog.Good luck sa akin bukas.

The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon