Chapter 49

4.4K 78 2
                                    

Naomi POV

Nandito ako sa may dining area namin nakaupo sa pinaka dulo ng 12 seater na lamesa,masyadong mahaba para sa isang tao.Hinihintay ko lang ang mga special na bisita ko bago ko simulan ang kasiyahan,pumalakpak ako at dumating na ang isang katulong na may dalang red wine at isinalin ito sa wine glass na hawak ko at unti unti ko itong ininum hanga maramdaman ko ang pait sa lalamunan ko.

"Young lady andito na po ang mga bisita niyo."Dahil sa annonsyong iyun ay napaangat ako ng tingin at napangiti,ito na talaga to wala nang atrasan.

"Papasukin sila at papuntahin dito."Sinasabi ko yun habang hawak ang aking mapupulang labi,agad agad naman niya ito sinunod.Inayos ko ang upo ko at seryosong tumingin sa harapan ko,dahil alam ko maya maya lang ay nandito na ang mga panauhing pandangal ko ngayong gabi.

Hindi nga ako nag kamali dahil andirito na sila,kaya tumayo ako para salubungin sila ng isang yakap at isang ngiti,pag katapos pinaupo ko na sila sa mga dapat nilang kalagyan.

"Thank you for coming."Sabi ko habang nakatingin sa kanila at nakangiti,na naging hudyat para pumalakpak ako'y muli para ilabas na ang mga putaheng kakainin namin ngayon.Bubusugin ko muna sila bago ko pahirapan.Napapangiti na lang ako habang naiisip ang pwepwedeng mang yare sa kanila mamaya.Nang maubos nila ang kanilang pag kain ay tumingin ako sa isa sa mga alagad ko at ngumiti hudyat para ilabas ang mga wine na para sa kanila lang.

Walang pag aalinlangan naman nila itong ininum at dahil doon unti unti ay aantokin silaat hindi rin nag tagal ay nawalan na sila ng malay.Tumayo ako ng makita kong wala na silang malay.

"Dalhin niyo na ang mga yan sa dapat nilang pag lagyan,bilisan niyo tatlong oras lang meron tayo bago sila magising ayaw ko ng babagal bagal."Pag katapos ko yan sabihin ay pumunta ako sa sa kwarto ko para mag ayos.Pumunta ako sa cabinet kung nasaan ang mga salamin,damit at kung ano ano pang ginagamit ko nung ako pa si Naomi,kinuha ko ang salamin at pumunta sa salamin ng kwarto ko,hinawakan ko ang mukha ko sa salamin at tumulo ang mga luha ko.

"Kung tinanggap lang nila ako agad hindi ako magiging ganito,naging miserable ako ng dahil sa kanila.Tanging kasalanan ko lang naman ay ang mag tiwala at mag mahal ng lubos bukod pa doon ay wala na.Ang unfair ng buhay kung sino pa yung mabait siya pa nagiging miserable,wala talagang nag mamahal sa akin.Wala."Habang sinasabi ko to ay nakatingin lang ako sa salamin kung saan ay nakikita ko ang reflection ko at tumingin ako sa mga kamay ko na may hawak ng salamin at unti unti ko tong sinuot sa akin at tumingin ulit sa salamin sa harapan ko.

"I'm suffering because of them,I have this damn illness because of them and I'm miserable because of them.Dapat lang na ibalik ko sa kanila ang lahat,dapat ko lang sila pahirapan."Habang nakatingin parin sa reflection ko,kinuha ko ang red lipstick ko at nilagyan ang labi ko para lalo maging matapang ang mukha ko.Habang ginagawa ko ito ay bumabalik lahat sa akin ng sakit,lahat lahat ng pinag daanan ko.

Hindi ibig sabihin na may sakit ako sa utak ay hindi ako aware sa nang yayare,dahil aware ako at wala akong pinag sisihan sa mga gagawin ko dapat lang mamatay sila.Lumipas ang mga oras at nakatingin lang ako sa reflection ko ng tumingin ako sa orasan ay napag pasyahan ko nang bumaba dahil alam kog gising na sila.Pag karating ko kung nasaan sila ay bakas sa mga mukha nila ang pag tataka.

"Ano ang ibig sabihin nito?"Takang tanong ni Zac pero hindi ko siya pinansin at inayos ang suot kong salamin dahil bumaba ito kaya inangat ko.

"Ilabas niyo na yung tatlo,alam ko naman na bored na bored sila dahil tatalo lang sila.Pasalihin natin sila sa kasiyahan ngayong gabi."Malamig na pag kasabi ko habang nakatingin kay Jiro,wala akong makita kahit anong emosyon sa mga mata niya kaya binaling ko na lang ang paningin ko kay Kate at ngumisi.

"Fuck!"Isang sigaw ang umalingaw ngaw ng itulak ang tatlong lalaki sa lapag kung asan ang iba pa nilang kasamahan.Napatingin silang tatlo sa paligid at nagulat sila na hindi lang sila ang nandoon dahil marami sila.

"Tigilan mo na ito!"Sigaw ni Jerome pero hindi ko lang ito pinansin at ngumiti lang kaya sumingkit ang mga mata niya.

"What's the meaning of this?"Maarteng tanong ni Kate kaya naningkit ang mata ko sa kanya at umirap na lang sa ere.

"Di niyo ba ako nakikilala... Jiro at Kate?"Nakangising sabi ko sa kanila habang hinahawakan ko ang labi ko.

"Ikaw si Shayne Cruz...ano bang kabobohan ang tinatanong mo?"Nag mamalditang sabi niya kaya pumitik ako sa ere na naging hudyat para sampalin siya ng tauhan ko.

"Respect our master."Madiin na sabi nito,dahil sa lakas ng impact ng pag sampal sa kanya ay nag kasugat ang gilid ng labi niya.

"Jiro...do you remember me?"Malamig paring ang tono ng pag sasalita ko,dahilan upang tumingin siya sa mga mata ko at nag salita.

"Naomi Shayne Bae Cruz"Sinabi niya yan habang nakatingin sa mga mata ko,ngumisi lang ako sa kanya.

"O...M...G"O.A na pag kasabi ni Kate at bakas sa mga mata niya ang pag katakot.Nagulat na lang ako ng biglang mag salita si Zac na nag painit sa ulo ko.

"Naomi please...pakawalan mo si Kuya Zash wala naman siyang kasalanan dito maawa ka sa kanya...siya pa nga ang tumulong sayo diba?Please wag ang kuya ko kahit ako na lang."Pakiusap ni Zac na dahilan upang tumawa ako ng malakas.

"Maawa?Ha.ha.ha pinapatawa mo ako Zac...damay si Zash dito damay yang demonyong yan!"Malakas na sigaw ko sa kanya na dahilan upang siya ay magalit.

"Shut up!Wala kang galang!Pag katapos ka ni Kuya tulungan gaganitohin mo lang siya Naomi!?"Galit na galit na pahayag ni Zac.

"Galang?Awa?Ano pa?Pag mamahal?Wala talaga akong nararamdaman sa kanya sa mga nabanggit dahil puro galit ang nararamdaman ko sa kanya!Tulong?Pinag mamalaki mo ba sa akin yung tulong niya?Fuck it Zac!Nirarape ako ng kuya mo araw araw sa bahay niya!Sa tingin mo mag kakasakit ako ng ganito dahil sa simpleng pag iwan sa akin ni Jiro?Hindi!Dahil napakababaw lang nun!Ang puno't dulo talaga ay yang kuya mo!He raped me many times!Humingi ako ng tulong sayo pero pinabayaan mo ako!Kaya hindi kita magawang mahalin kasi di mo ako pinaniniwalaan!Akala mo mahal ka ng kuya mo?Pwes hindi!Galit siya sayo kasi kinukumpara siya sayo alam mo ba yun?Syempre hindi!"

"Nag sisinungaling ka lang!"Malakas na sigaw niya sa akin na naging dahilan upang lapitan ko siya at sampalin.

"Galit siya sayo kasi yung mga magulang niya masyadong bilib sayo dahil daw matalino ka at alam nila na mahihigitan mo itong si Zash pag dating ng araw.Akala ko matalino ka Zac ang laki mong tanga!Hindi mo alam na yung mahal mong babae ay binababoy ng kuya mo at wala kang ginawa...pinabayaan mo lang ako baboyin.Akala mo magaling na ako at yung gamot na pinapainom mo sa akin ay maintenance ko?Pwes mali ka!Pain killer yun!Yun ang unti unting pumapatay sa akin!Dahil alam ni Zash na oras mawala ako ay masasaktan ka na magiging dahilan upang bumagsak ka."

"No...hindi yan totoo."Umiiling iling na sabi niya sa sarili niya,dapat naawa na ako pero wala akong maramdaman na awa puro galit lang.

"Kung ayaw mo maniwala edi sige."Nakangising sabi ko sa kanya at hinarap sa Zash."Aminin mo ang lahat."Madiin na utos ko sa kanya ngunit umiling siya at nginisian ako at dahil mainit talaga ang dugo ko sa kanya ay sinaksak ko siya sa tagiliran upang mapasigaw siya sa sakit."Sabi ko umamin ka."Madiin na utos ko at diniinan lalo yung kutsilyong nakabaon sa tagiliran niya at ng tumango siya ay tinangal ko ito dahilan upang mapahiyaw siya.Ngunit dumaan ang isang minuto hindi parin siya nag sasalita kaya umakto ako na sasaksakin siya ay inunahan niya na ako.

"Oo na!Oo na!Aamin na ako!"Sigaw niya sa akin para pigilan ang pag saksak ko sa kanya sa pangalawang pag kakataon.

"Good boy."Sabi ko habang tinatap ang ulo niya at pag katapos ay tumalikod na ako sa kanya at umupo sa harapan nilang lahat na parang isang reyna na may ngisi sa mga labi habang pinapanuod ang mga taong nag kasala sa kanya at pinaparusahan,dahil parang isang reyna ay andoon silang lahat sa lapag at nakagapos habang nakaharap sa upuan ko at nakapalibot sa kanila ang mga alagad ko na kahit anong oras handa silang patayin pag may ginawa silang mali o pag iniutos ko ito.


To be continue...

The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon