Chapter 46

3.7K 74 0
                                    

Naomi POV

"Ms.Shayne dapat ayusin niyo pa po yung pag lalakad,dapat may pag ka seductive.Isipin mo na yung taong gusto mo ay inaakit mo habang nag lalakad ka."Sabi ng baklang nag tratrain sa akin para sa Mr and Ms Cruz 2010.Alam niyo yun lagi na lang mali yung pag lalakad!Ang daming arte parang mag lalakad lang naman sa stage!Pero dahil mabait ako ngayon ay hindi ko siya sisigawan,kundi ififire ko na lang siya mamaya.Baka kasi nakalimutan niya na ako may ari ng pinapasukan niya.


Kahit labag sa loob ko ang mga pinapagawa niya sa akin ay sinunod ko na lang ito.Para manahimik lang siya,nakakairita boses niya pachicks!Mukha namang hito.Tulad nga ng sinabi niya nag lakad ako ng taas ulo,dapat daw pag rarampa ka ifeel mo na ang ganda ganda mo.Sa lagay ko di ko na kaylangan ifeel iyun dahil maganda ako.At syempre wag kalimutan ang pag ka seductive,tulad ng sinabi niya iniisip ko na may inaakit ako,iniisip ko si Jiro.


"Very good Ms.Shayne!!!"Sigaw ng bakla pag katapos ko rumampa.Dapat lang na very good makuha ko.Ako yata si Shayne.


Nang matapos na ang mga babae sa pag rampa ay yung mga lalaki naman.Alam niyo yun?Natatawa ako sa mga ibang lalaki dalang dala sa sinabi ni bakla na,"Tulad sa mga babae dapat ifeel niyo na ang gwapo gwapo niyo!"Kaya itong mga tukmol na to ay feel na feel,mukha namang muscle na tinubuan ng mukha,inshort ang papanget ng iba.Napapairap na lang ako sa mga lalaking rumarampa,yung mga malalandi naman dito ay kinikilig.Like O.M.G!Wala namang nakakakilig!Nakakadiri?Pwede pa!


Bored na bored na ako dito sa kinauupuan ko,hindi ko na rin alam kung naka ilang beses na ako humikab sa sobrang boring dito.Pero nung rumampa yung lalaking ito ay hindi ko naituloy yung pag hikab ko,napalunok pa ako.Ang angas niya rumampa.Ang weird dahil nararamdaman ko nanaman yung nararamdaman ko sa kanya dati,bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.Unti unti itong sumasakit,unti unti ay bumabalik sa akin ang mga ala-ala.Pero ang nakakapag tataka,wala akong maramdaman na lungkot dahil puro galit ang nararamdaman ko.


Galit sa lalaking ito na minahal ko ng lubusan.Galit dahil sa mga kasinungalingan na ginawa niya sa akin.Galit dahil pinaasa niya ako sa wala.Galit dahil sinaktan niya ako.Galit lang ang nararamdaman ko.At itong galit na ito ang naging sandigan ko.Bago pa ako may magawa ngayon dito ay umalis na ako.Hindi pa to ang tamang oras para sa gagawin ko.Nag lalakad ako ngayon papunta sa parking lot ng school ng may humila sa akin papunta sa likod ng poste.


"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!?"Sigaw niya sa akin.


"Wala kang pake-alam okay?"Walang emosyon na sabi ko sa kanya,sabay tanggal ng kamay niya na nakahawak sa mga braso ko at tinalikuran ko siya.Sinasayang lang niya ang oras ko.


"Kinakausap pa kita!Wag mo ako tatalikuran!"Sabay hila sa akin at balibag ulit sa may poste,napangiwi ako hindi dahil doon kundi sa pag sakal niya sa akin. "Hindi mo na itutuloy ang pag sali sa pageant at ibibigay mo yan kay Kate."Napangisi na lang ako sa sinabi niya.


"Sino ka naman para sundin ko ang inuutos mo?"Nakangising tanong ko sa kanya dahil yata sa pag kaasar hinigpitan niya ang pag hawak sa leeg ko.Pero hindi ko pinakita na nasaktan ako,kasi magiging advantage yun sa kanya.


"Hindi kita inuutusan Shayne dahil gagawin mo yan sa ayaw at sa gusto mo."Maangas na pag sabi niya sa akin.


Wala nga yata ako magagawa sa isang to,masyadong nabulag sa pag mamahal kay Kate at alam ko pag mag salita pa ako na hindi ko siya susundin papatayin niya ako.Kaya pinasok ko ang aking kamay sa aking bulsa para pindotin yung button,alarm yun sa mga guard ko in case of emergency at ito na yung panahon na yun.Nang napindot ko na yun alam ko na mamaya maya andito na sila kaya may panahon pa ako para asarin siya.Lalo na't lumuwag ang pag kahawak niya sa leeg ko,tamang tama lang.Kakampi ko talaga ang tadhana dahil siya na mismo nag palapit at nag padali sa pag bihag ko kay Jerome.


"Bakit mo ba to ginagawa Jerome?Ahhh oo nga pala mahal na mahal mo si Kate tanong mahal ka ba?"Sabay ngisi ko sa kanya.


"Manahimik ka!Mahal niya ako!"Gigil na sagot niya sa akin.


"Talaga?Bakit binabalikan niya si Jiro?Kawawa ka naman.Lahat ginawa mo para sa kanya pero hindi niya to napapansin.Ikaw kasi iniwan mo pa siya dati tapos ngayon hahabol habol ka?"Nakangi kong sabi kaya sa sobrang inis niya ay sinakal niya ako ng napakahigpit,napahawak ako sa mga kamay niya.


"Manahaimik k—-"Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil may sumipa sa kanya.Tamang tama talaga ang dating ng mga guard ko.Nakipag laban pa siya dito pero wala siyang magagawa dahil mas malalaki at mas malalakas ang mga guard ko,nung napahiga na siya sa sahig dahil sa pagod ay nag signal ako ng tama na at nag salita.


"Patahimikin niyo yan at isama yan sa mga bisita natin sa bahay,hihintayin ko kayo.Bilisan niyo baka may makapansin sa inyo,dahil pag nabigo ang plano ko papatayin ko kayo."Tapos nun ay umalis na ako papunta sa sasakyan.


Wrong move Jerome,kung galit ka sa akin dahil sa ginawa ko sa pinaka mamahal mo mas galit ako sa pinag gagawa ng minamahal mo.Wala pa sa galit mo ang nararamdaman ko sa inyong lahat.

The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon