Chapter 14

8.3K 173 3
                                    

Naomi POV

Ang awkward talaga ng nang yayare ngayon, kasama ko si Kate at si Jiro hindi ko alam pero may iba sa tinginan nila, parang may spark. Kung titignan mo naman talaga sila bagay na bagay sila... Maganda si Kate, gwapo si Jiro bagay lang sila eh ako pag dinikit kay Jiro tae lang ako. Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot dahil sa iniisip ko. Ewan ko pero may sakit sa puso ko pag nakikita kong tumatawa at ngumingiti si Jiro pag kasama si Kate, parang nasasaktan yata ako sa nakikita ko...

Maraming humahanga kay Kate dahil nasa kanya na daw ang lahat ng hinihiling ng isang babae pero bakit ganun? May iba akong nararamdaman sa kanya pag tumingin siya sa akin hindi ko maiwasan na matakot at kabahan. Illusyon ko lang ba to o praning lang talaga ako? Mahirap naman kasi mamintang.

"Jiro..." Mahinang pag bigkas ko sa pangalan niya ngunit parang hindi niya ito narinig kaya nilakasan ko ito ng kaunti. "Jiro" dahil dito ay humarap siya sa akin.
"Bakit Naomi?" Nakangiting tugon niya sa akin, dahil sa ngiti na yun gusto kong hawakan ang aking puso dahil napaka bilis ng tibok nito.
"Aalis na sana ako... Gusto ko lang pumunta sa garden at mag pahinga."
"Ah sige... Ingat ka Naomi." Sabi niya sabay harap ulit kay Kate, napahawak ako sa aking puso hindi dahil sa lakas ng tibok nito kung hindi dahil kumirot ito. Tumayo na lang ako habang hawak parin ang dibdib ko.

Jiro bakit ka ganyan? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa iyo? Kaya mo akong pasayahin agad at kayang kaya mo rin naman akong saktan kahit sa simpleng galaw mo lang. Ano bang meron ka at bakit ganito ang nararamdaman ko? Ginayuma mo ba ako?

Gayuma!? Sa panget kong to gagayumahin pa ako ni Jiro? Hahaha patawa ka talaga Naomi. Dahil sa inisip ko ay binatukan ko ang aking sarili at napailing na lang habang nakangiti.

"Nababaliw ka na Naomi."

Sabi ko sa aking sarili. Nang makarating na ako sa garden ay umupo ako sa ilalim ng puno upang may masilungan at masandalan, bukod sa rooftop ang garden ang nag paparelax sa akin. Ang pag tingin sa puno atsa kalangitan ang nag papawala panandalian sa mga sakit na nararamdaman ko. Napatingin ako sa itaas at nakita ko ang mga dahon ng puno na may lumilitaw na liwanag galing sa taas. Itinaas ko ang kamay ko upang ito ay takpan at ngumiti.

"Ate..."

Hindi ko maiwasan na maalala si Ate ang taong meron ako pero hinayaan ko lang mawala sa akin. Ate alam ko naman na hindi ko dapat sisihin ang sarili ko at alam ko naman na gusto mo ako mapabuti at sumaya kaya ate pwede bang humiling sa iyo? Pwede bang mahalin ako ni Jiro? Pwede bang maging akin siya ate? Ewan ko bakit ko to sinasabi basta ang alam ko gusto ko siya...

End of Naomi POV

Someone POV

"I'm sorry Naomi." Hindi ko maiwasan na sambitin iyun habang tinatanaw ko siya mula sa malayo, natatakot kasi akong lapitan siya baka kasi malaman niya lahat ng sekreto ko. Wala akong magawa kundi ang mag sorry sa kanya.

The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon